-Paul POV-
“ MR. ARCOSTA!” napasigaw na si Miss Sab .
Kinabahan ako kaya ……
“ Yes?” kalmadong sagot ko
“Go to your group.. Mr. Arcosta” kalmadong sabi na naman ni Miss Sab.
Tumayo na ako at lumapit sa kanila. Sinadya kong sa tabi ni Jam ako umupo.
Habang nag-uusap ang dalawa. Heto ako nakikinig naman.
“Hay! Kala mo naman..sdfghjkl” napatingin ako sa kanila bigla. Pero binaling ko nalang ulit ang tingin ko sa cell phone na hawak ko at parang pabulong nagsalita.
“Denver?” sabay tingin sakin ni Micelle. Pero binalewala ko lang. Kumbaga deadma nalang. Ayoko muna makipag-usap sa kanya.
Since nag-uusap naman ang dalawa. Kahit wala ako sa mood na magpakilala, oo na. sige na. Magpapakilala na ako. I am Denver Paul Arcosta. Just call me “Denver” or “Paul”. Dyan lang sa dalawa ako sanay pero isa lang ang taong tumatawag sakin ng Paul, yun ay si….. Okay. Let’s skip that info. Actually, one year ahead kami ni Jam kay Micelle. Pero dahil sa nagshift ako, naextend ako ng one year. Engineering kasi ang course ko dati kaso nga lang sabi ni Papa kailangan kong mag business course para daw ako na ang mag take over sa business na matagal na nilang pinalago kasama ang pamilya ni Jam. So, no choice ako kumbaga. Yes. I belong to the rich families here in Philippines but that’s not the main point here. Ayokong maturingang anak mayaman. Ayokong lalapitan lang ako ng iba kasi mayaman ako. Sa katunayan, wala masyadong may alam dito sa school na mayaman kami. Tanging itong dalawang kasama ko ngayon ang nakakaalam kung anong meron ako. Ang alam ng iba ay may kaya lang ang pamilya namin. Yun bang nasa middle class lang. Tinatanong nyo ano ako kay Micelle? Its simple. NOTHING!! As in wala..
After nilang mag-usap, saktong nagpadismissed na si Miss Sab. Salamat naman!
Nakita ko nalang na tumayo na si Micelle sa kinauupuan nya. Nagmamadali ata. Nauna lang sya ng konti at nung saktong nasa pintuan na ako…
“Marge!?” si Marge nga. Nilapitan ko sya agad. Nakita ko namang napatigil si Micelle sabay tingin samin dalawa ni Marge.
“Okay lang ako Denver! Ikaw?” sagot ni Marge sa tanong ko. Hindi ko parin talaga sya makakalimutan. Siya kaya ang naging una kong crush..
“Okay naman ako” tumingin muna ako kay Micelle pero mukhang hahakbang na sya patalikod kaya naman hinarap ko si Marge agad at….
“HAHAHAHAHAHAHA di ka parin talaga nagbabago, Marge! Ikaw parin talaga yung dating partner ko.. HAHAHA!” tumalikod na talaga sya bigla. Shet Micelle!! Naguguluhan din ako…
“Hoy Denver!” hinawakan nya ang noo ko. “ Okay ka lang? Bakit bigla kang tumawa dyan kanina ha? Nababaliw kana ba? “ tanong nya ulit..
BINABASA MO ANG
Chasing My Mr. Numb
RandomIt's hard to care someone when you know that one more step forward will make you fall in love and one step back ruins your friendship............ It is a story about love and affection <3