Prologue

871 107 61
                                    


Unti-unting bumabalik ang diwa ko. Idinilat ko ang kanang mata ko, huminga ako nang bahagya at naaamoy ko ang lupa. Sunod kong idinilat ang kaliwang mata ko. Nanlalabo ang paningin ko.

Masakit ang ulo ko, parang may kung anong pumukpok dito. Nakadapa na pala ako sa lupa, napaubo-ubo at naglalabasan ang mga dugo sa bibig ko.

Nagpumilit akong bumangon, hindi ako gaanong makabangon nang maayos. Unti-unting lumilinaw ang paningin ko. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Nasaan ako?

Saang lugar ito?

Bakit nasa kagubatan ako?

Sino ang nagdala sa akin dito?

Ang sakit ng buong katawan ko, parang may bumugbog sa akin at iniwan lang ako dito. Hirap mang makapaglakad, ay pinilit ko pa ring maglakad para makahanap ng tutulong sa akin.

Paika-ika akong naglakad habang inililibot ang paningin sa paligid. Muntikan na akong matumba sa aking pagkakalakad, buti na lamang ay napakapit ako sa malaking puno na nasa tabi ko.

Napahawak ako sa tiyan ko. Nagugutom ako, ilang araw na ba ako rito? Naglakad lang ako nang naglakad, hanggang sa makakita ako ng maliit na sapa.

Bago ako lumapit, ay tiningnan ko muna ang buong katawan ko. Sira-sira ang damit ko at madumi ang buong katawan ko. Puro pa ako sugat at mga pasa. Nawawala na rin ang isang parte ng sapatos ko.

Lumapit ako sa maliit na sapa at doon ay nilinisan ko ang aking katawan. Nang matapos ako, ay umalis ako roon at muling naglakad-lakad.

Paulit-ulit na lang na katanungan sa isip ko habang nilalakad ang buong kagubatan; kung nasaan na ba talaga ako at kung ilang araw na akong nandito.

Sa aking paglalakad, ay nakakita ako ng kalsada. Tumungo ako papunta roon at doon ko na lamang muli sinimulan ang paglalakad-lakad ko.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na akong naglalakad rito sa mahabang kalsada na ito, nagbabasakaling may makakita sa akin at tulungan ako. Naririnig kong kumukulo muli ang tiyan ko.

Nagpalabas ako ng malalim na hininga. Nasaan ba kasi talaga ako? Wala na akong matandaan pa sa mga nangyari sa akin. Dahil ba ito sa pagkasakit ng ulo ko kaya nakalimutan ko na ang mga nangyari sa 'kin?

Nakakita ako ng papalapit na motorsiklo. Itinaas ko ang dalawang kamay ko para makahingi ng tulong. Napakatahimik rito at ang tanging naririnig ko lamang ay ang maingay na tambutso mula sa motorsiklo ang papalapit sa paroroonan ko.

"T-tulong!!" Pagpupumilit kong sigaw. Iilang metro pa lang ang layo niya sa 'kin, nang makita 'kong may hawak siyang malaking palakol.

Itinaas niya at nagsisigaw na parang baliw. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa pagsigaw niya. Imbes na antayin pa siya, ay agad akong tumalikod ako at nagpumilit na tumakbo.

Bumalik ako sa loob ng kagubatan at doon ko itinuloy ang pagtatakbo. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Medyo nakakalayo na yata ako kaya binagalan ko na ang aking pagtatakbo.

Nakakita ako ng isang malaking bahay. Hindi ko na binalak pang mangatok dahil halata namang walang tao roon. Ang importante na lamang sa akin ay makapaghanap ako ng aking matataguan dahil baka  ilang saglit na lamang ay maabutan niya ako. Pumasok ako roon at nagmasid-masid.

Dahan-dahan akong naglakad upang hindi makagawa ng ano mang ingay. Tumungo ako sa kusina para makapaghanap ng kahit anong matutulis na bagay para panglaban sa lalaking iyon.

RED FOREST ( AVAILABLE AT PSICOM APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon