"May Tamang Panahon"

95 2 2
                                    

Sabi ni Lord...

"Wag kang magmadali,may tamang panahon lagi"

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit lagi na lang akong nabibigo. Minsan nga feeling ko kinalimutan na ako ng Diyos. Hmm. Pero parang kinalimutan na nga ata talaga niya ako. Kasi kung hindi,edi sana masaya na ako.

"Uyy. Best bakit tulala ka dyan? May nakikita ba ikaw na Hindi ko nakikita? Sabihin mo lang. Dadalhin kita sa mental. Hahaha" Si Clyde. Siya ang bestfriend ko.. Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi,dahil magkatabi lang ang bahay namin. Nakasanayan na naming palaging sabay umuwi. Minsan kapag may pupuntahan ang bawat isa sa amin. Dapat sinasamahan. Hindi dapat pinapabayaan. Si Clyde napakasweet nyan. Hindi ko nga akalaing magkakagusto ako dyan eh. Kasi bestfriends kami. Pero di ko talaga mapigilan. Parang yung sa kantang "kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito" eto yung nararamdaman ko ngayon. Crush lang naman. Pero ayaw ko dumating sa point na gustong-gusto ko na siya. Takot akong mareject. I can't take risks. Though, I'm a strong person I still cannot face the consequences of taking it. Kaya sa ngayon. Hahayaan ko muna ito.

"Hahaha. Basag ka talaga. Ikaw dalhin ko sa mental eh." Pabirong sabi ko.

"Ok lang basta magkasama tayo. Sa hirap man o sa ginhawa" seryosong sabi niya. Kinilig ako. Promise! Haha

"Syempre bestfriends tayo! Hahhahaha" sana di na lang dinugtungan..Nandun na eh. Kaya ayokong magconfess eh. Masakit mabigo. Palagi nya lang gimagawang biro ang lahat. Hayy buhay!

"Ah..O-oo bestfriends tayo hahaha" pilit Kong tawa. "Ahmm sige. Dito na pala tayo..bye bukas na lang. Nagmadali na akong pumasok sa bahay. Hindi ko na inaantay pa ang sagot Niya. Nadatnan ko si Mommy sa living room. Ang aga niya ata.

"Hi! Ma." Walang ganang bati ko. Wala ako sa mood.

"My beautiful daughter!" Hyper na hyper si Mommy. Anong meron? "Anak,may bisita tayo mamaya. Sina Amiga! Haha. Dyan sa kabila. Dumating na kasi yung daddy ni Clyde.. So invite natin sila. Bihis ka na. Malapit na mag seven" nakangiti niyang sabi sa akin

"Si daddy?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Parating na yun. Mamaya nandito na.. May meeting pa kasi siya,umuna na ako."

Peeeeeeeeep!

"Ayan na pala daddy mo. Sige na anak. Magbihis ka na. Sasalubungin ko daddy mo." Mabilis na umalis si Mommy sa harap ko.

Naghahanap ako ng damit sa closet ko.. Ang hirap mamili. Di ako makapagdecide!

'Ako ba talaga to?!' Sabi ko sa sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sabi Ni Lord...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon