"Hold a gun or you'll die." tanging tugon ng aking ina sa akin. "In this time of life you need to fight at ipagtanggol ang sarili or else mamamatay kang hindi lumalaban. Mas magandang pakinggan na you tried your best to be saved bago ka namatay than wala kang ginawa kundi ang mamatay lang." pangaral niya sa akin.
I and my mother are both fighting to save our lives from hell. Trapped kami sa isang gubat na kung saan napapalibutan kami ng mga hindi namin nakikitang kalaban. They are not ghosts or such. Tao lang rin silang napagtripan ang mga naligaw sa gubat nila. They wanted us to fight them in order for us to be saved. Ngunit kailangan pa rin naming panatilihing humihinga kami hanggang sa makita namin ang labasan ng gubat na ito.
"Let's split up. Tignan natin kung sino ang maliligtas sa ating dalawa. You go that way and I go this way." pinanlakihan ko ng mata ang mom ko. Sigurado ba siya sa sinasabi niya? Hindi ko kayang mahiwalay sakanya. Hindi ako marunong bumaril man lang at hindi ako handang tanggapin na mamamatay siya.
"Mom I can't afford to lose you. Hindi ko kakayaning makalabas nang naiiwan ka dito." niyakap ko siya at parang mangiyak ngiyak na ako dahil hindi ko kayang mawalan ng ina. Hindi pa ako handa sa anumang mga pagkakataon. But she just pushed me. Hindi na ako nabigla sa ginawa niya ever since my mom is always like that hindi siya showy pero alam kong mahal niya ako.
"Yan ay kung ikaw ang maliligtas. Zara, i've accepted everything. If this is your time then this is your time if it is mine then it's mine. If we both are lucky then good for us." napaawang ang bibig ko sa sinabi ng aking ina. Tanggap na niya ang kung anumang mangyari. Paano kung ako ang mamatay okay lang sakanya na mamatay ang anak niya? Unbelievable.
"Stick to what I told you." huling kataga niya at wala na akong nagawa nang tumakbo na siya papunta sa direksiyong tinuro niya kanina na doon ang punta niya. Hindi ko alam ang gagawin nakatayo lamang ako dito. Nang matauhan ay tumakbo na rin ako sa direksiyong binigay ni mommy. Lumuluha ako habang tumatakbo. Di ko lubos maisip na mawawala ang isa sa amin.
Sa tagal ng tinakbo ko nakarating ako sa isang lugar na kung saan nakakakilabot. Heto na ba ang katapusan ko? Oras ko na ba talaga? Eto na ba ang sinasabi ni mommy na kung oras ko na ay oras ko na? Pero hindi pa ako handa.
Nabigla nalang ako nang biglang may tumali sa mga kamay ko. Nagpupumiglas ako ngunit mas malakas sila. Babae lang ako at dalawang lalaking malalaki ang katawan ang may hawak sakin ngayon. It is impossible for me to get out here.
End is near, Zara.
Nakaupo lang ako at pinapanoud ang lalaking nagtutulis ng kung anumang sandata na mukhang papatay sa akin.
"Zara!?" rinig kong sigaw sa gilid.
"Mom!? Mom help me!" sigaw ko.
"Zara why are you here!? Akala ko ba ililigtas niyo siya!? Maayos ang usapan nating ako lang ang kailangan niyo! Bakit nadadamay siya dito!? Let her go! She's not supposed to be here. Ako lang ang kailangn niyo diba!? Kill me! Do whatever you want to do with me! Wag na wag niyo lang siyang gagalawin please i'm begging you!" nagulat ako nang marinig ang mga pinagsasabi ng aking ina she had an agreement with them.
Tumawa bigla ang nagtutulis ng sandata kaya nabaling ko ang paningin ko sakaniya. "You think ganun ako kabobo para sundin ang usapang 'yon Elaine? You took my son from me. Now i'll let you see and feel how I felt when you took him away from me. Well naging maganda nga naman ang buhay ng anak ko kaso hindi mo ako pinakilalang ama niya Elaine big mistake and he died not knowing me. You killed him just for a show. You killed my son just to have the position of being a CEO of a company. Ang babaw mo Elaine. Sobrang babaw. Ang bobo mo!" nagulat ako nang sa kalmadong mga linya niya ay biglang nandito na siya sa tabi ko at nakatutok na sa leeg ko ang sandatang pinatutulis niya kanina. Sobrang lamig. Ganito rin ba ang mangyayari sa akin kapag nawalan na ako ng buhay?
"Please Kelion not my daughter please. I am begging you not my daughter please. Marami pa siyang mga pangarap sa buhay. Take me instead. Do anything you want me to do just not my daughter please." pagmamakaawa pa ni mommy sa lalaki ngunit ngumisi lamang si Kelion at diniinan ang pagbaon ng sandata sa leeg ko. Masakit. Sobrang sakit. Tumutulo na ang dugo mula rito. Gusto kong umiyak sa sakit ngunit walang mailalabas ang mga mata ko.
"Sana naisip mo rin yan nung pinatay mo ang anak ko Elaine. Sana naisip mo ring may mga pangarap rin ang anak ko pero hindi wala kang ibang inisip kundi ang mapasayo ang kompanya kahit na buhay man ang kapalit. Selfish!" at diniinan pa ni Kelion ang paglakabaon na dahilan ng pag agos ng maraming dugo.
"Mom I just wanted to tell you that I love you. Pero bakit? Bakit kailangang ako ang magbayad ng mga pagkakamali mo? You've never been a good mother to me. Hindi ikaw ang inang gusto kong magkaroon but still I accepted you because I know deep inside you love me. And it hurts knowing you killed a human being just for a position and not thinking about your daughter. I understand you can't think of me kasi nga wala lang naman ako sa'yo. I've never been important to you. Argh! Shit!" mura ko nang maramdamang diniinan na naman ni Kelion ang sandata.
"Beg for more Elaine."
at diniin nang sobra ni Kelion ang sandata sa leeg ko hanggang sa maramdaman kong parang mapuputol na ang ulo ko. And in just a swipe of Kelion's hand nakagawa siya ng napakalaking hiwa sa aking leeg. Narinig ko pa ang huling katagang sinabi ni mommy bago ko nakitang bumaon ang sandatang ginamit sa leeg ko sa tiyan niya.
"I love you, Zara"