Natigil ako sa pag totooth brush at tinitigan ang sarili ko sa salamin. I really look like a mess, well nourished eyebags, dark circle, dry lips and face in short mukha akong adik.
"Hahhahhaa kung sa bagay sino bang hunghang na lalaki ang babalikan ang mukhang drug user na katulad ko. Unlike doon sa JOWA niya na alagang-alaga yung mukha at kutis." Pero hindi lang naman mukha ang basehan para mahalin ang isang tao diba at isa pa bakit dati minahal niya din naman ako kahit hindi ako ganun ka ganda.
"Malas niya pinakawalan niya ang isang diyosang katulad ko" Hoyyy! Anyare dun sa sinabi mo kanina na HINDI KAGANDAHAN HA? Well inner self binabawi ko na yon no nadala lang ako ng bugso ng damdam-
"Nababaliw na ata ako, leche flan talaga." Bwesit kasi na Kai yun eh bumalik-balik pa tapos di din naman ako naalala. My aamnesia boy lang ang peg? Tsk ang sarap KAITAYIN eh.
*If all of the kings have a queen on the thro-*
"Oh, he-"
"Hoyyy babae I'm on my way to school na, daanan na kita jan sa inyo. Nakapag ayos ka na ba?" Nailayo ko yung phone sa tenga ko. Ghashh parang speaker talaga tong bruha na to lakas at tinis ng boses. Pero shems LAGOT hindi pa nga ako nakakaligo eh.
"Ah-eh wi-witch ano ah oo nakaayos na ako tama tama naka ayos na ako." Nakayos pero di pa naliligo? Nice!
"Good! good! Sige medyo malapit na ako sa inyo" WHAAATTTT???
"Ah witch di ba traffic?" Sana Lord ma traffic siya ayaw ko masigawan.
"Nope. Why?" Por dios por santo santisima trinidad lagot!
"Ah-heeheheh wala wala naman ah sige may aayusin lang ako BYEINGATZWABYU!" kahit di pa siya nagrereply eh inend ko na gad yung tawag at dali-daling tinapos yung pagtooth brush at naligo.
"Hooo! Mabuti nalang mabilis lang akong maligo hahaha-"
"Hoy! Andyan na yung speaker mong kaibigan sa baba" Nice on time lang. Kinuha ko na yung bag ko at lumabas ng kwarto.
"Kuya talaga anong speaker ka jan. Grabe ka naman sa bestfriend ko." Ewan ko dito sa kapatid ko na to ang init ng ulo lagi pagdating sa bestfriend ko.
"Sus eh sa para siyang speaker sa sobrang ingay eh. Bahala ka na nga jan" At umalis na ang aking kuya papuntang kusina.
"Witch!!! Leggo na, mabuti hindi mo naispang maglaslas eh no?" Abat!
"At bakit naman ako maglalaslas aber?" Laslas-laslas laslasin ko mukha nito eh.
"Duhhh syempre dahil sa nangyare kahapon. Diba di ka na maalala ni punyets mong jowaers." At pinaalala pa. Hindi ko alam kong kaibigan ko ba talaga tong bruha na to eh.
"Yaan mo siya sa buhay niya di ko sasayangin buhay na binigay sa akin para lang sa isang sinungaling na tulad niya." Masakit parin oo, syempre sa ilang taon kong nag mahal sa kanya, naghintay at umasa pa eh basta basta nalang ba mawawala ang feelings ko sa kanya same ng pain. But then I believe na time will come na maayos ulit ako. Embrace the pain then later feel the warmth of freedom and happiness. Parang ulam lang yan na sa sobrang excited mo kainin kahit mainit sinubo mo tapos nung napaso ka eh niluwa mo. Hintayin mo na lumigamgam bago mo isubo nang sa ganun eh mas malalasap mo ang lasa at sarap nito.Ganun din sa pagmamahal kung alam mong nasasaktan ka na tumigil ka na. May tamang panahon para sa lahat ng bagay.
"Uyy! Okay ka lang babes?"
"Uhmmm yeah may naisip lang ako. Halika na baka malate pa tayo pagalitan pa tayo ni Mamz."
Nakita kong bumakas nang pag-alala sa mukha ng bestfriend ko."Really okay lang ako. Ako pa ba? Malupet and malakaz to no." Kahit hindi siya mukhang kumbinsido eh lumabas narin kami ng sasakyan nila.
"Basta tandaan mo andito lang ako bilang resbaker mo. One shout away ba." Natawa ako sa sinabi niya at the se time na touch din. I'm thankful na kahit iisa lang siyang kaibigan ko atleast solid at totoo. Aanhin ko naman yung marami kung puro inaanay naman toxic pa diba?
"Noted." Pakikisakay ko sa biro niya pero if I know seryoso yung sinabi niya kahit in a humurous way. Nagkatinginan kami at sabay na natawa.
Well what do you expect sa magkaibigan na baliw.
Habang nagtuturo yung teacher sa harap eh hindi ko napigilan na lingunin siya. Leche kasing mata sinabi nang wag eh tumingin parin and ayun naglalampungan na naman sila or I might say na yung babae lang yung nanlalandi. Tsk sarap itali sa puno, panu ba naman parang sawa na nakakabit sa balikat ni Kai. Nung aalisin ko na sana yung paningin ko sa kanila ay bigla siyang lumingon sa akin. Sheettt! Umiwas ka ng tingin baka akala niya eh naiinggit ka.
Pero dahil dakilang matigas ang aking ulo ay hindi ako umiwas. Nagkatitigan kami and hindi ko alam kung hallucination ko lang ba o ano pero Isa saw something flash in his eyes hindi ko lang mapangalanan ito.Ang sakit! Yung tipo na nasa malapit lang siya nakikita mo pero hindi mo mahawakan, mayakap o mahagkan. Bakit ba samin pa nangyare ang ganito ka ewan na kwento ng buhay eh. Sana di nalang pala ako pumayag nun na umalis siya edi sana magkasama parin kami ngayon at masaya. Ito na naman sa puro sana, sa walang katapusan na sa-
"Araguyyy!!" Pinandilatan ko yung bestfriend ko na kumirot sa akin. Leche flan ang sakit.
"Bruha tinatawag ka ni Ma. Nasa outerspace of the milky way in the universe na naman ang utakness mo." Hanu daw? Pero tumayo na rin ako. Mabuti nalang pala at pangalawang tawag palang ni Maam sa akin may pinapasagutan siya sa aking solving sa board about business finance.
"Ano na naman ba iniisip mo kanina at lutangness ka na naman ha?" Nangiintrigang tanong nang bruhang to habang nagliligpit ako ng mga gamit para makbaba at makakain na. Shemms gutom na ako. Di pala ako nagbreakfast kani- ayyy di pala ako talaga nagbebreakfast.
"Ah wala yung project lang natin. Halika na nagugutom na ako." Sagot ko at nauna nang lumabas ng classroom.
"Lagi ka namng gutom eh." Ayyy ang galeng.
"Parang ikaw hindi auh."
"May sinabi ako ha? Ha?" Dinaldal niya pa ako ng dinaldal. Nung nasa halwayy na kami papuntang caf eh may mga nagmamadali na student yung iba nagtutulakan pa. Ano to may bombing may gyera lang ang peg? Kaso sa sobrang gulo di ko namalayan na wala na pala yung kaibigan ko sa tabi ko at mas natulak ako pagitna nang hallway. Huli ko na namalayan nung may nakabangga ako.
"Araguyy! Leche flan!" Nakakainis na! Parang kahapon lang nang may nakabangga ako tapos ngayon ulet ano meron pa bukas at sa susunod na bukas? Pero wait bakit paramg di naman ako bumagsak this time? Binuksan ko yung mata ko ng kaunti para masilip ang paligid ko na kanina ay magulo ngunit ngayon ay super duper tahimik na. Una kong nakita ay mga kamay na nakahawak sa bewang ko. Infairness ang firm naman ng muscles sa kamay. Dahan dahan kong inangat ang paningin ko at doon na nanlaki ang mata. Shetttt amg wafuuu at super hawtt pa. Totoo ba to o panaginip lang? Sa paninitig ko sa kanya ay napatingin siya sa akin at doon na din nasagot ang tanong ko dahil bumagsak ako sa semento.
"A-aguyyy!!!" Bwesit totoo nga kaso kingina niya bat niya ako binagsak pastilan.
Inangat ko ang tingin ko at ibubuka ko na sana ang bibig ko para sa isang national speech kaso likod na lang ng hjnghang ang nakita ko dahil naglalakad na ito palayo. Sa sobrang inis ko ay dali dali akong tumayo at di namalayan ang pinakamamahal kong watty book ang naihagis ko sa kanya. Ayun sapol sa likod. Kaso WHAAAAAA!!! yung libro ko!!! Tumingin ulet si pohawt (poging hawt) sa akin habang nakakunot ang noo. Tsk akala niya masisindak niya ako sa ganyang tingin? Pwes OO nakakatakot eh kaso yung libro ko. Lakas loob akong lumapit sa kanya at kukunin na sana yung libro nang nauna siyang damputin ito at tumingin sa akin ng nakangisi bago tumalikod at umalis...
Dala ang PINAKAMAMAHAL KONG LIBRO!!!!!
Hallo may year na ba yung last na ud nito? Hahahhaha tinatamad akong magtype mabuti at sinipag ako ngayon. So ayun lang sana sipagin ulet ako para sa ud. Sa nagbabasa and sa magbabasa thankie very muchie. XOXO
YOU ARE READING
Revenge Of A Broken Heart
Teen FictionIts a story about a girl who waited for his guy who promised to come back for her but when he came back...