1

59 0 0
                                    

This story is a work of fiction.

The story is a mature theme. R-18. Read at your own risk.

--------------------------------------------------------------

Kasabay ng paglalagas ng mga dahon, malamig na hangin ang yumayakap sakin habang naglalakad. Mag aalasais pa lang naman pero masyadong madilim na ang paligid, autumn na talaga.

Tanging mga yapak na lamang ng iilang tao ang naririnig sa eki ngayon. Umupo ako habang inaantay ang pagdating ng densha na sasakyan ko pauwi.

"The local train bound for Shibuya is arriving shortly"

Mabuti ngayon at hindi ako matagal nag antay ng masasakyan.

Pagbukas ng pintuan ng densha, natigilan ako, ni humakbang papasok ay hindi ko magawa, maging siya ay natigilan ng nakita ako.

Ang mga mata niya ang una kong napansin. Kung paano niya ako titigan na tila ineexamine ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko maipaliwanag.

Kabaliktaran ng lamig ng hangin ngayon ang mga titig niya, masyadong mainit na para akong tinutunaw.

Ngunit iba ang init ng titig niya ngayon, makikita mong puno ito ng galit.

Inayos ko ang sarili ko, ilang minuto na lang magsasara na ang densha kaya't inalis ko na agad ang tingin ko sa kanya.

Humakbang siya palabas at ako naman ay humakbang na din papasok.

"Ohayo Aki-san"

Nanghina ako ng banggitin niya ang pangalan ko, hindi ko magawang lumingon. Pag sara ng pintuan ng densha, umupo kaagad ako. Pinipilit ko na wag lumingon, pero isa lang kahit ngayon lang lilingunin ko siya.

Nakatitig pa din siya sakin, katulad nung huli.

Autumns of TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon