Chapter 4

4 0 0
                                    


"Deym." i'm stucked. Tumingin ako sa may bintana at halos wala ka ng makita dahil natabunan na ng yelo.

"Err. Bakit ba kasi ngayon pa umulan ng nyebe?" Hinimas himas ko ang magkabila kong braso dahil lamig na lamig na ako. Nasaan na ba kasi yung kasama ko?

"Here." Tumingin ako sa staircase at biglang nandilim ang paningin ko. Napakabastos talaga. Agad kong Inalis ang nakatakip sa mata ko.

"May jacket kang pink?" Tanong ko sa kanya nung nakababa na siya. He gave me a glare.

"That's not mine." He said. Ow, di agad sinabi. Sinuot ko nalang yun at pumunta ako ng kusina. Hinalungkat ko yung ref nila at buti nalang may easy to made na champorado kaya nagpainit ako ng tubig.

"Oh." Nilapag ko sa mesa yung niluto ko at umupo ako sahig. Actually may mat naman kaya hindi malamig.

"Alam mong lutuin to?" Tanong niya. Anong klaseng tanong yon?

"Malamang. Easy to made nga diba?" Sabay turo ko dun sa nakalagay na 'easy to made'

"Nah. It's hard." Sabi niya at sumubo. I wonder, bakit hindi siya tumataba eh ang takaw niya?

And there, i remember my kuya.

"Pahiram ako ng phone mo. May tatawagan lang ako." I said. He swipe his phone then he put his passcode parang may tiningnan muna siya bago siya tumingin sakin

"Viber." I said. Then he tapped the violet box. Binigay na niya sakin kaya i dialled kuya's number.

[Who's this?]

"Kuya, si jen to. Sabihin mo kay mom na iparebook nalang yung flight ko. May snowstorm na dito." I said.

[Okay. Kanino ang number na to? Wala ka ba sa bahay mo? Jennessy make sure you're safe.] he said with authority in his voice. Napatingin ako sa lalaking sarap na sarap sa kinakaing champorado.

"Uh, shoo! Shoo! Shiiiisshhh shishhh kuy-ashoo ashoo di kita marinig ashooo shiiickk *toot* *toot*" i hung up. Nakita kong nakatingin siya sakin kaya naman binigay ko na ang phone niya at parang nandiri niyang kinuha yon.

"Ang arte mo, walang laway yan!" I said.

"Pfft. Hahahaha!" Tumawa siya. Ewan ko pero natawa nalang din ako. Okay, mukha nakaming baliw.

"Babalik kana sa pilipinas?" Tanong niya ng makarecover nakami. Sumubo muna ako ng champorado bago ko siya sinagot.

"Yep, dapat mamayang madaling araw ang flight ko pero umulan nga ng yelo, so mamomove yung balik ko." I said. Binuksan ko yung flatscreen at nilipat ang channel.

"Looks like, you don't want to leave L.A." He said. Tumango ako sa kanya at sumandal sa sofa.

"Exactly." I said at sumubo ulit. Pinatong ko na sa mesa yung lalagyan. Hindi na siya nagsalita kaya naman nanood nalang ako.

"So bakit may pink kang jacket?" Tanong ko sa kanya ng matapos na yung pinapanood namin. Tumingin ako sa kanya at ayun, knock out. Comedy naman ang pinanood ko pero bakit siya nakatulog? Ts.

Tumayo ako para ilagay sa kusina ang mga pinagkainan namin at hinugasan yon. Pagkatapos non, Pumunta ako sa second floor para humanap ng unan at kumot. Binuksan ko yung pintuan kung saan siya pumasok kanina. Naghanap ako ng unan sa may drawer ng nahagip ng paningin ko ang mga picture na nakadisplay sa may mesa.


.
"Oh my goodness."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He'll never be yoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon