Prologue

4 1 0
                                    

Lahat tayo ay may kanya-kanyang depinisyon ng pag-ibig. Bawat taong kakausapin mo ay iba-iba ang sagot at pananaw sa salitang pag-ibig.

Meron ding iba't-ibang klase ng
pag-ibig: pag ibig sa bayan, pag-ibig sa pamilya, pag-ibig sa sarili, pag-ibig sa alagang hayop,pag-ibig sa diyos, pag-ibig sa kalikasan, pag-ibig sa kapwa at marami pang iba.

Maraming nagagawa ang pag-ibig. Minsan
hinuhubog tayo nito upang maging mabuting bersiyon ng ating mga sarili, pero may mga pagkakataong, isa itong dahilan upang tayo ay mapasama at makapanakit ng ating kapwa o kaya'y sarili.

Gayunpaman, nagiging makabuluhan ang ating buhay dahil sa pag-ibig. Lalo na kapag ito ay nasusuklian sa paraang nais natin. Nagiging determinado tayong magpatuloy kapag napuno tayo sa pagmamahal ng mga taong nakapaligid sa atin.

"Ako si Annie Angeles, naniniwalang ang lovelife ay para lamang sa mga taong walang mabigat na obligasyon sa pamilya.
At ang pag-ibig ay aksaya lamang sa oras dahil sa huli, ikaw at ikaw rin ay iiwanan. Lalo ring hindi ang tadhana kundi, TAYO MISMO ANG NAGSUSULAT NG ATING KWENTO SA MGA BITUIN."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT, AND SHARE

Follow me on my social media accounts
Ig and twttr: @enzeeelmazing

Plagiarism is a crime.

Written in the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon