Chapter Two

26 6 2
                                    

PAGKABUKAS KO ng pinto ng kwarto ko agad kong kinuha at niyapos ang isang unan saka dumapa sa kama.

"Ano bang nangyayari sa'yo bata ka? Halos araw araw ka ng lasing magmula ng dumating tayo dito sa Isla. Hinayaan lang kita dahil baka kako nagmumukmok ka sa away ninyo ni Thunder. Akala ko matatapos na yang pag-i-iinom mo nang sa wakas dumating si Thunder dito noong isang araw. Pero mas lalong lumalala yang pagpapakalasing mo bata ka!" Sermon sa akin ni Nay Cely.

Siya ang yaya na kinamulatan ko mula pagkabata kaya tawag ko sa kanya ay Nay Cely. Siya na rin halos ang tumayong ama't ina sa akin dahil lagi namang wala o busy ang mama ko sa businesses niya.

My mom is one of the big names in the Philippine fashion industry. She is a renowned Couturier of the Stars and powerful names in Politics at ng mga socialites not just in the country but also overseas. Kaya naman kaliwa't kanan ang mga engagements niya to design clothes for them. Meron din kaming textile business na minana pa ni Mommy from my grandparents. Ngayon ay on-going pa lang ang fashion week sa ibang bansa kaya wala pa siya dito sa Pilipinas.

I don't have a Dad. I mean is bata pa lang ako ng mamatay siya. I was only four months old when he left us. My dad is a Swedish. Ikakasal pa lang dapat sila ni Mom noong mawala siya kaya hindi ko nagamit ang apelyido niya. Kaya rin siguro nagpakalulong si Mommy sa trabaho niya at sa negosyo because of her tragic love story.

Kaya as usual, mag-isa ko na naman. Mabuti na lang nandyan si Nay Cely at si Thunder...noon. Ngayon ramdam na ramdam ko na naman ang kakulangan sa akin.

Isinama ko si Nay Cely na umuwi dito sa Isla Viloria nang nalaman ko na hindi na matutuloy ang Holy Week vacation namin ni Thunder dito rin sana sa private beach ng family ko sa Batangas.

Tama si Thunder. For over three years ng relasyon namin lagi kami magkasamang nagsi-celebrate ng mga holidays. Aaminin ko, masyado ko siyang pinagdamot sa family niya. Siya lang kasi ang meron ako sa mga ganoong kasiyahan.

For three years siya ang naging sandigan ko. Siya ang naging confidant ko. Ang nagpaligaya sa akin sa mga oras na nangungulila ako sa mga panahong wala ang mommy ko.

Kahit lagi kaming nag-aaway sa mga maliliit na bagay na hindi namin napagkakasunduan, he always been so considerate to me. Siya lagi ang umuunawa. Siya lagi ang sumusuyo.

Ilang beses na ako nakipag-break sa kanya para takutin siya at makuha ang gusto ko pero he never failed to surprise me para suyuin ako na makipagbalikan. Kaya naman lumakas loob ko na kahit ilang beses akong makikipag-break sa kanya, he will come running after me.

But not this time.

"Nay, wala na kami ni Thunder". Napahagulgol na ako ng iyak habang nakadapa sa kama ko.

"Kuu, magkakabalikan din kayo. Kaya umayos ka na diyan. Kahapon pa yang suot mo at ang asim-asim mo na."

Napaka-bwisit kasi nung lalaking nagsumbong sa akin kaninang hapon sa management ng kalapit na public beach na pinuntahan ko. Nagbayad ako ng isanlibong pisong fine para sa paninigarilyo ko sa beach. And they detained me for three hours dahil nakainom ako. Ayaw akong pauwiin dahil lasing pa daw ako lalo't nalaman nilang I am driving a car.

Tumigil ako sa pag-iyak pero nakasubsob pa rin ang mukha ko sa yakap kong unan. "Hindi na po kami magkakabalikan Nay. He said he is already in love with somebody else." Muli na naman akong napahagulgol ng iyak.

Naramdaman ko ang banayad paghaplos ni Nay Cely sa likod ko. Katulad ko kilala rin ni Nay Cely si Thunder. Siya ang naging saksi sa mala-roller-coaster-ride love story namin ni Thunder. Alam kong naaawa siya sa akin. And I really hate the fucking feeling of somebody being pitiful to me.

"Anak, alam kong masakit. Pero kailangan mong harapin ang sakit ng katotohan para makalaya ka dyan sa sakit na nararamdaman mo ngayon. Ikaw pa ba ang magpapatalo?"

"But I love him so much Nay." Umupo ako sa kama at humarap sa kanya. "He is my life." Unti-unti na namang pumapatak ang mga luha ko.

"Hindi anak." Hinawakan ni Nay Cely ang kanang kamay ko at tinitigan ako sa mata. "Hindi si Thunder ang buhay mo. Parte lang siya ng buhay mo."

Umiling-iling ako. "No Nay! Thunder is my life. At gagawin ko ang lahat para maibalik si Thunder sa buhay ko!" Madiin kong sabi kasabay non ay umalis ako ng kama at pumunta ng banyo.

Narinig ko ang pagtawag ni Nay Cely sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nagkulong ako sa loob ng banyo.

Naupo ako sa sahig sa likod ng pintuan. Tama si Nay Cely. Ako pa ba ang magpapatalo? Tama siya na kailangan kong harapin ang problema kong ito.

Wala na nga ata akong ginawa mula ng huli kaming mag-usap ni Thunder kundi uminom. Kagabi pa itong suot kong maroon hooded pullover sweatshirt at black cargo pants dahil nagpunta ako sa isang bar sa bayan para uminom mag-isa. Pag-kauwi ko kagabi hindi na rin yata ako nakapagshower. Kaninang tanghali pagkagising ko hindi rin ako naligo o nagpalit ng damit. Itinali ko na lang buhok ko ng bun, nagsuot ng gray na slip-on sneakers at kinuha ang susi ng kotse para bumili ng alak at sigarilyo sa grocery.

Pagkatapos, pinarada ko ang kotse ko sa parking lot ng isang public beach at doon uminom at umiyak. Nang matanaw ko ang sunset, dinala ko ang natirang isang yosi ko at pumunta sa dalampasigan. Pero dala ng hilo napasandal na lang ako sa puno ng niyog at doon nanigarilyo habang tinatanaw ang papalubog na araw.

Tapos dumating 'yong walang modong lalaking yon at sinumbong ako. Napakayabang ng lalaking yon. Akala mo hindi nagkakamali sa buhay! Hindi ba niya nakita na nasasaktan ang puso ko. Pasalamat nga sila hindi ako nagpakalunod eh.

Well, babangon ako. Babawiin ko kung anong sa akin. Tama na ang pagpapakalunod sa alak. Kapag nakita ako ni Mommy sa sitwasyon ko at sa ayos ko  tiyak mandidiri yon sa sense of fashion ko ngayon. Sermon na naman ang aabuti ko sa kanya. Na ang anak ng isang The Kaylee Viloria ay walang ka-fashion fashion sense.

Ayoko kong may makitang awa at panlilibak sa mga mata niya. Kaya't aayusin ko ulit ang buhay ko.

Humanda sila.

A/N: Kayo guys, what did you do the time na na-broken-hearted kayo?

When Hearts Are Saying No (The Second Lead Series - #1) On-GoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon