Kang Minhee
narrationso ayun, 6:30am nang dumating ako sa school. naalala ko yung sinabi ni dongpyo kaya agad agad akong pumunta sa classroom
habang naglalakad ako may nakita akong babae na pumasok sa room kaya halos patakbo ko siya sinundan
pagkarating ko sa room ay nagulat ako sa nakita ko. so siya pala yung may crush kay dongpyo? hahahaha
"ikaw pala yun" napatalon siya sa gulat nong nagsalita ako kaya natawa ako ulit
"anong ginagawa mo dito?" inis na sabi niya tsaka tinago yung dala niyang pagkain, eh kitang kita ko na nga
"malamang classroom ko rin to no" sagot ko sakaniya, classmate lang pala namin siya eh hindi pa umamin agad
"ang aga mo naman hehe" sabi niya tsaka napakamot sa ulo
"sinadya ko talagang dumiretso dito kase gusto ni dongpyo na malaman kung sino yung unknown girl na naglalagay ng kung ano ano sa desk niya" paliwanag ko tapos nagulat ulit siya, mahilig siguro to sa kape
"wag mo sasabihin sakaniya na ako yun. please please, hindi pa ako ready. ako magsasabi sakaniya wag kang mag alala" sabi niya tsaka nilapag nalang yung pagkain sa desk ni dongpyo tapos nagmamadaling umalis
so anong gagawin ko? sasabihin ko ba o hindi? kasi kaibigan ko si Dongpyo, pero sabi naman kasi nong isa na siya na mismo magsasabi. ok so hindi ko nalang sasabihin kay dongpyo. baka may iba pang plano yung babaeng yun eh, ayaw ko namang sirain
nagkakainlaban na pala yung aso't pusa hahahaha
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
BINABASA MO ANG
enemies┊͙sdp
Fanfiction"hoy ikaw babae! wala ka nang ginawa kundi inisin ako. bat ka pa ba pinanganak sa mundo?!" "I was born to be your enemy, Son Dongpyo"