Chapter VI - Coffee

37 10 0
                                    

Tweet of this chapter :

Sometimes all you need to do is to share your burdens in order to lighten them.

————————————————————————


Araw ngayon ng sabado pero maaga akong nagising dahil pupunta kami ngayon bibili ng aming mga susuotin para sa acquaintance party bukas. Ayaw ko na sanang bumili ng gown ko pero nag-insist si Tita kaya wala akong nagawa. Nag-aayos pa lang ako ay nakita kong nagri-ring ang cellphone ko at si Kristel ang tumatawag kaya dali-dali ko itong sinagot.

"Hello"

"Asan ka na?" bungad niya

"Nag-aayos pa"

"Bilisan mo malapit na kami sa school" sinabi ko kasi kagabi na sa school na lang nila ako sunduin dahil hindi rin naman nila alam ang daan papunta dito sa bahay nila Tita.

"Sige patapos na ako"

"Ingat ka papunta dito"

"Salamats bye" tapos ay pinatay ko na ang tawag at nagmadaling mag-ayos.

Pagkababa ko sa hagdan ay wala akong taong nadatnan sa baba.

"Kleya, kain ka muna" nagulat ako ng biglang nagsalita si Nana galing sa kusina.

"Wag na po Nana, nasa school na po yung mga kaibigan ko naghihintay na sila doon"

"Sige sige mag-iingat ka, tawagin ko lang si Carlos para ihatid ka"

"Salamat Nana"

Si Nana Marites at Manong Carlos ay mag-asawa at ayon kay Nana ay matagal na raw silang naninilbihan kina Tita. Wala silang naging anak kaya dito na rin sila tumira at hindi na umuuwi sa kanilang probinsya at tulad ko ay wala na rin naman daw silang uuwiang pamilya doon kaya siguro malapit ako kay Nana kahit ilang linggo ko pa lang dito dahil parehas kaming wala ng pamilya ang kaibahan nga lang ay meron pa sa tabi niya si Manong Carlos.

"Tara na Kleya" halatang kagigising niya lang, nahiya naman ako bigla dahil rest day ngayon ni Manong Carlos tapos ay aabalahin ko siya ng ganitong oras.

"Mag-kape po muna kayo"

"Naku wag na Kleya at sinabi ni Nana mo na andon na raw yung mga kaibigan mo, tara na"

Nagderetso na siya sa garahe kaya wala akong nagawa kundi anymg sumunod sa kanya. Mula sa labas ng bintana ay rinig ko sa Nana.

"Ingat Kleya"

Pagkarating namin sa school ay nandon na nga sina Kristel at Kleya na naghihintay. Pagkababa ko ay agad nila akong nginitian.

Binuksan ni Kiana ang sasakyan sabay sabing "Tara na, pasok na tayo"

Pagkapasok ko sa sasakyan ay nagulat ako dahil hindi siya ang driver na inaakala ko. Bakit siya nandito? Nang lingunin niya ako ay ngumiti siya pero blangko ang tingin ko sa kanya.

"Si Kuya Patrick pala ang magdrdrive sa atin Kleya, wala kasi yung driver namin may emergency kaninang madaling araw kaya pinaki-usapan ko si Kuya para ihatid tayo" paliwanag niya dahil nakita niya siguro yung mukha kong nagtataka.

"Okay" tipid na sagot ko dahil hindi ko naman alam ang sasabihin ko.

"Buti nga at pumayag si Kuya Patrick ngayon ewan ko ba diyan, dati rati naman ay ayaw niya naman. Anong nakain mo ngayon kuya at pumayag?" si Kristel.

"Haha wala, wala lang talaga akong gagawin ngayon at saka may bibilhin din ako kaya ako pumayag"

"Or pumayag ka lang dahil sinabi naming sasama si Kleya, ikaw kuya ha" mapanuksong dagdag niya pa.

Lost In Time | O N  G O I N G |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon