"Mahal Kita"

99 4 0
                                    

Sabi ni Lord,

        "Mahal kita, ayaw kitang nakikitang nasasaktan"

          Bakit ganun? Sabi ni Lord ayaw nya  akong nakikitang nasasaktan, pero heto ramdam na ramdam ko ang mabroken. Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo sa akin pa naibato ang ganitong kamalasan. Nagmahal lang naman ako. Handa din akong masaktan pero Hindi yung tulad ng ganitong pakiramdam na parang halos biyakin,punit-punitin na ang puso ko.

Naramdaman ko ito nung 3rd year high school ako. Naglalakad ako sa may hallway ng makasalubong ko ang boyfriend ko at ang kasama niyang babae. Masaya sila, sa mga mata pa lang nila kitang-kita ko mahal nila ang isa't-isa. Yung mga matang yun na kailanman hindi ko nakita nung magkasama kami.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napatingin din sa akin ang kasama niya. Doon ko lang napansin na magkahawak-kamay pala Sila.

Di ko na napigilan ang mga luhang nagbabadya sa pagpatak. Hanggang sa di ko na namalayan na nakatakbo na pala ako malayo sa kanila,malayo sa mga ngiti nilang unti-unting binibiyak ang puso ko. Napaupo na lang ako sa damuhan. Wala akong ginawa kundi umiyak. Buti na lang wala ng tao dahil hapon na rin naman.

'Hindi man lang siya nagpaliwanag' iyak ko sa aking isip.

Pero nabigla ako ng may nag-abot ng panyo sa akin. Pamilyar ang amoy na yun. Nag-angat ako ng paningin at nakita ko ang lalaking nagpaiyak sa akin, ngunit lahat ng naramdaman Kong sakit ay nabura ng mapagtanto kong sinundan niya ako! Alam kong hihingi siya ng tawad at magpapaliwanag! Nasesense ko! Pero akala lang pala ang lahat ng magsimula na siyang magsalita ng mga salitang tuluyan ng bumiyak ng puso ko.

"Pasensya na Rachel. Hindi ko sinasadya. Lahat ng iyon pustahan lamang. Hindi talaga kita mahal. May magmamahal din sayo ng totoo. At Hindi ako yun. Sorry". Kasabay ng pagtalikod niya ay ang tuluyang pagguho ng mundo ko.

Wala ng mas sasakit pa sa araw na yun. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak sa Panginoon.  Ngunit dumating ang araw na unti-unti ko ding natatanggap ang lahat pati na rin ang katotohanan na hindi pa yun ang tamang panahon. Para ako ay umibig.

-Rachel Ann :)

Sabi Ni Lord...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon