Chapter 1: what a beautiful gift?

6 0 0
                                    

Third person POV:

                Lumaki si demietrice na Malaki ang paghanga sa mga fairytale at love stories na kinukwento sa kanya ng kanyang lola lalo na at lumaki din syang bilib na bilib sa love story ng kanyang mga magulang.

Bata pa lang sya gustong gusto nya din maranasan ang mafall inlove at Makita ang taong mamahalin nya.
Pero palagi na lang syang bigo sa pag-ibig.

Ang first love nya na si Renzo is kababata nya. Bata pa lang sila gusto nya na ito kahit palagi syang inaaway nito. Sabi nya nga the more you hate the more you love. Kaya naman kahit lagi syang pinaiiyak ni Renzo sinusundan nya pa din ito kahit san magpunta. Pinagaralan nyang maglaro ng bastketball para dito,magaral ng violin at piano, magskateboards at kung ano-ano pa para lang mapalapit dito. Ito din ang naging basis nya ng mga desisyon nya sa buhay tulad na lang ng school na pagaaralan nya nung high school at college pati na din ang course na gusto nito syang kinuha nya sa pagbabaka sakali na pag lagi silang magkasama ay mapansin sya nito.

Pero mali sya, kasi nung nakapasa sya sa college na pagaaralan sana ni Renzo, nagpalit pala ito ng course na gusto. Susundan nya sana ito ulit pero di na sya pinayagan ng magulang nya dahil pagiging pilot ang napiling kurso ni Renzo.

Yung araw din na nalaman nyang nagpalit ito ng kurso ay natuklasan nyang ang dahilan pala nun ay dahil may nagugustuhan na itong babae. Isang dalaga na nakabangga daw nito sa airport. Ang sakit sakit nung para sa kanya dahil ginawa nya naman ang lahat pero bakit kulang pa din? Bakit hindi nya man lang sya nagawang sulyapan kahit minsan?
Kahit ginawa nya na ang lahat pero di pa din sya nilingon ng taong mahal nya.
Dahil nga wala na syang choice pinagpatuloy nya na lang ang course nyang journalism kahit na ayaw nya nun. At sa course na yun di nya namalayan na dun nya pala matatagpuan ang pangalawa nyang pag-ibig.
Si Gideon or mas kilala sa tawag na gid. Isa syang kilalang lalaki sa course nila dahil sa galing nito sa pagkuha ng larawan at sa pagsusulat. Nung una takang taka sya bakit halos lahat ng kablock nya patay na patay sa lalalking ito. while sa mata nya naman hindi ito ganung kagwapo kasi on that time mas gwapo talaga si Renzo sa paningin nya.

Pero isang araw nagkaroon sila ng groupings na project sa isang major subject at si gid ang nakagroup nya. Knowing na di naman sya ganun kagaling mag sulat at kumuha ng larawan nahirapan syang buuin yung part nya sa project nila. Unknowingly tinulungan sya ni gid sa pamamagitan ng pag tututor sa kanya ng mga basic kung papaano madali at magandang makakakuha ng mga larawan at makakabuo ng mga articles.

That time nagulat na lang si demi na bigla na lang syang nagkainterest  sa lalaking ito. Nakita nya na mabait pala ito, matalino, at gwapo din pala. Di nya na pansin yun dati dahil sa nararamdaman nya kay Renzo.
Pero sa paglipas ng mga araw na nagiging close sila di nya na pansin na unti-unti na palang nahuhulog ang loob nya sa binata, na unti-unti nya na palang nakakalimutan ang first love nya na si Renzo. Unti unti nya ding nagugustuhan ang kurso na dati ayaw nya. Nakaroon na ulit sya ng inspirasyon sa mga bagay bagay.

Nagising na lang sya isang araw na mahal nya pala si  gid at dahil sa takot nya na mapagaya kay Renzo ang pagmamahal nya dito. Sya na nag unang gumawa ng mga first move. Kung baga sya na ang unang nagparamdam na may gusto sya dito.
Lagi nya itong tinatawagan at tinetext nagkaroon sya ng extra care dito na mas higit pa sa isang kaibigan.nagsikap sya na mapataas ang mga grades nya sa school para sa binate,
Naging inspirasyon nya ito para magayos sa sarili.
Binago nya ang sarili nya base sa ideal type na babae ni gid.
Pinilit nyang maging sya yung babaeng gusto nito kahit hindi na talaga sya yun.
Ngunit…

Nang malaman ni gid na may gusto sa kanya si demi. Nilayuan sya nito.
Yun ang time na nasaktan si demi ulit,

pero dahil sa bestfriend nyang si hella lumakas ulit ang loob niya. Sabi kasi ni hella minsan daw ang paglayo ng isang lalaki ay dahil hindi sa hindi ka gusto nito pero dahil ayaw lang nitong maipartner sayo lalo na daw sa part ni gid na study first ang motto.

What kind of love? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon