Prologue

21 0 4
                                    

Prologue

Tahimik ngunit abala ang lahat ng estudyante dito sa loob ng school library. Kanya-kanyang latag ng mga gamit sa ibabaw ng lamesa. Ang iba ay nagbabasa ng libro, ang iba naman ay gumagawa ng mga takdang-aralin nila.

Nakaupo naman ako sa lamesa malapit sa bintana ng silid-aklatan. Tahimik na nagbabasa ng isang hindi kakapalang libro.

"What's the world's greatest lie?" the boy asked, completely surprised.

"It's this: that at a certain point of our lives, we loose control of what's happening to us, and our lives become controlled by fate. That's the world's greatest lie."

Naputol ang pagbabasa ko nang may isang mabigat na kamay ang humawak sa balikat ko.

"Keila... Samahan mo ko... Maglalaro... Ha! Wait! Di ako makahinga!"

"Shhh! Silence!" saway ng librarian sa gawi namin.

Nakangising humingi naman ng paumanhin si Jasmin kay Mrs. Angeles, school librarian.

Itiniklop ko ang librong binabasa, inilapag sa lamesa at bumaling kay Jasmin.

"Bakit?" pabulong kong tanong kay Jasmin.

Si Jasmin ay matalik kong kaibigan simula Grade 1. Nakapag-aral pa siya ng nursery at kinder 1 and 2 samantalang ako ay hindi, kaya Grade 1 na nang magkakilala kami dahil sa isang common friend. Grade 7 na kami ngayon, halos pitong taon na rin ang pagkakaibigan namin. Seven years and counting.

Huminga muna siya nang malalim at umupo sa silyang kaharap ko.

"Sama ka sakin, manunuod tayo ng laro nina Kuya sa gym," ngiting-ngiti pa siya habang binubulong 'yon.

"May ginagawa ako."

"Ehh, Keila naman. Nagbabasa ka lang naman e. Di naman natin assignment yan. Tsaka, may ipapakilala ako sa'yo." At bumungisngis pa.

"Kung sino man yan, hindi ako interesado."

"Sige na kasi. Magsisimula na ang laro. Ililibre kita ng street foods mamaya sa uwian, sumama ka na," pang-uudyok niya pa. Nagbubulungan pa rin kaming dalawa.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. Ano ngayon kung may ipapakilala siya? Ipapakilala lang naman.

"Sige na nga. Sabi mo yan ha? Wala ka nang karapatang bawiin yun," ngiting-ngiti ako habang nakatingin sa kanya.

Niligpit ko na ang librong binabasa at sabay na kaming lumabas ng library.

Nakayakap siya sa kaliwang kamay ko habang naglalakad kami papuntang gym. Mas matangkad ako ng ilang pulgada sa kanya kaya parang ako yung lalaki saming dalawa.

Malambing si Jasmin kaya minsan, kulang na lang ay mapagkamalan kaming lesbian na magjowa. Balewala naman samin yun kasi hindi naman totoo. Alam naming pareho kaming lalaki ang gusto kahit na NBSB naman kaming pareho.

Palapit na kami sa gym kaya rinig na rinig mula sa labas ang ingay na nagmumula sa loob.

Pagpasok namin ay may nakalaan na kaagad na upuan para saming dalawa. Ikaw ba naman ang nakakabatang kapatid ng Team Captain ng Varsity team, special treatment kung special treatment talaga.

And fortunately, matalik kong kaibigan ang nakakabatang kapatid ng Team Captain ng basketball team kaya kasali na rin ako sa special treatment na yon.

Hiyawan nang hiyawan ang mga kapwa school mates namin nang magsimula na ang laro. Halo-halo ang mga collage students at mga highschool.

Punong-puno ang gymnasium. Hindi pa ito ang kabuuan ng populasyon ng eskwelahan dahil ang iba ay may klase pa, samantalang kami ni Jasmin na Grade 7 pa lang uwian na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon