Pangako mo

65 0 0
                                    


Ang sabi mo sa akin nang ikaw ay nangako
Ito'y hindi mabibigo at hindi mapapako,
ngunit anong nangyari sa pangakong iniwan,
nawala at naglaho ng di namalayan.

Kaysarap balikan ang mga nagdaan,
noong tayo'y masaya at nagmamahalan,
walang paglagyan ang sayang naramdaman
na parang walang bukas nang daraan

Ating pangako binuo ng sabay,
sa saya at lungkot ay di bibitaw,
nasira at nawasak ng ika'w nawalay
Ang pangakong binuo ng tayo pa ng araw.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon