Chapter 8

21 3 13
                                    

Lee Nam Gyeong as Blythe Everly Guerra
-sweet, cute, genuine, innocent little girl
-7 years old

"Are you crying po ba? Don't cry na po. Sabi po kasi ng special person ay masyadong precious daw po ang tears natin. It's okay po na umiyak because po that's what makes us strong. Okay lang po ilabas ang emosyon dahil mas lalo pong bibigat yan kapag po kineep lang natin sa sarili natin. Don't cry na po. I will cry din po pero po hindi ako iiyak para happy po kayo. I mahal you po"

********************************************

August's pov

Eto na talaga. Katapusan ko na.

Unti-unti siyang lumapit at ako naman ay humakbang patalikod. Kinorner niya ako sa desk niya, yan tuloy nadali ko yung ice americano. Natapon tuloy, sayang. Hala! Bakit yan ang iniisip ko?

Inilapit niya ang kanyang mukha at maling galaw ko lamang ay mahahalikan ko na siya. Nag-init ang mukha ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapikit ako sa sobrang kaba at natinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

"Hindi ka pa rin nagbabago" bulong niya

Wut? Kilala na niya ba ako noon? Ngayon lang naman ata kami naging ganito kalapit sa isa't isa ah. Napamulat ako nang maramdaman ang kanyang palad sa aking pisngi. Nakangiti lamang siya habang minememorya ang bawat detalye ng aking mukha. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko at halos magwala ang puso ko nang lumapit pa siya.

"Yno! Demeter is here!" Turan ng taong nasa labas

He almost kiss me. ALMOST. Ngumiti siya ng mapait bago lumayo sa akin. Unti-unti niyang inalis ang kanyang palad na nasa ang aking pisngi bago tumalikod at lumabas.

Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang pagwawala ng munti kong puso. Bakit ganun? Bakit pakiramdam ko naranasan ko na ito noon at sa parehong tao? Hay! Ayoko na mag-isip!

Inayos ko muna ang aking sarili at nilinis ang Ice Americano na natapon dahil kanina bago lumabas. Inhale...exhale whoo! Muntikan ko na malimutan huminga.

"Oh August, bakit namumula ka?" Tanong ni Aubrey nang makadating ako sa table ko

"Tumakbo kasi ako kanina at nakakapagod kaya ayun" pagdadahilan ko at mukhang naniwala naman siya. Ayokong malaman nila ang nangyari kanina.

Ibinagsak ko ang ulo ko sa desk na nasa harap ko. Kalma...whoo! Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko pero kahit papano ay hindi na nag-iinit ang aking mukha.

"Dean!!! "

Napaangat ako ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses. Sino ang lapastanganan na tumawag sa akin ng Dean?! Ayoko sa lahat ay yung tinatawag ako sa second name ko. Nakangiti pa siya ng malaki habang tumatakbo papunta sa akin.

"Naomi?" Tanong ko at hinapit siya ng yakap

"Ahhh namiss kita! Bakit hindi mo sinabing nagtatrabaho ka pala dito?" Tanong niya at pabirong hinampas ang balikat ko.

"Hindi ko din naman alam na nagtatrabaho ka dito" turan ko at nagtataka naman siyang tumingin sa akin

"Sinabi ko no--nevermind. Bakit hindi ka pa rin lumalaki? Jusko Dean! Nainom ka ba ng Cherifer? " pagbibiro niya at sinamaan niya ako ng tingin

Wut? Sinabi daw niya noon? Eh wala nga akong maalala diba? Sa tingin ko alam din niya yun.

"Crush mo pa rin ba ako?" Tanong ko at nandidiri naman niya akong tinignan

"Yuck, excuse me--"

"Daan na" turan ko at sinamaan niya ako ng tingin bago pinagpatuloy ang sinasabi niya

Typical Him(under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon