"Ma! Ano ba naman to! Kakarating ko lang galing trabaho tapos ito madadatnan ko? Ma naman! Pagkadating ko dito iyak nang iyak tong si Benggay dahil sa gutom! Wala pa palang sinaing! Inuuna una mo pa kasi 'yong pagsususugal mo dun kina Aling Tere!", galit na galit kong sabi kay Mama. Habang naghuhugas ng bigas para magsaing.
"Nagkayayaan kasi sila dyan sa labas anak na mag-tong its daw. Kaya sumali na ako. Sayang naman yung mapapanalonan. Magaling paman din ako sa tong-its", sabi ni Mama na wari bang kinukumbinse akong walang mali sa pagsusugal niya.
" Ma! Wala akong pakialam kong magkano yang mapapanalonan mo sa bwesit na tong-its na 'yan! Ang akin lang, bago ka umalis alis dito sa bahay, siguraduhin mo namang may pagkain dito ang mga kapatid ko! Tingnan mo yang si Leng at Benggay! Namumutla na oh! Kumakalam na yang mga sikmura ng mga yan! Ma naman! Pag nagkasakit pa yang mga 'yan dahil nalipasan ng kain, edi mas malaki ang problema natin nyan! Iyak nang iyak pa yang si Benggay! Mas lalo lang lumalala ang ubo nyan dahil di nakakainom ng gamot! Sya nga pala yung gamot nabili na ba?", sigaw ako nang sigaw. Para atang ako lang ang may pakialam sa mga problema o suliranin dito sa bahay.
"Ah di pa anak eh. Pinusta ko kasi kanina. Natalo. Sino ba namang hindi matatalo nyan eh yang si Amie hingi nang hingi ng pambili ng biskwit. Eh malas pa namang humingi kapag naglalaro pa sa sugal.
Malas", panghihinayang niya sabay kamot sa ulo niya. Nakakunot na rin ang mukha nito dahil sa pagsisigaw sigaw ko." ANO!? Bwesit na buhay 'to oh. Saan pa ako kukuha ng pambili nito ng gamot. Natanggal pa naman ako sa trabaho ngayon! Sana naman, magkaroon kayo ng pagkukusa at konsederasyon dito sa bahay. Makiramdam naman kayo paminsan minsan, Ma! Hirap na hirap na ako kakakayod tapos sugal pa kayo nang sugal!", parang sasabog na ang ulo ko dahil sa galit. Nakakuyom na ang aking mga kamao kasabay ng mas lalong pag-iyak ni Benggay. Kinuha ko ito at kinarga habang patuloy na nakikipag-palitan ng masamang tingin kay mama.
"Ano! Sinusumbatan mo na ako ngayon? Tinutulungan na nga kita dyan para makatulong sa tustusin dito sa bahay. Magaling ako sa sugal! Bakit 'yong inulam natin kagabi, galing 'yon sa panalo ko sa tong-its! Kaya tumigil tigil ka dyan Annie dahil anak lang kita!", bulyaw ni mama sa'kin.
" Oo! Anak mo lang ako! At ikaw ang ina dito! IKAW ANG INA! pero sa sitwasyon natin ngayon parang ako pa ang ina sa pamamahay na 'to! Ano? Kung hindi ako kikilos at magsusumikap, sama sama tayong mamamatay sa gutom dito!", hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Basag na rin ang boses ko sa pakikipagsigawan kay mama. Hindi ko na napigilan ang pagsabog ng aking mga luha kasabay ng pagkadurog ng aking puso dahil sa sitwasyon namin ngayon.
"Huwag mo akong sisihin dito, Annie! Sisihin mo ang magaling mong ama! Kung hindi nya sana tayo iniwan edi sana hindi magkanda-letche letche ang buhay natin ngayon!", sigaw niya sa'kin habang tinuturo turo ako ng kanyang hintuturo.
" Siguro tama lang din na iniwan tayo ni Papa! Siguro tama lang din na iniwan ka niya! Dahil kung ako rin si papa? Iiwan din kita!", sigaw ko pabalik sa kanya kasabay ng pagpatak ng mas maraming luha. Mas lalo lang umiyak si Benggay dahil sa matindi naming bangayan ni mama.
*PAK*
Isang matinding sampal ang nakuha ko galing sa kanya, namumula na rin ang kanyang mga mata dahil sa mga masasakit na salitang sinabi ko.
"Sige, Annie! Iwan mo rin kami! Ano pang hinihintay mo? Umalis ka na din kagaya ng ama mo! Magsama kayong dalawa sa impyerno!", kasama ng kanyang sigaw ay ang pagpatak din ng kanyang mga luha.
" Ano, Ma! Ate! Hindi kayo titigil kaka-away dyan? Mahiya naman kayo sa kapitbahay natin! Ang ingay ingay nyo! Halos kada araw na lang kayo nagbabangayan dyan! Mahirap na nga tayo, mas lalo lang tayOng na bwebwesit dahil dyan sa bangayan niyo!", singit ng labing-tatlong taong gulang kong kapatid na si Amie.
Nakakuyom pa rin ang aking mga kamao habang hawak si Benggay. Mas lalo ko lang kinasuklaman si mama dahil sa pagsampal niya sa'kin. Tinalikuran ko siya at pinahawakan si Benggay kay Amie habang pinupunasan ang aking mga pasaway na luha.
"Amie. Itong 50 pesos, bumili ka ng ulam sa karenderya ni Aling Luz. Pag naluto ang kanin, kumain agad kayo nina Leng at Benggay. At itong 100 naman, ibili mo ng gamot sa ubo si Benggay. Alis muna ako", mahina kong sabi kay Amie habang inaabot ang huli kong pera.
" sige ate. At teka... Sa'n ka pupunta? Wag mo kaming iwan ate", nanginginig ang kanyang boses dahil akala niya iiwan ko talaga sila.
"Magpapahangin lang ako, Amie. Hindi ko kayo iiwan. Sige na, bumili ka na don. Iwan mo muna si Benggay kay mama", huli kong sabi tapos lumabas na sa aming maliit na pintuan.
Pagkalabas ko ng pintuan, narinig kong sumigaw uli si Mama.
" Sige iwan mo kami! Dyan naman kayo magaling, ang mang-iwan!"
Binilisan ko ang aking lakad, at pumatak na uli ang aking mga luha kaya, panay ang pahid ko dito gamit ang neckline ng aking tshirt. Wala na akong pakialam kong maraming makakita sa'kin na umiiyak. Ang importante sa'kin ngayon ay mailabas kong lahat ng sama ng loob ko. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa aking paboritong lugar, ang lugar kung saan lagi akong dinadala ni papa noon upang mamitas kami ng mga hinog na mangga.
Nasa dulo ito ng barangay namin. Walang masyadong tao ang pumupunta dito dahil malayo na ito sa mga kabahayan. Nakarating ako sa paborito kong labasan ng sama ng loob at muli ko na namang nasilayan ang dalawang puno ng mangga. May malaking bato sa pagitan ng dalawang mangga, kung saan dito ako nakasanayang umupo. Sariwa ang hangin dito at tanaw na tanaw ko mula sa pagkakaupo ang asul at malinis na dagat mula sa malayo.
Ipinikit ko ang aking mga mata hanggang pumatak ang huling pares ng luha. Dinadama ang sariwa at mapang-aliw na hangin na sinusuot ang kailaliman ng malungkot kong puso. Huminga ako nang malalim, na waring ipinapasok ang positibong enerhiyang dulot ng malamig at sariwang hangin at inilalabas naman ang negatibong nararamdaman sa pamamagitan ng pag-exhale. Sumasayaw ang mga berdeng dahon at nag-aawitan ang mga ibon na na animo'y nagsisilbing magandang palabas sa isang sinehan na inaaliw ang sinumang makakatunghay. Tanaw na tanaw ko rin ang araw na nagsisimula nang lumubog. Naghahalo ang pula, kahel at golden yellow na kulay sa paligid ng araw, na nagbibigay ng nakakarelax na tagpo.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
Sumigaw ako ng dalawang beses upang ilabas ang sama ng loob. Ito lang ang alam kong paraan upang ilabas ang aking mga hinanakit. Lagi akong umaasa na sana,
ito na ang huli kong sigaw dahil sa sama ng loob at bigat na aking nadarama.Umaasa na sana sa susunod na punta ko dito, ay... MASAYA NAMAN AKO.

BINABASA MO ANG
Written in the Stars
FanfictionPara kay Annie, ang breadwinner ng kanilang pamilya, ang pag-ibig ay para lamang sa mga walang mabibigat na obligasyong kinakaharap sa pamilya. Naniniwala siyang may kinikilalang antas sa lipunan ang pag-ibig; ang mayaman para sa mayaman; mahirap p...