"Tama na bitawan na ninyo ang anak ko maawa kayo" sigaw ni Carmen
Ngunit hindi nagpatinag ang mga lalaking nagpapahirap sa batang hawak nila.
"Mga wala kayong puso, kami nalang ang saktan ninyo 'wag na ang anak namin!" sigaw ni Fidel.Pero hindi ito binigyang pansin ng mga lalaki, pinagpatuloy lamang nila ang paglalagay ng kemikal sa muka ng sanggol. Nang matapos sila sa kanilang ginagawa nag salita na ang isa rito.
"Kung hindi kayo magbabayad tutuluyan na namin yang anak niyo isama na natin yang kakambal niya para patas" pagkasabi niya sinabayan ng pagngisi.
Umalis nanga ang mga ito at iniwang umiiyak ang mag-asawa pati ang mga sanggol. Nagmadaling kinuha nina Fidel at Carmen ang kanilang anak na iyak ng iyak dahil sa sakit ng nararamdaman at agad itinakbo sa malapit na ospital.
Kasalukuyang nasa emergency room ang mga ito punong puno ng lungkot at takot ang mag-asawa. Nakatulala si Fidel habang si Carmen naman ay nakatitig lamang sa kambal ng nasa ER.. napaisip si Carmen at binasag ang katahimikan.
"Mahal, kailangan na natin ilayo ang mga bata sa mga iyon, hindi nila tayo titigilan hanggang kamatayan" sambit ni Carmen.
napaisip din si Fidel at nagdesisyon. "Tama ka, kaya bukas na bukas din pakikiusapan ko ang mga kamag-anak natin upang ilayo muna ang mga bata." Pagsang-ayon ni Fidel kay Carmen.K I N A B U K A S A N...
Naka-confine na ang bata at kasalukuyang binabantayan ni Carmen ito kasama ang kakambal nito. Wala ang kanilang ama dahil hinanap nito ang kaniyang mga kamag-anak.
"Sige na Insan, natatakot lang kasi kaming balikan ang mga bata ng mga 'yun. Baka bukas makalawa bumalik ulit sila at 'pag nagkataon kami lang ni Carmen ang masasaktan o mawawala, hindi namin kaya kung madagdagan pa ang naranasan ng isa sa Kambal. Lahat gagawin ko para sa mga anak namin. Kaya nakikiusap ako tulungan na ninyo kami" pag mamakaawa ni Fidel.
"Okay sige, Insan aampunin muna namin ang inyong Kambal gagawin namin ang aming makakaya para pangalagaan sila, balikan niyo sila ha kawawa ang mga ito kaya balikan ninyo" ika ng kanyang Pinsan."Oo Insan, sa ngayon hahanap muna ako ng pagkukuhanan ng pera para sa bill sa ospital ng aking anak at pagkatapos babalik nalang ako rito pag nadala ko na ang mga bata. Salamat Insan ha tatanawin kong utang na loob ito." Pagpapasalamat ni Fidel.
"Sige na Insan baka gabihin ka pa mag-iingat ka" umalis nanga si Fidel at naghanap ng mapagkukuhanan ng pera. nagbakasakali ito sa kamag-anak niya at kay Carmen ng malaman naman nila ang pangyayari ay agad naman itong nagtulong tulong sa abot ng kanilang makakaya.Makalipas ang limang araw.
Nakalabas na ang bata ngunit bakas sa muka nito ang pekas dahil sa kemikal na inilagay ng grupo ng mga lalaki. Naglalakad na sina Carmen at Fidel, kinausap ni Carmen ang batang may pekas.
"Anak pasensya kana ha? Kung pati ikaw nagbayad sa utang na hindi naman ikaw ang umutang. Pangako babalikan ko kayo ng kapatid mo Mahal na Mahal namin kayo." Iyak na sambit nito at isinuot sa anak ang kwintas na pinamana pa ng kanyang Ina sakanya. Nakarating na ang mga ito sa kanilang destinasyon at ginawa ang kanilang pakay hindi narin sila nagtagal sapagkat natatakot silang hindi na nila ito gawin o bawiin ang kanilang mga anak.Makalipas ang isang taon..
Naghirap ang Pinsan ni Fidel at naisipang ipamigay na lamang ang mga bata o ipaampon dahil hindi na niya kayang alagaan pa 'di na tumatakbo ng maayos ang utak nito dahil namomroblema sa pera. Walang may gustong umampon sa mga ito kaya napilitan siyang iiwan na lamang sa kung saang pinto ng bahay ang Kambal.
Sa kabilang banda...
"Da, hindi na yata talaga tayo magkakaanak" sambit ni Claire habang nakatingin sa resulta ng Pregnancy Test nito.
"Kaya natin 'to huwag ka ng malungkot Mymy" pangungumbinsi ni Edward dito."Bakit hindi nalang kaya tayo mag-ampon?" Tanong ni Claire
"osige kung saan ka sasaya, ano bang gusto mo? Single? Kambal? Babae? Lalaki?" Tanong ni Edward
"ahm gusto ko sana Kambal na babae!" Tuwang sambit ni Claire.
"Okay, bukas na bukas din pupunta ako sa orphanage" usal ni Edward.Sa gitna ng kanilang pag-uusap may narinig na iyak ang dalawa mula sa gawing pinto, hindi lang ito basta iyak kundi iyak ng mga bata. Agad nagtungo si Claire at agad binuksan ang pinto laking gulat niya ng makita ang dalawang bata na umiiyak sa tapat ng kanilang pinto. Agad namang napasunod si Edward at nagulat din sa nakikita, nagkatinginan lamang ang dalawa at parang may kung anong naramdamang tuwa sa mga puso nito.
Pinalaki ang Kambal ng mga ito at itinuring na totoong anak, malulusog at magaganda ang mga ito. Katatapos lamang nila ng Grade nine at sa pasukan ay Grade ten na sila. Ngunit kinailangan nilang lumipat sa Maynila upang hindi na sila mahirapan makakuha ng oportunidad at sa kanilang pagkokolehiyo.
BINABASA MO ANG
Beautiful Scars
Random"Calli is a strong person, who is not afraid on something nor someone. She has a beautiful soul. She's kind ang gorgeous but because of the incident way back then, her face from Angelic to cursed for people. But she accepted everything. She don't ca...