Chapter 1

20 2 0
                                    

" So tell me Tanya Domingo, why do you think you deserve this job?"

that question again, this is my 20th time applying for a job at halos pare-pareho rin ang mga ito ng tanong, but neither of those 20 company accepted me.

"I believe everyone deserves to have a job, especially when they spent 17 years of their lives facing a book, joining extra curricular activities and organizations just to put it on their resume after they graduate. I personally think I deserve this job because I was that person. I did not strive so hard to be a suma cumlaude just to not deserve this job ma'am."

Wala na akong pakialam if hindi naging maganda yung tono ko sa pandinig nila, pagod na rin ako sa paghahanap ng trabaho at naniniwala ako na isa ang kompanyang 'to ang magbabasura ng resume ko pagkalabas na pagkalabas ko.

"Well thank you for that very, uhm...realistic answer. We'll call you when you get accepted for the job." Sabi nung babaeng kaharap ko saking interview. Siguro nasa early 40's, mukhang masungit pero okay lang, nothing I can't handle.

"I hope you'll ring my phone up ma'am." I stood up and she offered a shandhake na tinanggap ko naman.

Mahirap maghanap ng trabaho, lalo na at wala kang kapit, talagang makikipagsabayan ka sa totoong takbo ng mundo. Hindi mo alam kung ano ang iniisip ng mga tao, hindi mo alam kung anong sagot ang gusto nilang makuha sa'yo. You just need to be honest but classy.

Lumabas ako ng sa glass door ng kompanya at tiningala ito pagkatapos. Sa pinakataas ay makikita mo ang malalaking letra na O L I V E R O S  C O R P O R A T I O N. Isa ito sa mga kilalang kompanya na namamayagpag sa buong asya pati na rin sa ibang kontinente. Feeling ko ni huminga sa prehong silid kunng saan humihinga ang mga boss dito ay hindi ako worthy.

What a waste of time.
***

Saktong alas sais na ng gabi at oras na naman para magtrabaho. Habang di pa ako natatanggap sa kahit na anong kompanyang inaplayan ko, nagdesisyon muna akong maggtrabaho sa retaurant and also a cafe na pagmamay-ari ng mama ni Ria, matalik kong kaibigan.

Dala ng wala naman akong pera para bayaran yung renta ng apartment ko at mga grocery, kailangan kong magtrabaho.

"How is it going Susana? Nakahanap ka na ba ng trabaho? lalaki ba 'yong boss mo? Mainit ba?" Akbay sa akin ni Ria pagkatapos kong isuot ang  uniporme ko para sa trabaho.

"Hot? Boss? Good God Maria sana nga may tumanggap na sa akin, ni kahit nga matatandang walang asawa  eh rejected pa rin ang pag-aapply ko. At pwede ba, huwag mo akong tinatawag na Susana." Inirapan ko lang ito.

Tanya Susana Domingo ang buo kong pangalan, truth to be told, ayoko ng Susana, feeling ko tuloy matanda na ako.

"Same goes to you dear, stop calling me Maria, just Ria. Buti sana kung 'Ma-ri-yuh' ang bigkas mo, hindi 'Mar-ya'" she explained as those words rolled on her toungue.

Hindi ko na siya pinansin at nagsimula na sa aking trabaho.

The restaurant is full of rich people, this is a fancy restaurant so I'm not surprised. Most of them are wearing suits and fancy dresses. Wine, steaks... so rich but so old.

Mas lalo pang dumami ang mga kustomer pagsapit ng alas siyete at maya-maya mga pasado alas-otso ay kumakaunti na. Medyo nakakapagod pero kaya naman. May mga nagbibigay ng mga tip na umaabot sa P3 000.00 na para bang piso lang sa kanila 'yon. Pero I'm not complaining, kailangan ko ng pera, 'di ko na dapat iniintindi ang mga ganong bagay, grasya na baka madisgrasya pa.

"Enjoy your meal sir." Inilapag ko yung pagkain na order nila at nagbigay  ng matamis na ngiti.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit sila nagbabayad ng libo-libong pera para sa kakarampot na dahon.

"May idadagdag pa po ba kayo sir? ma'am?" Tanong ko sa lalaki at sa babaeng kasama nito.

Tumingala sa akin yung lalaki at ngumisi na para bang nagkaroon ng dilaw na ilaw sa kaniyang isipan.

"No. You may go."  Nagtaas ng daliri yung babae at sinenyasan akong umalis na.

Okay that came out rude. Umirap lang ako pagkatalikod ko at naglakad na papuntang counter. Salamat naman at kakaunti na lang ang narito sa restaurant. Pagsapit ng alas giyes ay tapos na ang trabaho ko.

Nagpalit na ako ng damit at kinuha ang mga gamit ko saka nagpaalam na kay tita Natasha. "Tita aalis na po ako, ingat po kayo." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Pahatid na kita kay Jose Tanya, gabi na." Sambit niya pero umiling lang ako

"i'll be okay tita, tsaka I need some fresh air." sumbat ko kaya wala na siyang nagawa kundi ang hayaan ako.

Napalapit na ako sa pamilya ng kaibigan ko, Mula kasi high school ay magkaibigan na kami ni Ria. Isa akong scholar sa pinapasukan niyang pribadong paaralan at buti na lang isa siyamg 'mabait' na mayaman. Siya ang unang lumapit sa akin noong unang araw ko roon at simula noon, kami na lagi ang magkasama.

Dinadala niya ako sa bahay nila pagkatapos ng klase. We just hang out in her room and watch some romantic movies. She loves watching those movies whilst I love action movies. Romantic movies make me sick, those in love couples make me want to puke. May iba lang talaga sa mga salita nila, it always sounds so fake to me kahit na sobrang kinikilig na yung iba. Feeling ko tuloy may problema sa puso ko, I can't feel attration, love or like to any opposite sex. Neithe same sex.

Nagsimula na akong maglakad since twenty minutes ang layo ng apartment ko kung lalakarin. Medyo malamig na pero kaya ko pa rin naman, I love cold weather and rainy days, pahirapan nga lang kapag sapatos ko na ang nabasa.

Malapit na ako sa bukana ng building ng tinutuluyan ko nang bigla may tumigil na itim na SUV sa gilid ko at may bumaba na lalaking naka-itim na suit. Following my instic on what he might be, tinaas ko ang aking kamao at idinapo iyon nang malakas sa mata niya at mabilis akong kumaripas ng takbo bago pa siya makabawi sa sakit.

Rinig ko ang pagsisisigaw niya pero hindi ko na nilingon pa, ano ka kidnapper o magnanakaw. Malamang kidnapper, hindi naman siguro magnanakaw kasi halata namang mas mayaman siya at walang kanakaw-nakaw sa akin. Galing lahat 'to sa divisoria eh.

Huminga ako ng malalim pagkaakyat ko sa ika-apat na palapag patungo sa apartment ko. Hindi ito malawak. Okay na 'yon para sa iisang tao.

Bumuntong hininga ako at itinapon yung shoulder bag ko sa nag-iisang sofa sa apartment ko. This has been my home for five years already, simula nung nag-college ako. Hindi kasi namin kaya magrenta ng mamahaling tutuluyan, saka okay na ako dito. Yun nga lang mainit pero sanayan lang 'yan. Pag 'di ko na kaya yung init nagpupunta ako kila Ria since gusto rin naman niya. Hindi ako mapagsamantala pero parang ganon na nga.

Tinignan ko yung TV sa harapan ko, maliit lang siya at hindi siya flatscreen, it's a CRT television and guess what? Hindi siya gumagana, display ko lang para naman masabing may TV ako HAHAHAHA.

I stopped thinking, nanatiling tahimik ang buong apartment, bumalik ang ala-ala ko sa nangyari kanina. What could he possibly want?

Wait...pambihira punyeta ka Tanya, malay mo bababa lang siya pero anong ginawa mo? Nag-assume ka at bigla mong sinuntok sa mata.

Oh Good God, how I wish he planned to do something bad to me para naman hindi ako nagkamali sa pagsuntok sa kaniya.

Minsan talaga Tanya 'di ka nag-iisip!

Sino ba naman kasi 'di matatakot, gabing-gabi na tapos may itim na van na titigil sa tabi mo nang biglaan tapos naka-itim pa yung lalaki. Good God baka hunting-in ako no'n! Baka ipakulong ako!

Halla baka sundan ako rito!

Okay relax Tanya... breathe.





IIHHHHH HINDI TALAGA EH!

Tanya naman baka bigatin 'yon, tapos ipahanap ka tapos kikidnapin ka na talaga, tapos papatayin ka, tapos bago ka papatayin may gagawin muna sa'yo!

Oh no good God, I'm planning on keeping my V card til I die!

Slow Down, It Takes Time (Update and Edit)Where stories live. Discover now