Chapter 8

462 35 1
                                    

Gia's Pov

Maaga akong nagising para tingnan ang kalagayan ni Gabb, yesterday was tiring dahil na din sa pagiimbestiga namin sa pamilya ni Coleen, madami man kaming nalaman is hindi padin sapat para mabigyan ng kaayusan ang lahat.

I was walking downstairs nang maramdaman kong may kumaluskos sa tabi ng pinto, there was a figure na nakatalikod, agad akong tumalon at ihiniga ito. Nagulat ako nang malaman ko kung sino ito, her eyes were swollen its like she's been crying for God knows how many days, pero nagtaka ako kung paano siya nakatakas.

"Gabrielle? Anong nangyari sayo." Sambit ko saka hinawakan ng mahigpit ang kamay niya ngunit tinuhod niya ko para mabitawan ko siya, agad niya akong pinag bubugbog saka itinulak, lumapit naman siya at kinorner ako, naramdaman ko din ang kamay niya sa gilid ko na tila hinahanap ang aking cellphone, nang maramdaman niyang gumagalaw ako ay hineadbutt niya ko kaya biglang lumabo ang paningin ko.

Nakita ko na lamang na may kinakalikot siya sa Cellphone ko, mukang abala siya kaya hindi niya napansin na pinindot ko ang alarm button, doon ay biglang lumabas sina ate alice, dana at ella agad nilang hinawakan si Gabb habang si Ella naman ay tiningnan ang kalagayan ko.

I just smiled at inalalayan naman niya ko para makatayo, kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Coleen na sinesearch niya sa contacts ko.

"Dalhin niyo siya sa Meeting Room at itali iinom lang ako ng gamot." Saad ko sa kanila saka dumako kay Gabb na tinurukan na ni Ella ng kemikal para manlambot kaya mapungay ang mata nitong tumingin sakin "Gabb masakit ka mang headbutt ha? Keep it up." Saka ko tinap ang kanyang balikat, sinamahan naman ako ni ella sa kusina.

Nang makarating kami sa kusina ay pinaupo agad ako ni Ella, Natawa na lamang ako saka tumingin sa kanya.

"Wag ka magalala, hindi naman ako lumaban sa kanya." Saad ko kaya napatingin naman siya sa akin.

"Alam ko kasing ayaw mo siyang masasaktan kaya ni isang suntok di siya nakatikim sakin hahaha."

"Are we gonna talk about this again Gia?." Tugon naman niya saka nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay sa akin.

"Haha masama ba magsabi ng totoo?." Saad ko saka hinawakan ang aking sentido, grabe sobrang tigas ng ulo ni Gabrielle di kinaya ng utak ko lalabas ata.

Naramdaman ko ang paglapit niya, hinawakan niya ang aking pisngi saka hinalkan ang aking noo.

"Talk to me kapag move on ka na sa nararamdaman ko before kay Gabb okay?." Saka ito umalis at iniwan ako aa kusina.

Yeah right, nagkagusto siya kay Gabb nuong dinala siya dito, kay Ella lang kase bukod tangi nakipagusap si Gabb nung nasa mental pa siya, halos laging kinekwento ni Gabb si Coleen kay Ella.

One time narinig ko din na nag confess si Ella kay Gabb pero hindi nakikinig si Gabb kaya umiyak si Ella, That made me broken kase knowing na ako yung ilang taon nang nagiintay ako yung di nakikita, until nagkausap kami she confess to me na gusto nga daw niya si Gabb kaya nagconfess na din ako, pero after non hindi na ko umasa and then now ayon sinabi sakin nina Ate alice na gusto na din daw niya ako at tanggap na daw ni ella yung kay Gabb pero di ako nagpatinag medyo tumigas puso ko e hahahaha sana all natigas diba.

Nang makapagpahinga ay nagproceed na ko sa Meeting Room, napataas ang kilay ko ng mapansing napakalayo ng distansya ni Ella kung nasaan si Gabb.

"Ano pinuno tatayo ka na lang ba diyan? Kanina pa nagwawala toh gusto mo ba kami humeadbatt sayo?." Saad ni Ate alice kaya dumiretso na ako doon.

"Gabb, pwede ba makinig ka muna samin."

Nakatingin ito sa akin ng matalim, damn if looks could kill siguro ay nakabulagta na ako dito.

Remember Me (Series 1)Where stories live. Discover now