Cassiel
Ako si Cassiel. Matagal na akong nakatira sa apartment na tinutuluyan ko. Mag-isa na lang ako sa buhay at patay na ang mga magulang ko mula pa noon bata ako. Mag-isa lang akong natutulog sa apartment ko dito sa attic , mas pinili ko dito dahil masyadong maingay yung mga taong nakatira sa baba. Ayoko nang maingay lalo pa't hindi ako nakakapagconcentrate sa aking pag-babasa.
Sakto lang para sakin ang laki ng apartment na to. May isang kwarto at may maliit na kusina. Meron din sala sa gilid, kung saan ako nakaupo ngayon sa sofa habang kasalukuyang nagbabasa.
Naputol lang iyon ng makarinig ako ng hagikhikan sa labas ng pinto. Napakunot noo ako dahil sa tawa ng Babae na naririnig ko.
"Baka may makakita satin dito!" Dinig kong sinabi ng babae.
"Relax ka lang babe. Walang makakakita satin dito. Basta wag ka lang maingay"
Napaangat ako ng kilay at tuluyan ng napatayo sa inuupuan ko. Dahan dahan akong nagtungo sa pinto at idinikit ang tenga ko sa pinto.
"Sigurado ka ba? Baka naman may nakatira dito?"
Di ko sure pero mukhang ang tinutukoy nya eh itong kwarto ko. Dahil ako lang naman ang nakatira sa attic.
"Wala nga. Ang alam ko bakante na tong kwarto na to matagal na."
"Hmm. Sure ka ah. Sige babe simu-"
Bago pa maituloy nung dalawa ang kababuyan na ginagawa nila ay binuksan ko na yung pinto at binulyawan sila.
Pero pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pinto ay agad na tumili yung babae at nagtakbuhan sila pababa ng hagdan.
"Mga bwisit kayo! Mga hayok sa laman!" Hiyaw ko sa mga ito.
Pabalagbag kong sinara yung pinto ko dahil sa istorbong ginawa nila sakin. Pinagpatuloy ko na lang yung pagbabasa ko hanggang sa makatulog ako.
Maaga akong lumabas ng apartment ko dahil balak kong mag jogging sa labas nitong building. Wala pa naman masyadong tao kaya magandang oras to magpapawis.
Bago ako lumabas ay nag warm up muna ako at saka sinumulan ng tumakbo palabas. Ngunit hindi pa ako tuluyan nakakababa ng hagdan ay may nakasalubong akong tao, iiwas sana ako pero sa hindi inaasahan ay nagkabunggo kami at parehas natumba.
Napahawak ako sa noo ko dahil itong ang tumama sakin. Samantalang tumayo agad yung taong nakabunggo ko at iniabot niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko ito.
Si Lily pala iyong nakatira din dito sa building na to. Nakakapagtaka parang di man lang siya nasaktan sa pagkakaupo niya.
"Sorry Lily. Hindi Kita napansin kasalanan ko din tumatakbo ako. Nasaktan ka ba?"
"Hindi naman. Magiingat ka na lang"
"Naku sorry tala-"
Natigil ako sa pagsasalita ng makita ko sa aking gilid ang isang babae na nakatira din dito sa apartment na to. Kitang Kita ko sa mata nito ang takot .
"Ate? Okay lang po kayo?" Takang tanong ko dito
Ngunit hindi ako nito sinagot at bigla na lang umalis. Huh? Anyare dun? Bumalik ng tingin ko sa kay Lily pero wala na siya.
"Daming weirdo ngayon ah" at ipinagpatuloy ko na ang pagjojogging ko.
Matapos makapagjogging ay bumalik na ako sa apartment at nagpahinga. Ilan minuto din ang lumipas ay naligo na ako. Hindi pa naman ako nagugutom at medyo nabobored na ako dito sa loob. Wala namn kasi akong TV para manood. Tinatamad na din naman ako magbasa kaya napagdesisyonan kong lumabas muna.
Bago ako lumiko sa pasilyo ay namataan ko ang guard netong gusali kausap ang isang nangungupahan din dito. Hindi na sana ako magkakainteres sa kanilang dalawa ng marinig ko ang pinaguusapan nila.
"Oo totoo yun. Ako mismo ang nakakita pagala gala ang multo na yun sa building na to. Lalo na dito sa floor nyo sir. Kaya nga Hindi ako madalas dito nagtatagal pag madilim."
"Ganun ba manong. Baka naman tinatakot nyo lang ako ah."
"Hindi ah! Bakit ko naman gagawin yun. Basta sinabihan lang kita. Kasi hindi lang naman ako ang nakakita sa multong yun. Halos lahat ng nakatira dito ay pinapakitaan nun. Sige na babalik na ako sa pwesto ko"
Bumaba na yung guard at yung lalaki naman ay tumingin pa sa kanan at kaliwa bago isara ang pinto pero laking gulat neto ng tumingin ito sakin at napasign of the cross pa. Sabay sarado sa pinto.
Bigla kong naramdaman ang malamig na kamay na humawak sa balikat ko. Muntik na akong mapasigaw ngunit nakabawi din naman ako ng marinig ang boses ng taong iyon.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Lily sakin
Si Lily lang pala!
Nakatira din ito sa apartment building na ito at medyo kaclose ko na din. Hindi ito palasalita at ako lang ang kinakausap nito. Maputla ang balat at mga labi neto at palaging nakasuot ng puting bestida.
"Ah wala pababa sana ako. Ahmm sorry pala kanina huh"
"Wala iyon, sige" Sabi nito at nilagpasan na lang ako at nagdire diretso sa tinutuluyan nito na nasa dulo nitong pasilyo.
Hindi ko na lang ito pinansin dahil nasanay na ako sa ugali niyang ganito. Sobrang tipid niya magsalita at parang walang gana sa mundo.
Pagbaba ko sa unang palapag ay nakita ko na naman na nagchichismisan yung mga nakatira doon. Wala ba silang magawa sa buhay nila kundi magchismisan? At ang lalakas ng boses nila. Hayss
Dinig na dinig ko ang chismisan nila tungkol doon sa multo.
"Talaga Mars?! Hindi lang ikaw ang nakakita?!" Sabi ng chismosa number 1
"Oo Mars! Naku talagang naghihiyaw talaga ako nung makita ko yung white lady na yun!" Chismosa number 2
"Nakakatakot ang itsura niya! May malaki siyang hiwa sa leeg! At puno ng dugo! Kaya hindi na ako lumalabas dito sa apartment pag madilim na eh! Ayoko makita yung multo na yun!" Chismosa number 3
"Kaya matuwa ka dahil hindi mo pa nakikita yung white lady na yun Mars! Naku! Baka magsisigaw ka din gaya ko! Mukha kasing pagala gala yun dito!"
"Eh ano ba itsura nung white lady na yun?" Chismosa number 1
"Basta may malaki siyang hiwa sa leeg at puno ng dugo ang suot niyang damit na bestida! Hanggang balikat lang yung buhok niya ah basta! Nakakakilabot ang itsura niya!"
Napaismid ako sa usapan nila. Bumalik na lang ako paakyat ng apartment ko. Wala silang bukambibig kundi yung multo. Ako sa tagal kong nakatira dito wala pa akong nakikita kahit na isang multo.
Ginugood time lang nila ang isa't isa.
Pagkapasok ko sa loob ng apartment ko ay pinagmasdan ko ang buong paligid. Puro sapot ng gagamba at agiw ang makikita dito. Punong puno din ng alikabok sa paligid, matagal tagal na din simula nung nalinisan to.
Napatingin ako sa basag na salamin ng aparador. Kitang Kita ko dito ang repleksyon ko pero malabo. Nakasuot ako ng bestida na lagi kong suot, madumi. Hinawi ko ang buhok kong hanggang balikat na bahagyang tumatakip sa leeg ko. Kitang kita mula dito ang malaking hiwa at umaagos ang dugo papunta sa damit ko dahilan para mabahiran ang kalahati neto.
Napangiti ako. Sa isang daan taon ko dito nakatira. Wala pa akong nakitang multo dito bukod sakin. :)