Kinuha ko ang baso at nilagok iyon nang mabilisan, "Tignan mo. 'Yang kaibigan mo, kung sino sino nang babae hinahawakan! Hindi ka ba nandidiri diyan, Es?" reklamo ni Margaux, nakakunot ang noo niya sa pandidiri.
Totoo naman sinasabi niya. Mas lalong lumala pambababae niya ngayon, hindi ko alam kung bakit. Ang sakit sa mata!
Pinagmasdan ko siya nang mabuti mula sa mesa namin. He's with two girls, one each side. Hinihimas niya ang hita ng nasa kaliwa, habang nakaakbay naman siya sa nasa kanan. Syempre, ngiting ngiti naman 'yung mga babae, tuwang tuwa pa silang pinaglalaruan sila.
Hinigpitan ko ang hawak sa baso ko, "Phoebs, refill mo naman oh," sabi ko sa kapatid ko. Kinuha niya ang bote ng JD sa gitna ng mesa at pinunan ang baso ko. Hindi mapigilan ng mga mata ko na dumapo sa direksyon ni Spike. Niliitan ko ang mata ko at kumurap kurap bago napagtanto na wala na 'yung babaeng nasa kaliwa niya at si Anastasia na 'yung babaeng inaakbayan niya.
Well, if it isn't the birthday girl herself!
Umirap ako pero agad ring bumalik ang paningin ko sakanila. Bumulong si Spike kay Anastasia, at agad namang napangiti ang babaita. Anong pinaguusapan nila?
"Hoy! Ano ka na dyan, Es? Nandito tayo para magparty, eh para ka namang nagluluksa diyan!" sigaw sakin ni Margaux. Bumaling ako sakaniya. Eh ano kung nagluluksa ako? Tignan mo naman, 'yung pinakamamahal ko nakikipaglandian sa childhood crush niya!
"Just let her be, ate. There's no helping her," irap ni Phoebe. Nahimigan ko ang pait ng pagtatampo sa boses niya.
"Hindi pwede no! A party is a party, dapat lahat nageenjoy!" ani Margie bago tumayo at kinuha ang mga bote ng JD. "Ang mabuti pa, laklakin mo nalang 'to nang mabanlawan 'yang pagdurusa mo sa katawan," tawa niya at pinakita sakin ang bote. Party animal!
"Baliw ka ba? I don't wanna be drunk tonight, babantayan ko pa si Spike," katwiran ko nang umiiling.
"Spike, Spike, Spike," iling din naman ni Margie, "Wala ka nang ibang bukambibig kundi 'yang lalaking 'yan, Es!" nilapag niya ang bote sa mesa at hinawakan ang mga kamay ko. Nakatingin lang si Phoebe sa'min.
"I can't help it, Gie, ang sakit lang talaga. I don't think I can enjoy with this much heartbreak," sabi ko, nakatingin nang diretso sa mga mata niya.
"Oh, come on, Es! What better way to celebrate a heartbreak than to drown in so much alcohol?" giit niya, malaki ang ngiti. I know they're just trying their best to comfort me from my misery. Tumingin ako kay Phoebe na ngayon ay nakapangalumbaba na sa mesa, nagiintay ng sagot ko. They threw this party for me, after all.
Ngumiti ako at tumango. No way in hell am I going to disappoint my sisters.
Tumili si Margie bago kinuhang muli ang JD.
"Open your mouth, bitch!" tumawa si Phoebe sa kagagahan ng mga ate niya, at sumunod naman ako. Tuloy tuloy kong nilagok ang alak, ninanamnam ang pait nito. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na nakanganga dun, pero nung naramdaman ko nang umiikot ang sikmura ko, sinara ko na ang bibig ko para mapigilan ang pagdaloy ng alak sa lalamunan ko.
Nakita ko pang lumaki ang mata ni Margie at inalis na ang bote mula sa mukha ko, pero syempre, may kaunti pang natapon sa bibig ko na napunta sa damit ko.
"Gaga ka! Hindi ka nagsasabing tama na!" hagikhik ni Margie at nakipag highfive pa kay Phoebs, tuwang tuwa sa panguuto nila. Tumawa nalang din ako at pinunasan ang mga tira tira sa bibig ko.
Ilang sandali pa, nagkaayaan na kaming sumayaw sa dancefloor. Phoebe wanted to stay on the sofas, kesyo hindi daw siya marunong sumayaw, pero hindi naman siya makatakas sa kakatalak ni Margie, kaya sumunod nalang din siya.
BINABASA MO ANG
Swollen Lips, Broken Heart
RomanceEsther Scarlette and Spike Aiden have been good friends for almost two decades now. Lahat ng napagdaanan nila, pinagdaanan nila nang magkasama. Bata palang sila, sinumpa na nila sa isa't-isa na habambuhay silang magiging magkaibigan. Sinumpa nila na...