AUGUST'S POINT OF VIEW
DINALA AKO NG MGA PAA KO SA ISANG PARKE NA NGAYON KO PALANG NAPUPUNTAHAN.
UMUPO LANG AKO SA SWING. NAKAPAG TATAKANG WALANG TAO SA PARKE NA TO?
"NEED A FRIEND?" NAPA TINGALA AGAD AKO NG MAY MARINIG NA BOSES
ISANG MAY EDAD LALAKE ANG TUMABI SA AKIN SA SWING
SA TAYO NIYA AY KITA KONG MAY KAYA ANG ISANG ITO
"ANG MGA KABATAAN NGAYON.... MASYADONG MAPUSOK" PABIRO NIYANG SABI
"HUHULAAN KO... NAIYAK KA BA DAHIL SA NOBYO MO?"
KAHIT PAPAANO AY MEDYO GUMAAN AJG PAKIRAMDAM KO. SA TONO KASE NG BOSES NIYA AY PARA KO SIYANG TATAY NA NAGPAPAYO SA ANAK
"OPO" MALUNGKOT KONG SABI
"ALAM MO BA NA NOONG NASA GANYANG EDAD AKO AY ALAM KO NA KUNG SINO ANG GUSTO KONG MAKASAMA HABANG BUHAY?" -SIYA
"ANG SWERTE MO NAMAN PO KUNG GANON"-AKO
MAGKAHALONG KAHEL AT LILA ANG KULAY NG LANGIT. NGAYON KO LANG NA APPRECIATE AND GANDA NITO
"AYON DIN ANG AKALA KO. NA MASWERTE AKO" -SIYA
NAG IBA ANG TONO NG PANANALITA NIYA AT NAPALITAN NG LUNGKOT
"PERO MAAGA SIYANG KINUHA SA AKIN"
NA PAPIKIT AKO SA NARINIG KO
SA DAMI NG TAO SA MUNDONG ITO BAKIT PA KAILANGANG KUHAIN NI LORD ANG TAONG TOTOONG NAGMAMAHAL?
"NAG REBELDE AKO NG MAWALA SIYA SA AKIN. NAPABAYAAN KO ANG LAHAT NG INIWAN NIYA SA AKIN"-SIYA
"MAGING ANG MGA MUNTING ANGHEL NAMIN" NAPAYUKO SIYA AT PINAGDIKIT ANG KAMAY
"ILANG TAON ANG LUMIPAS AT HINDI KO NAMALAYAN NA SA PANGUNGULILA KO SA ASAWA KO AY NAWALA NA SA AKIN ANG MGA ANGHEL KO"-SIYA
"SORRY PO" HINDI KO ALAM KUNG BAKIT AKO NANGHINGI NG TAWAD PERO SOBRANG LUNGKOT NA KASE NIYA.
"NAKO HIJA BAT KA NAMAN NAHINGI NG TAWAD? WALA KA NAMANG KASALANAN.IKAW ANO ANG DAHILAN NG PAGIYAK MO?"
HUMINGA AKO NG MAPALIM AT TUMINGIN SA LANGIT
SABI NILA MAS MAGANDA DAW MAKIPAG USAP SA STRANGER KASE HINDI KA NILA HUHUSGAHAN. KAYA BAHALA NA
"ANO PO BA ANG GAGAWIN MO KUNG HINDI MO ALAM ANG TUNAY NA NARARAMDAMAN NG TAONG GUSTO MO?" TANONG KO
"HIJA.. ANG IBIG MO BANG SABIHIN AY NAG DUDUDA KA SA TAONG MAHAL MO?" TANONG NIYA SA AKIN
"KUNG MAHAL MO SIYA AY HINDI KA MAGDUDUDA SA KANYA. MAGTIWALA KA SA MAHAL MO HIJA DAHIL HINDI SIYA ANG PIPILIIN NG PUSO MO KUNG HINDI ITO SIGURADO"
HINDI KO ALAM PERO PARANG TINUTUSOK NG PUNYAL ANG PUSO KO SA SINASABI NG MATANDA.
"PAANO PO KAPAG NALAMAN MO NA MAY FIANCE NA ANG MAHAL MO?" DESPERADO KONG TANONG SA KANYA DAHIL GULONG GULO NA ANG UTAK KO NGAYON
"FIANCE? KAILAN MO HULING NAKASAMA ANG MAHAL MO?" TANONG NIYA PABALIK
"KASAMA KO PO SIYA LAGI. IISA LANG NGA PO ANG BAHAY NAMIN" PAG AMIN KO
MEDYO NATAWA ANG MATANDA AT MUKANG PROUD ANG MUKA NIYA.
"SA TINGIN MO BAKIT IKAW ANG KASAMA NIYA KUNG GAYONG MAY FIANCE NA PALA SIYA?" -SIYA
HINDI KO IYON NASAGOT KAYA ITINULOY NIYA ANG PAGSASALITA
"DAHIL KAHIT ANONG TITULO PA ANG ITAWAG SA KANYA NG KAHIT SINO...GIRLFRIEND MAN O FIANCE... UUWI AT UUWI SIYA SA TUNAY NA NAGMAMAY ARI NG KANYANG PUSO"
TANGO LANG ANG NASAGOT KO
" PAANO MO MALALAMAN KUNG MAHAL KA TALAGA NG ISANG TAO?"
MAKAHULUGAN KONG TANONG
"TUMINGIN KA SA MATA NIYA HABANG BINABANGGIT NIYANG MAHAL KA NIYA. MARARAMDAMAN NG PUSO ANG TUNAY NA NAGMAMAHAL HIJA"
NOTED!
"EH PAANO KO NAMAN PO MALALAMAN KUNG MAHAL KO BA TALAGA SIYA?"
BIGLA LANG IYONG LUMABAS SA AKING BIBIG
"SUBUKAN MO SIYANG PAKAWALAN HIJA. KAPAG NAGTAGPO MULI ANG LANDAS NIYONG DALAWA ANG TUMIBOK PARIN ANG PUSO MO SA KANYA AY HUWAG MO NA SIYANG PAKAKAWALAN PA"
PUMIKIT AKO AT TUMAYO NA.
HANDA NA AKO.
TUMAYO NA RIN SIYA. BAGO AKO TUMALIKOD AY NAIS KO MUNANG MAG PASALAMAT SA KANYA
"HINDI KO PO ALAM KUNG PAANO KAYO PASASALAMATAN. ANO PO PALA ANG INYONG PANGALAN?" SABI KO BAGO IPAHAYAG ANG PAGPAPAALAM
"MAHALIN MO ANG TAONG HINDI KO NAGAWANG BIGYAN NG PAGMAMAHAL NOON"
NAGULUHAN PA AKO SA KANYANG SINABI
"PO?" TAKANG TANONG KO
"MAHALIN MO ANG ANAK KO... OH BY THE WAY I'M CYLEX DEAN FUCKERSON.FATHER OF CYPER FUCKERSON"
HALOS MALAGLAG ANG PANGA KO SA NARINIG.
NAGLAKAD NA SIYA PALIHIS SA AKING DIREKSYON
TOTOO BANG NAKAUSAP KO ANG TATAY NI CYPER?!!!
Ps. Di ko ma replayan yung comments niyo pero natatawa ako sa mga galit kay April. Kalma mga bhie❤
BINABASA MO ANG
KEAN CYPER FUCKERSON:THE WOMAN WANDERER
RomansaKEAN CYPER FUCKERSON IS A FAMOUS WANDERER. HE LOVES TO EXPLORE WOMAN AND HEAR THEIR MOANS. WHAT WOULD HE DO IF INSTEAD OF HEARING MOANS HE WILL HEAR HIS HEART BEAT BECAUSE OF HIS STUDENT? AUGUSTxCYPER