ANTELOGIUM (Prologue)

7 1 2
                                    

Walang pag sidlan ang takot na nadarama ni Alena habang gumegewang ang kotseng sinasakyan niya.

The fear she feels is not for herself but for the people she's with.

Her parents.

Kanina lamang ay mapayapang tinatahak nila ang madilim na kalsada. Subalit bigla na lamang may kung anong nilalang ang pumatong sa bubong ng kanilang sasakyan.

It's growling like a mad dog, and it is freaking strong dahil nagawa nitong yanigin ang umaandar nilang sasakyan.

"Raymond!" Tawag ng kanyang ina sa ama niya na kasalukuyang ninamaneobra ang manubela para hindi sila sumalpok kung saan.

"What the hell is that creature?" Nagmura ang lalaki matapos muling gumewang ang sasakyan.

"Mom," tawag ni Alena sa ina.

"You'll be safe, Baby. We'll make sure of that." Kinuha ng kanyang ina ang kamay niya at may iniabot na rosaryo.

"God is with us. He'll protect us from that devil." Wika ng ginang na may tapang sa mga mata. Her faith gives her courage.

Bahagyang nawala ang takot ni Alena sa tinuran ng kanyang ina.

They screamed in unison when another creature appeared in front of their car. Kasalukuyan itong nakakapit sa windshield ng kanilang kotse.

Its form is human but its eyes tell them that the creature in front of them is a demon.

Mapupula ito na kumikinang at tila wala sa sariling katinuan.

Tuluyan nang nawala sa kontrol ang takbo ng kanilang kotse.

"Raymond, babangga tayo!"

Their car zigzagged in the asphalted road as her father tried to step on the break. But because of their speed it was of no use.

"Mom," nanginginig ang mga kamay na sinubukang gisingin ni Alena ang kanyang ina. Mahimalang hindi sya napuruhan samantalang ang mag asawa sa unahan nang kotse ay kapwa walang malay. Punong puno na ng dugo ang magandang mukhang kanyang mommy.

"Mom, wake up, please!"

Bahagyang tinapik ni Alena ang pisngi ng ina sa pag asang magigising ito. Ngunit wala siyang nakuhang tugon.

"This can't be,"

This is too much pain for her. Seeing her mom's face filled with blood, lifeless.

She tapped the shoulders of her dad. Nakasubsob ito sa manubela at laylay ang mga braso.

"D-dad" Dito na nagsimulang bumuhos ang luha ni Alena.

Bakit kailangang mangyari ito sa mga magulang niya? Bakit sa kanila pa?

"Ahhhhh!" Hindi natuloy pa ang pagluluksa ni Alena dahil napalitan ito muli ng takot.

Napasiksik si Alena sa isang gilid na bahagyang nayupi dahil sa lakas ng pagbangga nila.

Muling sumulpot ang mga lalaking tila halimaw dahil umiilaw ang mga mata na kulay pula.

"TAMA NA! LEAVE US ALONE!" She shouted at them.

Sinusubukan ng mga ito na buksan ang pintuan ng sasakyan. Nang hindi sila mag tagumpay ay sinuntok ng isang lalaki ang bintana na agad nabasag.

Walang magawa si Alena kundi ang sumigaw at tahimik na manalangin para sa isang himala na magliligtas sa kanya mula sa mga kamay ng mga halimaw na ito.

She closed her eyes tightly and prayed "Our Father". If this will be her end, she'll be glad to end her life praying to God.

"Our Father in Heaven, hallowed be thy name...

Once Upon a Full MoonWhere stories live. Discover now