2

33 0 0
                                    

"Ohayo gozaimasu"

Nagmamadali ako habang inaayos ang apron ng uniform ko sa trabaho.

"Aki!" Sabay damba sakin ni Momo

"Gaga ka talaga, umagang umaga ang ingay mo" Natatawa kong sabi.

"Bakit ba, sobrang busy mo na kaya sa mga arubaito mo minsan na lang tayo magkita"

Hinila na ako ni Momo at pumasok na kami sa office para mag time. Tiningnan din namin kung saang floor kami maglilinis ngayon.

"Ano ba yan! Ngayon na lang tayo nagkita hindi pa tayo magkasama sa floor" ngumunguso si Momo na akala mo hindi kami magkikita after ng shift namin.

Hinila ko na si Momo papasok ng elevator, pasara na ito ng biglang may lalaki na nagharang ng kamay niya.

Nagulat kami ni Momo at dali daling pinindot ang button para bumukas ang pinto. Tiningnan niya lang kami at walang imik na pumasok sa loob.

"Ngayon ko lang siya nakita dito, bago ba siya? Gwapo sana eh kaso suplado", pagbulong ni Momo sakin.

"Bago siguro, hindi din bumati eh" sagot ko habang tinitingnan ang lalake na nakatalikod sa amin.

Bumukas ang elevator sa 3rd floor, may mga pumasok na kasamahan namin kaya medyo sumikip sa loob. Umurong ang lalake na kasabay namin at nasa gilid ko na siya ngayon.

Masyadong malapit ang aming katawan kaya amoy na amoy ko ang kanyang pabango at init ng bawat paghinga niya.

Nilingon ko siya sa gilid ko medyo matangkad at maputi. Japanese siguro. Patuloy pa din ako sa pag tingin sa kanya ng biglang nagtama ang aming mga mata. Dali dali kong iniwas ang tingin ko sa kanya.

He chuckled. What the fuck.

Tumigil ang elevator at bumukas ito. Lumabas na ang ibang mga tao sa loob. Dito na din pala ang floor ni Momo.

"Aki-san byebye kita na lang tayo sa locker room", kaway ni Momo at sumara na ang pinto ng elevator.

Napasinghap ako ng mapansin na kami na lang pala dalawa ang naiwan mukang kafloor ko pa yata to.

Tumunog na ang elevator, at nasa last floor na kami 12th floor. Nauna siyang lumabas at nang akma na akong lalabas bigla siyang tumigil at humarap sakin.

"Did you enjoy checking me out?"

Fuck. Asshole

Tiningnan ko siya ng masama, at hindi na lang umimik.


"Hajimemashite, Watashi wa Riku Masaki, yoroshiku onegaishimasu"



Nagpakilala siya kanina sa amin at sa visor namin dito sa floor. Bago lang daw siya dito sa hotel at Japanese nga siya pero he studied in the US.

Nakakapagtaka lang kung bakit nagtatrabaho siya dito eh muka naman siyang mayaman.

Hindi ko na siya masyadong pinagtuunan ng pansin at naiirita pa din ako sa sinabi niya kanina. But somehow, oo tiningnan ko nga siya pero I wasn't checking him out.

I picked up my cleaning basket and about to go out sa station when my visor called me. Tita, and yes my visor is a Filipina.

"Aki-san, ikaw muna ang magtrain kay Riku, ikaw lang ang pinaka marunong mag english sa kanila kaya ikaw ang makakaintindihan niyan". Tita was looking at Riku at lumapit na ito samin.

I dont want to do it pero sympre its work and mas magaan ngayon ang trabaho dahil may trainee akong kasama.

"Okay Tita, ako na bahala sa kanya".

Tita motioned him to get his cleaning basket. Sinabi na din sa kanya na ako ang magtetrain. He looked at me like he was mocking me when he suddenly chuckled again. Gago talaga.

I have to keep my temper. We walked out from the station at pumunta sa out room para maglinis. Nakasunod lang siya sakin at tanging mga lakad lang namin ang maririnig sa hallway ng hotel.

We reached the room. Inexplain ko sa kanya ang mga gagawin, from garbages, sa paano ang tamang pagfold ng mga towel, to ammenities.

He stares at me instensely while I'm explaining it to him and I suddenly became conscious.

"Let's start?" sambit ko to cut the staring.

We started cleaning the room and I made him watch me do the other things like how to clean the tub in the toilet, to checking the mirrors kung may stain and dusting the room furnitures. To be fair, mabilis naman niyang nakuha ang mga sinabi ko as if matagal niya na siya sa hotel housekeeping industry.

"Did you have any experience working in other hotels?" Tiningnan niya ako at nagsimula ng gawin ang bed.

Dedma. Umirap ako sa inis. Ang bastos ha.

"Don't you roll your eyes on me, Miss Aki, and why are you trying to start a small talk? Do you want to flirt with me?"

I was speechless. Shit! Kanina checking him out, ngayon flirt? What the actual fuck.

"And yes, I have experience working in other hotels". Bigla niyang sagot sa tanong ko. Tumingin siya sa oras sa side table.  Malapit nang matapos ang shift.

"We should get back to the station, we might end up flirting if you tried to talked to me again", and then he chuckled.

I was really baffled. Like what's wrong with this guy?

Autumns of TokyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon