Entry 1

2 0 0
                                    

April 23, 2019
12:53 pm
28%

Sa ikalawang palapag ng bahay.
Pag-akyat ng hagdan bubungad ang maliit na sampayan na may limang hanger.  Sa kanan ay dalawang switch ng ilaw. Katabi ng sampayan ay dalawang drawer kulay krema at rosas,  sa ibabaw ng kulay rosas ay dalawang asul ng matress.

Kumaliwa at makikita ang bakal na kama na may anim na unan sa ibabaw nito. Sa harap nun ay isang drawer na kulay berde sa ibabaw nito ay isang alkansya na kulay rosas katabi nito ay lotion na kukay luntian at pabangong wala na sa kalahati ang laman. Sa gilid ng drawer ay tatlong kahon ng sapatos ang magkakapatong, saibabaw nito ay ang twalyang nakasampay sa hagdanan, mapapansin rin ang isang basket na merong maraming hanger.

Matatanaw rin na nakasabit sa kama ang dalawang kalendaryo at ilang mga mesdalya sa bandang kanan naman ng kama ay nakasampay ang isang maruming bag at mga kasuotang panlamig.

Habang nakaharap sa kama ay tumalikod at humarap sa dulong parteng palapag sa kaliwang banda makikita ang kahot na naglalaman ng mga paper bag sa gilid noon ay si astrid na nagtitipa ng kanyang selpon habang nakatutuk sa asahi ng electric fan.

-astrid

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AstridTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon