EP9

2.8K 109 10
                                    

DEANNA's POV

Dinala namin agad si Jema sa ospital, yung kaba at galit ko ay sabay sabay kong nararamdaman!

Papaanong hindi ko alam lahat ng nangyayari sa buhay ng asawa ko!? Bakit hindi ko alam na nasasaktan sya, na nahihirapan sya.

Ako ang asawa niya, bakit nangyayari to ngayon? Hindi ito ang pinangako namin sa harap ng Diyos.

Pinasok na sa emergency room si jema at wala akong ibang nagawa kundi magdasal para sa kaligtasan nya at ng anak namin.

Hindi ko kayang mawalan ng anak, hindi ko kakayanin.....

"Deans, don't blame yourself please. This is not your fault." Si ponggay.

"Tang ina. I failed as her wife. Pakiramdam ko sobrang kulang ako, napaka walang kwenta kong ama ng anak ko. Napaka walang kwenta kong asawa, wala akong nagawa para man lang mabawasan ang sakit na naramdaman niya. Damn."

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagpatak, nanghihina ako. Gusto kong magalit sa mundo.

"I understand you, we do. Hindi mo alam na nangyayari to, alam kong mahal mo sila. May skye pa, at magiging ligtas ang anak niyo."

"Yung anak kong to, bei, ito yung anak na matagal naming ipinagdasal. Ate na si skye, gusto ko ng lalaki at malakas ang pakiramdam ko na lalaki sya. Gusto ko pa makilala si Laurent bei... Si laurent, yung a-anak ko gusto ko pa siyang makilala." Hindi ko napigilan ang sarili ko at napaupo ako... Sobrang sakit, sobrang hina ko.

"Makikita mo pa siya deans okay? Makikita mo pa ang mag ina mo and everything is gonna be alright."

Hindi mawawala sa isip ko ang tao na nasa likod ng lahat ng to.

Ang lolo ko...

"Deans, kailangan na naming bumalik sa training. Gusto man kita samahan pero team captain eh, balik nalang kami mamaya. Ako na bahala kay Coach." Si bea, at naiintindihan ko naman yon.

"It's okay bei. Papunta rin ako kay Lolo after nito."

"Pero deans, sure ka na ba? Hindi basta basta ang lolo mo. Tsaka malayo yun, baka magising si Jem na wala ka." Si ponggay.

"It's okay pongs. Papupuntahin ko nalang din dito si Ate Jia para magbantay muna sakanya. Thank you, kayo na bahala kay Coach ah. Emergency."

Tumango naman sila at saka umalis, aware akong hindi basta basta ang lolo ko. Gagawin nya lahat for his bussiness, kahit buhay ko pa ang nakataya.

Ilang oras din ako nagdrive. Malayo ang mansion ni Lolo, pero gusto kong malaman ang lahat!

Nakita ako ng mga katulong at hindi na sila nagulat kasi minsan na din akong nakapunta dito. Naabutan ko si Lolo sa office nya ng pumasok ako doon kahit hindi ako kumatok.

"Why are you ruining my life!?" Agad kong sabi nang makita ko sya. Bakas ang gulat pero napalitan yon lahat ng ngisi.

"Really iha deanna? That's how you greet your grandpa? Hahaha where's your manners?"

"Kinalimutan ko ng Lolo kita nang ipinahamak mo ang buhay ng pamilya ko!!! Pag nawala sakin ang anak ko, hinding hindi kita mapapatawad!!" Hindi nakatakas ang mga luha mula sa mata ko, galit na galit ako at sa sobrang galit ko naiiyak ako..

"Hahahaha I only want what's best for our family deanna iha. Hahaha Jessica Margarette Galanza?? Hindi ka yayaman don iha." Ngumisi pa sya pagkatapos nyang sabihin yon na para bang joke lang lahat ng nangyayari ngayon!!

Our Marriage LifeWhere stories live. Discover now