CHAPTER XVIII: Burning Forest Part I

25 1 0
                                    

Chapter 18



Burning Forest West Area 1.3 km North from the exit.



MiQhaella



Lumalakas ang ingay na ginagawa nito galing sa mga kukong kinakaluskos sa lupa, hudyat na paparating na pagatake nito sa akin. I curled my body, I'm scared of what might it felt after. Inaantay ko na lang itong tapusin ang walang laban kong sarili. I'm still weak. 



Isang sigaw ang narinig ko, hindi ko malaman kung kanino ito dahil biglang nanghina ang pandinig ko. Pinilit kong ibuka ang mga mata ko. I saw a fire dancing, it looks like dancing. No I must be hallucinating. Isang pigura ng tao ang may hawak ng torch. Hindi ko makita ang mukha nito, pero ang alam ko kinakalaban niya ang demonyong dapat tatapos sa buhay ko. 


Isang liwanag tanging sinusundan ng mga paningin ko, napakalikot nito. Sinasabayan ito ng silver na repleksiyon, isang matulis na bagay ang kumikinang sa kabilang kamay ng tao. Maya't maya pa ay naging dalawa na ang liwanag ng apoy. May isa ring dumating upang kalabanin ang demonyo. Am I saved?


Nagbago ang timpla ng itsura ko ng makita muli ang pulang kulay, ito ay ang demonyo. Bigla akong nainis at pilit kong ibinangon ang sarili ko. Hindi ko man naitayo ang katawan ko pero nagawa ko namang maupo, habang pinapanood ko sila ay natakpan ang paningin ko ng mahaba at magulo kong buhok. 


Hahawiin ko sana, pero hindi ko nagawa dahil isang kamay ang dumikit sa pagmumukha ko at hinawi ito. Ang paningin ko na malabo ay unti-unting luminaw nang maglapit ang mga mukha namin. Hindi ko magawang makapagsalita. Sa estadong bugbog sarado ay talagang mahirap magisip kung anong pwedeng sabihin. 


"MiQhaella!? Okay ka lang? Kaya mo bang tumayo?" Ang cute ng boses niya. Akala ko babae ang isang to. 


Sinusundan ko lang ang mga mata niyang mapupungay, medyo madumihin ang pagmumukha niya, gawa bato ng pakikipaglaban? Patuloy niya akong kinakausap at pag-aalala ang tanging nakikita ko sa mukha niya, pero hindi ko siya masagot. 


"Wag ka mag-alala ligtas ka na." 


Ramdam ko na umangat ang katawan ko mula sa lupa. I just realized na binuhat na niya pala ako. "Is that you? Elliott?" pagtatanong ko.



"A-ano?" bigkas niya. 



Hindi ko na narinig ang ilan pa niyang sinabi dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. 






Lumabas sa kagubatan ang isang lalaki dala dala ang isang binibini sa kanyang braso. Isang grupo ang naghihintay sa pagdating nito. Kaagad naman silang kinamusta, matapos malaman na nasa ligtas na kalagayan na si MiQhaella. 

Archive Online: UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon