Prologue

37 0 0
                                    



        Minsan, ang musika ang nagpapakalma sa buhay ng isang tao. Mga kantang nakakapagpasaya at mga kantang kung saan ay nakakarelate ka.




     Maibabalik din ba ang mga kahapon sa pamamagitan ng musika?




       Isang kumpas sa gitara'y para bang may naaalala ang puso kahit hindi matandaan ng iyong isipan.





"1,2,3!!"





"Mula sa Unibersidad ng Pilipinas!!!!!"






Nagsimula nang tumugtog ang drums at kasabay nun ay ang pag-ilaw sa pwesto ng drummer ng banda. Isa-isa hanggang sa napunta sa bokalista na siyang kumumpas para magsimula na ang kantahan.





Sigawan ang mga kabataan dahil paskuhan sa UP. Ibubuhos nila lahat ng saya nila ngayong gabi pagkatapos ng isang nakakapagod na semestre.





"Ang ingay pala rito"  sambit ng binatang kakalipat lang sa unibersidad at unang beses masaksihan ang paskuhan sa UP.






Natapos ang pangrakrakan na mga tugtugin at nagpaalam ang binata dahil hindi na kaya ng pantog niya sa dami niyang nainom na tubig dahil sa totoo kahit nagreklamo siya sa ingay, nakikisabay rin siya sa pagkanta na para bang hindi siya nasisiyahan nung una.






"Ang kantang 'to ay para sainyong lahaaaaaat!!!"






Nagsimula na namang magsigawan ang mga estudyante.





"Walkman, tara na!!!!"





Isang grupo ng mga estudyanteng mang-aawit. 






Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko






Parang may kuryenteng naramdaman ang binata sa pagsisimula ng kanta. Malapit na siya sa pila sa CR para umihi ngunit umalis pa siya sa linya.





At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin





Ang mga tao'y nakapikit at tahimik na winawagayway ang kanilang mga kamay dahil sa malambot na musika.




Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sasabihing minamahal kita





Nakatingin lamang siya sa bokalistang kumakanta habang naggigitara.






"Sa wakas."

Pinas: 1990Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon