jiselle's.
hanggang ngayon, iniisip ko yung nangyari sa mall. ikaw ba namang biglang halikan na dapat ay naguusap lang. very wrong.
pero aaminin ko, may iba pa rin akong nararamdaman para sakanya nang halikan niya ako. ewan ba, parang bumabalik ang dati everytime he's around. pero kailangan kong pigilan to. bakit pa kasi bumalik pa yan sa pilipinas. tangina.
nabalik ako sa realidad nang tumunog ang phone ko. isang message sa hinayupak na yukhei.
Wong Yukhei
active nowyukhei: hey
seen, 10:30 am.jiselle: ano yon?
yukhei: I just wanted to apologize for what I did last time. alam kong hindi ko dapat ginawa yon pero..hindi ko mapigilan eh.
jiselle: no need. it's ok
yukhei: really?
jiselle: yeah
yukhei: are you sure?
jiselle: oo nga
yukhei: thanks jiselle! :) and pambawi lang, if u want..samgy tayo mamaya! my treat!
yukhei: mga 11:00 siguro sunduin na kita, see u!
jiselle is typing...
jiselle: shet samgy |
jiselle: hanggang ngayon alam mo paren kung anong gusto ko pakshet ka |
jiselle: sure
yukhei reacted ❤️ to your message.binato ko naman ang phone ko sa kama at nag-palit ng damit. nagayos na rin ako ng hitsura. baka laitin naman ako ng yukhei na yon charot.
nagpaalam na rin ako kay mama at pumayag naman siya. ngayon, hinihintay ko na lang ang oras. sabi kasi ni yukhei susunduin niya ako eh.
"jiselle! andiyan na si yukhei!" rinig kong tawag ni mama mula sa labas. huminga muna ako malalim bago tumayo at tuluyan ng lumabas sa sala. nadatnan ko naman si mama na kausap si yukhei.
"buti naman at magbati kayo ng anak ko. akala ko... pagkatapos ng lahat ng nangyari, kamumuhiaan at kakalimutan niyo ang isa't isa." nakangiting sambit ni mama. napangiti naman ng mapait si yukhei at bumaling ang tingin sa akin.
"hello jiselle." bati niya. ngumiti na lamang ako bilang kapalit. inaya na niya akong umalis na kaya muli akong nagpaalam kay mama at sumakay na sa kotse.
naging tahimik kami ni yukhei sa loob ng kotse. hindi rin naman yon nagtagal dahil nakarating na kami sa isang korean restaurant kung saan kami kakain.
mabilis lumipas ang oras at natapos na kaming kumain. habang lumalamon, naguusap naman kami. pero halata mong na-aawkwardan parin kami na magkasama. sino ba namang hindi.
"thank you yukhei. nabusog ako haha!" pagpapasalamat ko kay yukhei. tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. aba deputa ginulo talaga buhok ko. pakyu.
"basta ikaw jiselle!" masayang sabi niya. napangiti naman ako. napansin ko namang nakita ni yukhei ang pagngiti ko kaya yumuko ako ng kaunti.
nasa loob na kami ng sasakyan nang biglang mag-ring ang phone ko.
kuya tyong is calling...
nakita ko naman na si kuya taeyong ang nasa caller ID kaya sinagot ko naman to. "hello kuya?" pagbati ko sakanya sa phone. "jiselle! si dodong!" hinihingal na sabi ni kuya taeyong at parang umiiyak na.
bigla naman akong nataranta. "napano si dodong kuya?!" kinakabahang tanong ko sakanya. "si dodong! na-naaksidente!" sabi niya na nagpa-kaba sa akin. hindi ako makapagsalita at parang nabuhusan ng malamig na tubig.
"a-ano?" nauutal kong tanong. hindi maproseso ng utak ko na totoo ang lahat at hindi ako nanaginip. "oo jiselle na-aksidente siya! na-nandito kami ngayon sa soo man hospital! pumunta ka na dito bilis!" sabi niya at pinatay na ang tawag.
naiwan naman ako dito na nakatulala. napansin naman yon ni yukhei kaya niya ako tinanong. "what happened? are you okay?"
lumingon ako sakanya at sinabi ang tungkol kay donghyuck. "si donghyuck...naaksidente." nanghihina kong sabi. nagulat naman siya sinumulan ng paandarin ang makina ng kotse. "saang hospital daw siya?"
"soo man hospital." sagot ko. agad naman niyang pinatakbo ang kotse at pinakalma ako. hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala sa nangyari kay dodong.
'hintayin mo ako dodong. pakshet ka.'
———
hello! so sorry kung ngayon lang ako nag-update after A YEAR. oo, A YEAR. like damn, ang tagal diba?! HAHA im so sorry! masyado lang kasi akong stressed that time at walang inspo and gana mag-update. pero ngayon meron na so.. welcome back self! I'll try to update more often na niyan siguro dahil lockdown and konti na lang ang dapat kong gawin. pero may mga tatapusin pa akong school works kaya konting push pa. anyways, THANK YOU SO MUCH FOR READING SOLO!! AND SORRY REN I LOVE U GUYS!
- mayaaaa