Chapter Four

3 0 0
                                    





Maurice








1990









Hindi ko alam kung bakit ko nakasabay sa paglalakad papuntang school 'tong pinsan ko at bestfriend niya. Pinapangarap ko lang 'to rati pero ngayon, ayoko na.








Nasa kanto na kami at tumigil lang dahil may dumaang malaking truck. Lumapit naman sakin si Paulo. Pati pagsuot niya ng bag niya nagbago na rin. Kita pa na may suot siyang itim na tshirt sa ilalim ng polo niya.











"Talunin natin pagkatapos ng klase." pagkasabi niya nun itinuro naman niya agad 'yung tindahan kung saan kami naglalaro ng Tekken. Nagpakawala lang ako ng buntong hininga. Umagang-umaga naman. Hindi kasi namin natalo kahapon kaya gusto niyang bumalik at talunin.










"Libre ko naman 'e" dagdag pa niya. Siguro kikiligin talaga ako kapag crush ko pa siya pero ngayon naiinis nalang ako. Nag-isip isip ako pagkatapos naming maglaro ni Paulo. Okay naman 'yung pagbabago niya, kaso ako ang problema, ipinakita ko na kasi sakanya kung ano ba talaga ako, 'yung maingay na Maurice kaya wala na talaga akong pag-asa. Mag-aaral nalang ako ng mabuti at ipagpapatuloy ko nang kumanta at magpiano para naman may maganda pa rin akong side sakanya kahit magkaibigan lang kami.










"May quiz ako bukas." pagpapalusot ko kahit wala naman.











"Oy, Kevin!! Oy Villanueva!!! May quiz ba kayo bukas???" agad niyang sigaw pagkakita niya sa isa kong kaklase.










Inaasar ako ni Paulo hanggang sa makarating na nga kami sa eskwelahan. Kapitbahay lang namin ang room nila at bago pa man ako makapasok sa silid namin 'e sinabi pa niya sa isa kong kaklase na may quiz ako mag-isa bukas. Tatakas nalang ako mamaya. Sana may biglaang meeting ang teacher namin sa Math, kahit paborito ko ang Matematika, kailangang ko 'tong hilingin para hindi ako makapaglaro mamaya. Nakakapagod kayang maglaro 'no tapos nagrereklamo pa mga batang andoon 'e ako naman naunang umupo at naglaro. Tsaka kasama ko pa si Paulo kaya hindi.









Agad namang lumapit sakin sina Angelika at Marta. Silang dalawa 'yung mga kaibigan ko sa klase namin. Malapit din ako sa iba ko pang mga kaklase pero silang dalawa lang ang matalik kong kaibigan.






"Alam mo ba 'yung mga third year ngayon naghahanda na sa JS PROM nila." pagsisimula ni Marta, gusto na rin kasi niyang maranasanan ang prom.








Magkakatabi kaming tatlo noon pero sa kadaldalan naming tatlo lalo na ako, ayun, pinaghihiwalay kaming magkakaibigan. Ngayon, nakaupo silang dalawa sa upuan ng mga bago kong katabi.









"Kay-aga naman yata" sagot ni Angelika na nagpuputol ng kuko. Inihipan niya pa 'yun na para bang may pinaghahandaan siyang ganap.









"Oo nga 'e ang aga mo ring maglinis ng kuko." kako naman at ipinatong na ang ulo ko sa mga librong dala ko. Iniisip ko pa rin talaga 'yung pagtakas ko kay Paulo mamaya.








"Haynako alam mo ba 'yang si Angelika! May crush na 4th year kaya ganyan." natatawang pagkwento ni Marta dahilan para ibato sakanya ni Angelika 'yung bulak sa tabi niya. Nahiya pa siya, dapat 'yung cuticle na para medyo masakit naman.









"Etong si Maurice Gibb, kasama niya 'yung transferee kanina." Ipinasa sakin ni Angelika 'yung pang-aasar sakanya. Hindi nila alam na may crush ako kay Paulo— noon dahil hindi naman dito nag-aral ng first year 'yun at hindi ko pa kaibigan 'tong dalawa nung elementary.










Pinas: 1990Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon