DeniseNapangiti ako habang binabasa ang mga meme about sa "Ako to si Natoy na mahal na mahal ka." Mga tao nga naman kung ano anong meme na nagagawa
Ting!
Ay wow, akalain mo may mag chachat sakin.
Lea sent a message
Napakunot noo ako sa message ni Lea. Picture ng lalaki na naka bigti na may caption...
Pag di mo to pinasa sa 20 katao bibisitahin ka niya sa kwarto mo ng alas tres ng madaling araw kung ayaw mo maniwala search mo si "Aliah Santos" di niya to pinasa sa 20 katao kaya nabaliw siya.
Ano na naman kagaguhan to? Chain message jusme 2020 na jejemon pa din.
Pero alam ko curious ka kung bakit nag bigti itong lalaki to...
Nag pakamatay siya dahil iniwan siya ng babaeng pinaka mamahal niya at pinag palit sa ibang lalaki, alam mo ba ang huling salitang binitiwan niya bago mamatay?
"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka."
Denise sorry...
Napahalagapak ako sa tawa ng matapos ko mabasa, grabe ah gagamit pa talaga ng picture ng lalaki na naka bigti para lang gumawa ng meme? Tsk tsk grabe na talaga at anong sinosorry nitong babae to?
Di sinasadyang napatingin ako sa orasan, alas tres na pala ng madaling araw, tsk puyat na naman ako hirap talaga pag walang pasok puro puyat talaga aabutin mo.
Matutulog na sana ako ng makarinig ako ng katok mula sa pinto, si kuya lang naman ang kasama ko sa bahay at siguradong tulog naman na yun.
Dahan dahan ko binuksan ang pinto at napatigil ako ng may nakita akong bulto ng lalaki na may hawak na kutsiyol, nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko putangina! Baka mamaya mag nanakaw to.
"AAAAHHH!!!" Di ko na naiwasang tumili ng napaka lakas at natulos na din ako sa kinatatayuan ko.
"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka."
pag katapos ay nakarinig ako ng napakalakas na tawa."Kuya naman!!!! Ano bang ginagawa mo! Bat may hawak kang kutsiyol at bakit gising ka pa? May pasok ka diba!?" nag hihimotok kong sigaw, tangina kung may sakit lang ako sa puso baka patay na ako ngayon.
"Aalukin sana kita ng manga kaso naisipan kong takutin ka hahaha tsaka wala akong pasok bukas linggo bukas no. Ano gusto mo manga?" sabi niya at sabay abot sakin ng manga. Sini-magutan ko siya.
"Ayoko! Umalis kana nga!" tsaka ko malakas na sinarado yung pinto, bwesit inaantok na ako e tas biglang mang-gaganyan.
Pero bigla ako nakaramdam ng gutom, peste naman oh. Bumaba na lang ako at pumunta sa kusina. Ano kayang masarap kainin? Mag delata na lang kaya ako o mag pancit canton? Meron nga palang cake sa ref, kumuha muna ako ng plato at tinidor.
Napabungtong hiniga ako, ang sama ko naman kung di ko aayain si kuya kumain diba? Kaya naisipan kong pumunta ng kwarto niya at halos mapatalon ako sa gulat ng makita ko siya sa sala na nanunuod ng tv, mamatay ako ng maaga kay kuya e pucha.
"Hoy kuya! Gusto mo cake?" naka- simangot kong alok, naka ngisi naman siya bumaling sakin.
"Oo naman." Tinalikuran ko na siya at pumunta sa kusina para kumuha ng cake. Pagka-bukas ko ng ref di ko inaasahan ang nakita ko, putangina si kuya nasa ref halata pinag kasya at binali bali ang buto para maipasok, naka dilat pa ang mata ni kuya, di ko alam ang mararamdam ko bigla akong nanlamig. Kung si kuya to sino yung nasa sala?
"Oh Denise tagal mo naman." pumihit ako paharap at nakita ko si kuya na nakangisi pero si kuya ba siya?
"T-tangina mo s-sino ka!?" nanlalaki ang mg mata ko at napaka bilis ng tibok ng puso.
"Ako to Denise si kuya." unti-onti siya'ng lumapit sakin.
"Wag kang lala-" sa isang iglap naka lapit sakin ang impostor na kuya ko at sinakal ako.
Hinihingal ako napabangon sa kinahihigaan ko at napatingin ako sa orasan, 3 am. Shit buti na lang panaginip pero ramdam ko pa din ang pang lalamig at bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko sana puntahan si kuya kaso natatakot akong lumabas kaya pinili ko na lang mahiga ulit.
Napatingin ako sa kisame at nanlaki ang nga mata ko ng makita ko ang lalaki sa picture na nakangisi sakin. Napapikit ako ng maramdaman ko ang dugo niya na tumutulo sa mukha, ito ba yun Denise? Kaya ka nag sorry? Napatawa ako ng pagak, shit.
Gusto kong sumigaw gusto kong gumalaw pero nak'nang di ako makagalaw.
"Pare-parehas lang kayong tumawa at pare parehas lang kayong di naniwala."
"Ako to si Natoy na mahal na mahal ka."
![](https://img.wattpad.com/cover/222025966-288-k629045.jpg)