Photocards

25 1 3
                                    

Nangniningning ang mata ni Lovella nang iabot ni Tabi sa kaniya ang isang sobre. Kung tama ang hinala niya, ito ang matagal na niyang inaasam.

Sa sobrang excitement ay niyakap niya ito bago kunin ang sobre. "Tabi, ito na ba 'yung pictures na request ko?"

Tinitigan niya ang sobre na akala mo ginto iyon. Hindi sumagot ang lalaki kaya tinignan niya ito.

"Hoy!"

Nakatulala lang kasi ito habang nakatingin sa kaniya. Tila natauhan naman ito at napailing.

"Ang pandak mo kasi."

Sinikmuraan niya ito pero siya lang ang nasaktan.

Nanlalaki ang matang tinignan niya ito. "Hoy, may abs ka?"

He gave her his one lopsided smile. "Bakit? Gusto mo makita?"

Inirapan niya lang ito. "Hindi ako interesado."

Tinuon niya muli ang atensyon sa sobre. "Finally."  Hinalikan pa niya iyon. "May pakinabang na ako sa friendship natin."

Nakita niyang napailing pa ito bago pumwesto sa upuan ng study table nito. Nandoon sila sa bahay nito, specifically, sa study room. Pinapunta siya nito doon, at malaki ang expectation niyang iyon na ang nirerequest niya kaya dali-dali siyang tumawid bahay.

Dahan-dahan niyang binuksan ang sobre. Suit palang ang nakikita niya ay kinikilig na siya. Pero nang ganap na makita ang mukha ng nasa litrato ay hindi makapaniwalang tinignan niya si Tabi.

"Aanhin ko 'to?!"

"Titigan mo. Gawin mong inspirasyon. Pagnasaan mo kung gusto mo, I won't mind." Kinindatan pa siya ng walanghiya.

Malakas na nilapag niya ang mga litrato nito sa lamesa. May pirma pa ang loko sa mga iyon. Hindi mga pictures nito ang in-expect niya.

"Sa iyo na lang. Thanks but no thanks." Aalis na sana siya sa study room nito ng magsalita ulit ito.

"Tss. Hindi mo ba alam na limited photocards 'yan lalo pa't may pirma ko? Hindi mo alam kung paano pinapangarap 'yan ng ibang babae 'tapos binabasura mo lang."

"Kanta ba 'yan?" balewalang sabi niya bago nagkibit-balikat. "Anyway, kung ganoon pala, sa kanila mo ibigay. Ciao!"

"Ano bang pinagkaiba namin ng Heechul na iyon?" tila naiirita pang wika nito.

"Well, he's handsome."

"Are you really saying that I'm not handsome?"

Guwapo si Tabi. Mas guwapo pa sa iniidolo niya. At alam niyang madaming babae ang nagkakandarapang halikan ang lupang nilalakaran nito dahil sa kaguwapuhan nitong taglay. Pero alam niyang lalaki lang ang ulo nito 'pag sinabi niya iyon dito.

"I did not say that." Sabi na lang niya.

"So are you saying I'm handsome?"

"Yes--No! 'Wag mo nga ako nililito."

Natawa lang ang lalaki sa kaniya.
Humalukipkip lang siya.

"Anyway, I like Heechul kasi he's friendly, nice, has a beautiful singing voice, knows how to treat women right that you'll feel safe around him."

"Security guard?"

Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito.

"Anyway, you won't understand kasi you're not his fan so moot point."

"Saan mo naman nalaman lahat ng 'yan tungkol sa kaniya e hindi naman kayo friends?"

"Sa internet, duh." Ikinumpas niya pa ang kamay sa ere para balewalain ang sinabi nito. "Anyway, alis na ako dito. Wala naman ako mapapala."

Love, TabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon