CHAPTER 8: True Feelings

1.8K 102 13
                                    

****************
Coco's

Takot.

Yan ang una kong naramdaman.Natakot ako.
Hindi dahil alam kong ako ang tinutukoy ni gabb. Natatakot ako dahil alam kong mahuhulog ako sakanya. Hindi pwede. Hindi maaari. Hindi ko kayang saktan si josh.

Tumakbo ako. Di alam kung san ako papunta or san ako mapupunta. Basta tumakbo lang ako.

Hanggang napagod ako...

Napaupo ako sa tabing dagat at tanging sinag lang ng buwan ang nag sisilbing liwanag ko. Gusto kong linawin kung ano yung nararamdaman ko. Kaylangan ko ng tahimik na lugar.

Sa maikling panahon simula nung makilala ko si gabb dito sa siargao, bakit ganun kabilis? Gusto ko na ba sya? Mahal? Hindi ko alam. Ewan. Siguro namimiss ko lang si josh kaya ganito ako.

Nakakainis ka gabb! Masyado kang pafall. Siguro ganyan ginagawa mo para makakuha ka ng babae mo! Inis na inis ako. Kumuha ako ng bato sa paligid ko saka binato sa dagat. Alam mo bang naguguluhan ako ngayon dahil sayo! Bato ko uli sa dagat di ko dapat nararamdaman to dahil may boyfriend ako at engaged ako! Di dapat ito yung nararamdaman ko!! Arrghh sinabunutan ko na sarili ko. Para akong ewan dito.





Pero bakit nararamdaman mo kung hindi dapat? Shit.


Dahan dahan ako lumingon sa likuran ko. Bumungad sakin yung taong dahilan kung bakit ako nag kakaganto.



Si gabb.

Anong ginagawa mo dito?! Sino may sabing sumunod ka?! Bwisit talaga. Kumakabog na naman yung dibdib ko.

Sabi kasi ng puso ko sundan ka. Kaya ginawa ko. Gabb. Wag mo naman ako pahirapan. Pwede ba kong tumabi sayo? Ayan na naman sya. Nakangiti parang tanga.
Di ako sumagot pero tumabi parin sya sakin.

Coleen.,




Hmmm.

Gusto kita. No scratch that, mahal kita alam kong nabibilisan ka sakin pero eto yung nararamdaman ko talaga eh.
Napatingin ako sakanya. pero diretso lang ang tingin nya sa dagat.

Gabb, alam mo naman diba? Hindi tayo pwede. . Narinig ko ang pag tawa nya. Sira ulo ba to?

Ang sakit naman nun. Wala pa nga eh. Hindi na agad pwede. Nakayuko na sya this time. Hays

Gabb naman, Ayoko naman na masaktan ka. Naiiyak na naman ako. Parang nadudurog yung puso ko.

Eh hindi kapa nga nagiging sakin nasasaktan nako eh. Bigla naman syang naging malungkot at humarap sa akin. Alam ko naman coleen. Alam ko sa umpisa palang hindi na pwede. Hindi pwedeng maging akin ka.Pinigilan ko naman eh, i did my best promise. Pero wala eh ang kulit nito. Sabay turo nya sa puso nya.

Gabb, Sorry. Yan lang ang nasabi ko at may luhang tumulo sa mga mata ko. Hinawakan naman ni gabb ang dalawa ko pisngi at hinarap sakanya.

Shhhh. Don't cry. I feel so week kapag nakikitang umiiyak. Pag tatahan nya sakin. Pero wala tuloy tuloy parin ang pag iyak ko. Don't say sorry coleen. Ako nga dapat mag sorry. Dahil sakin nahihirapan at naguguluhan ka. Sorry. Damn. Pesteng puso to.

Gusto ko lang masabi ko sayo kung anong nararamdaman ko. Kasi sasabog na eh. Di ko na kaya itago. Nakita ko naman ang pag tulo ng luha nya pero mabilis nyang pinunasan yun. Atleast ngayon nasabi ko na luluwag na yung nadarama ko, sorry talaga coleen ah. Hindi ko ipipilit yung hindi talaga pwede. Ang sakit.

Niyakap ko si gabb. Im so sorry gabb, maybe we were meant to meet but not to be. Someday you will find someone that chooses you and continues to choose you everyday damn day.


Gabb, im so tired and i want to rest. Mahinahon kong sinabi sakanya tumingin naman sya sakin at ngumiti. Sure, ihahatid na kita at wag kana tumanggi, okay lang sakin. Then she smiled at me. Gumaan yung pakiramdam ko but i know she's broken inside.


Sumakay kami sa kotse ni gabb. Tila tahimik kami parehas sa buong byahe namin. Walang umiimik at walang nag sasalita. Then gabb decided to on the radio.


"hindi tayo pwede, pinagtagpo pero di tinadhana, hindi na posibl~~~" nilipat agad ni gabb yung song



"Kinukulayan ang isipan, pabalik sa nakaraan, wag mo ng balikan patuloy kalang masasakt~~~" muling nyang nilipat
At irirable na sya. Pano ba naman kasi mukang nang aasar pa yung radio.



"Di man tayo ay mag kunwari, sabihin man nilang pag ibig natin ay mali~~~




What the? Ang papangit naman ng kanta ngayon. Iritang Pinatay ni gabb yung radio. Nabadtrip sa mga kanta.


Nakarating kami sa hotel at hininto nya ang sasakyan. Muling nabalot ng katahimikan ang sasakyan.

Ahm, coleen. Panimula ni gabb. Lahat ng sinabi ko kanina, totoo yun. Yung nararamdaman ko, yung mahal kita totoo yun. Di ko hihilingin na mahalin mo ako or what. I just want to make sure na yung friendship na meron tayo nila ate abby ay di masira. Lalo na't close rin sila eh Im ok coco, i will be fine soon. Pinilit nyang ngumiti sa kabila ng sakit na nararamdaman nya.


Oo naman, di mag babago yun. Hoping to see you in manila gabb. Bye. At tuluyan na ngang akong bumaba ng sasakyan ni gabb

Pumasok ako ng hotel ng hindi ko na sya nililingon at dumeretso nako sa loob.


*************

Gabb's

Pauwi nako tapos kong ihatid si coleen. Sobrang bigat at sobrang sakit. Yung babaeng gusto mo ay hindi pwede sayo. Ang daya mo naman kupido. Papanain mo nalang ako sa hindi pa pwede. Tang ina ka.

Hininto ko ang sasakyan. Di ko namamalayan tumutulo na pala yung luha ko.

Lumabas ako ng sasakyan at umupo sa unahan ng sasakyan.

Iniyak ko lahat..


Lahat ng sakit..

Lahat ng nadarama ko...

Tang inang mundo to. Lagi nalang akong talo.

***************
Happy 120k+ readers! Whoa. Thank you sa mga nag babasa. Di ko expect yan. Salamat ng marami. Hahahahhaa.












OUR FIGHT (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon