Chapter 1: The Beginning

36 0 2
                                    

"Blianna? Dear?" Narinig kong boses ni mommy sa likod ng pintuan ko sa kwarto. Nagtatali ako nangbuhok nang narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko pagkatapos niya kumatok.

"Hi mommy, good morning!" bati ko.

"Good morning din my dear, are you ready na ba? Sumunod ka nalang sa baba ah, aalis na tayo sabi ni dad. Nakahanda na iyong sasakyan natin papuntang Pangasinan"

"Yes po Mommy, I'm almost done na po, nagtatali nalang po ako ng buhok at magsasapatos nalang po ako hehe" I excitedly said.

"Okay dear, nga pala ito lang ba gamit na dadalhin mo sa vacation natin?" my mom asked as she saw my Louis Vuitton Crocodilian Leather Backpack on my bed.

"Yes Mommy, I have lots of clothes naman din po sa vacation house natin sa Pangasinan"

"Oh, kaya pala, okay, kunin ko na itong gamit mo ah para mailagay ko na sa sasakyan. See you downstairs. Bilisan mo nalang diyan para di mainip ang dad mo" my mother said as she took my bag from the bed.

"Aye Aye Captain!" I said

"Ikaw talagang bata ka ang hyper mo nanaman" Nakangiting naiiling na sabi ni mommy when she saw me giggled while fixing my hair. Alam na niya kasi kapag sinabi ko ang katagang yan ay naka hyper mode na ako.

Nang nakalabas na si mommy ng kwarto ko ay natapos na din akong magsapatos, pumunta naman ako sa aking dresser room para tignan ang sarili ko sa salamin kung ayos na ba ang suot ko na white jacket na bukas sa gitna at sa loob naman suot ko ang emerald green sleeveless dress ko na above the knee ang haba. Naka-high-ponytail naman ang buhok ko at naka white sneakers na sapatos.

"Hmmn, I think this is enough, I already look good," I said to myself, feeling satisfied with my outfit and appearance. Pinicturan ko naman ang whole outfit ko ngayon at pinost sa Instagram with a caption: 'Emerald Green for vacation'

Nang napost ko na ang picture sa instagram ko ay sunod-sunod na tumunog ang phone ko.

'Hays mamaya ko nalang tignan'

Agad naman na akong bumaba papuntang sala nang nakita ko si mommy na naghahanda ng mga na mga lunchbox sa kitchen. Baon siguro namin sa byahe.

"Hi mommy, need some help?"I asked as I observed the food she was preparing.

"No need my dear, patapos na din ako" She replied as she prepared the food then suddenly she looked in my direction and scanned my outfit. She smiled at me and said "Ang ganda naman ng anak ko!

"Syempre mana po sainyo mommy!" I proudly said and then when I stopped and look at my mom again nang sabay kaming natawa bigla ng parang ewan.

"Right, mana ka talaga sakin! Kahit kasaltikan minana mo na!" She said happily "Oh sya, mauna ka na duon sa sasakyan at dalhin mo nalang itong mga cookies duon, para makaalis na tayo pagkatapos ko ayusin itong lunchbox natin," Turo ni mommy sa container ng cookies na binake niya.

"Okay po mommy!" Kinuha ko ang dalawang container ng cookies na binake niya at agad kong dinala ito sa labas ng bahay nang makita ko malapit sa gate si daddy na chine-check ang gulong ng sasakyan naming white Chevrolet Colorado.

"Hi, dad good morning!!!" I shouted and waved at him when he looked in my direction. He smiled sweetly when he saw me and waved back.

"Good morning din, my beautiful princess!"

Nang nakalapit na ako sa sasakyan lumapit na din sa akin si dad at kinuha iyong dala kong container ng cookies para ilagay iyon sa loob ng sasakyan. Nasa likod naman iyong mga luggage bag nila mommy at daddy, pero iyong backpack ko at mga pagkain ay nasa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Chosen One (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon