Chapter 1

13 1 0
                                    

Nagising ako sa mga sunod sunod na tampal na naramdaman ko sa aking mukha.

"Gising na woi, nandito na tayo" si Jared.

Umayos naman ako ng upo at kinusot ko ang aking mata. Nang maalis ko ang kamay sa mga mata ko ay agad bumungad sakin ang naghahalikan na mag syota.

Kadiri putangina.

Inilipat ko na lamang ang mga mata ko sa bintana at sinandal ang ulo ko roon.

Nasusuka ako.

"Jared, may plastic ka ba?" kalabit ko kay Jared na nasa likod ko.  Agad naman siyang dumungaw sa gilid ko.

"Wala e. Baket nasusuka ka? May candy ako dito"

"Oo e, pahingi nga ko"

Akmang aabot sakin ni Jared yung polo candy niya nang banggain ito ni Emma matapos umalis sa pagkandong kay Lucas. Tumilapon lahat ng candy at hindi doon naalis ang mga mata ko.  Tanginang buhay yan.

"Oops, sorry my bad" pabebeng sabi ni Emma habang inaayos ang buhok at ang suot niyang tube.

"Tangina naman kase ang liligalig niyo e. Kayong dalawa susukahan ko."

Napuno naman ng tawanan ang loob ng van. Walang nakakatawa. Naihilamos ko ang mga palad sa aking mukha dahil nasusuka na talaga ako.

"Mcoy ibaba mo nalang ako diyan sa waiting shed" utos ko kay Mcoy.

"Sure ka boss?"

"Oo magpapasundo ako sa kapatid ko"

Pag hinto ng Van ay kumaway na lang ako at dirediretsong lumabas. 

Aaaaahhh hindi ko na kaya. 

Pumunta ako sa gilid kung saan na maraming damo at doon nagtawak ng uwak. Ba't kase hindi ako madala dala sa punyetang alak na yon. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa sabay punas sa bibig ko. nang maiangat ko ang aking ulo ay napatalon ako.  

"Jusmiyo?! Anong ginagawa mo diyan?! papatayin mo ba ko sa takot?!" sigaw ko sa batang lalaki na sa tingin ko ay walong anyos pa lamang. Agaw pansin ang mga latay nito sa mukha.

"s-sorry po ate. Kinuha ko lang tong saranggola ko" pag hingi niya ng paumanhin habang nakayuko. 

Agad namon akong nilamon ng konsensya ko. 

"Anong ba kasing nangyari sa mukha mo?" takang tanong ko dahil hindi ako mapalagay sa dami ng latay niya sa mukha.

"sumabit po kasi itong saranggola ko don sa puno na yun. Kaya inakyat ko"

"Tapos nahulog ka?"

Tango na lamang ang sinabi niya sa akin.

"Noah! Tara na!" sigaw ng lalaking may edad na habang sumesenyas kay Noah.

"Sige ate mauna na po ako" tumalikod na si Noah at kumarimpas ng takbo. Napailing na lamang ako at kinuha ko ang cellphone ko  sa bulsa at denial si Carlo.

"Hello ate? nandiyan kana ba?"

"Oo kanina pa! san kana?!"

"eh bat ngayon ka lang tumawa-"

binabaan ko siya ng cellphone at naghantay na lamang doon.

Hindi nagtagal ay Motor na pumara sa harapan ko. Si Carlo.

"andito kana pala"

"ay hindi wala pa" pamimilosopo ko sa kanya.

"ah ganon? ge una na ko"

nag akmang magpapaharurot na sana siya nang ibato ko sa kanya ang dala kong bag. Tawa lang ang itinugon  niya sakin at sumenyas na sumakay na ako sa likuran niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The ChamberWhere stories live. Discover now