Why can't it be?

103 1 0
                                    

l.

"All i have is this picture in a frame That I hold close to see your face every day With you is where I'd rather be But we're stuck where we are And it's so hard,you're so far This long distance is killing me I wish that you were here with me But we're stuck where we are And it's so hard,you're so far This long distance is killing me"

"Emerson....." malakas na hiyaw na narinig ko sa labas, putek naman feel na feel ko pa naman ang pagsabay sa kanta ni kumpareng Bruno Mars..

"Bakit po ba inay, makasigaw kayo e...wagas!"

"Ay naku, wag mo akong mawagas wagas, aba'y kanina pa ako kakatawag sayo, ang piniprito mo, amoy sunog na!", mahaba habang litanya ni inay.

"Hala!",sabay takbo ko sa kusina para tingnan ang piniprito ko,putek, sunog ang tilapyang niluluto ko, asus... "O siya, anong uulamin natin ngayon, aber? , sabi ni nanay.

"Eh, di bale nay, bili na lang ako ng lutong ulam sa labas hehehe" sabi ko naman. "Kow, hambalusin kita diyan, makita mo, ala, lakad na.."

"Opo, Luv u"

"Heh"

Ganyan ang relasyon namin ni nanay Liza, magaan, para lang kaming magbarkada, palibhasa nag-iisa akong anak at kami na lang dalawa ang magkasama sa buhay. Maaga kasi kaming iniwan ni tatay, pumanaw siya sa sakit na prostate limang taon na ang nakakalipas, pero ganun pa man, naitaguyod ako ni nanay, napagtapos niya ako ng kolehiyo gamit ang pensyon ni tatay at kinikita niya sa pag aahente ng bahay.

"Ano bang plano mo ngayon Eson, ngayong tapos ka na sa pag-aaral, saan mo ba planong mag-aplay ng trabaho?", tanong ni nanay habang kami'y kumakain.

"Nay, kung mag abroad po kaya ako, in demand daw po ngayon ang mga mechanical engineer sa Canada, may mga kaibigan po akong nag-aaplay na dun ngayon, malaki po ang sweldo." sabi ko.

"Iiwan mo ako dito, ganun?, hay naku, hindi pwede!", matigas na tanggi ni nanay. "Pero nay, malaki ang kita doon, ayaw niyo nun, matutulungan ko na kayo, di na kayo magpapagod sa pag aahente ng mga bahay, isa pa, gusto ko namang magpahinga na kayo, sa kikitain ko dun, tiyak giginhawa ang buhay natin.", mahaba-habang paliwanag ko. "Eh sino ngang makakasama ko , matitiis mo akong mag-isa dito, saka sinong mag-aasikaso sayo doon?"

"Nay, malaki na ako, wag nyo na akong intindihing masyado, kaya ko na po ang sarili ko, besides, papakiusapan ko ang pinsan kong si Sam na siya muna ang sumama sa inyo dito habang wala ako.." sabi ko.

"Hay naku, bahala ka na nga Emerson, siguraduhin mo lang na maayos ang kapupuntahan mo doon anak, naku, ikaw lang ang kaisa-isang ala-ala sa akin ng tatay mo, ayokong mapahamak ka huhuhu,.." umiiyak na sabi ni nanay.

"Hahaha, kow, si nanay, mag-aabroad lang ako, di pa po ako mamamatay.."sabay yakap ko kay nanay.

ll.

Makalipas ang ilang buwan, naging abala ako sa pagbabyahe papuntang maynila. Madali ko namang naayos ang mga papeles ko, good record naman kasi ako sa school kaya di ako nahirapang makuha ang diploma at TOR ko, ayaw man, suportado ako ni nanay sa mga ginastos ko mula sa passport, sa agency, at maging sa ticket sa eroplano...

Mukhang si nanay lang ang hindi handa sa agaran kong pag-alis, "Mag-iingat ka doon anak, malamig daw doon ngayon, huwag mong pabayaan ang kalusugan mo naku..."umiiyak na sabi ni nanay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Why can't it be?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon