My Only You - Chapter 3

156 2 0
                                    

LUMABAS muna siya upang magpahangin at makawala sa grupo pero babalik din siya dahil gusto siyang pakantahin ni Jonas. Lumabas siya dahil hindi niya kayang tingnan sina Dan at Jacob na close na close sa isa’t isa. Nagseselos siya kapag magkasama ang mga ito pero wala siyang galit sa matalik na kaibigan. Akala niya na may gusto si Jacob kay Dan pero wala pala. Pero hindi pa rin niya maaalis ang pagseselos niya.

“Dean” bungad sa kanya ni Jonas. “Kanina ka pa namin hinahanap ah, nandito ka lang pala. Pasok na sa loob dahil it’s your turn pare na kumanta” natatawa nitong sabi. Wala siyang magawa kundi ang sumunod rito. Ayaw naman niyang pahiyain ang kaibigan kaya pinaunlakan niya ito. At nakita niya si Sam sa may stage dahil nag-emcee ito.

“Good evening ladies and gentlemen, I would like to introduce to you my brother, Dean Evan Perez, for his special number” pakilala nito. Palakpakan ang mga bisita.

Kinuha muna niya ang guitara at pumunta na sa harapan ng mga bisita. Maraming babae ang nagsisigawan nang tawagin siya pero si Dan lang ang tiningnan niya. Ngumiti naman ito sa kanya at sinisinyasan siya nito nang thumb’s up. Sinimulan na niya ang pagguitara sa intro ng kanta na entitled “I’m Yours”.

“This song is dedicated to all the beautiful ladies here tonight” sabi niya habang ang tingin ay kay Dan.

Lalong lumakas ng tili ng mga babae. Gulat nalang siya nang biglang nagsalita si Sam.

“With his partner, Miss Danielle Lex Rodrigues.”

Nagulat din ito sa pagkarinig. Parang nahihiya itong tumatanggi pero wala itong nagawa. Hindi niya namalayan na nakaupo na pala ito sa tabi niya.

Loko talaga ‘tong kapatid ko. Hindi niya mapigilang ngumiti.

“Kuya Dean, sabayan mo nalang ako pagnagkamali ako ha?” mahina nitong sabi.

At nagsimula na nga silang kumanta.

Well, you done done me and you bet I felt it

I tried to be chill but your so hot that I melted

I fell right through the cracks, now I'm tryin to get back

before the cool done run out I'll be givin it my best test

and nothin's gonna stop me but divine intervention

I reckon it's again my turn to win some or learn some

But I won't hesitate no more,

no more, it cannot wait

I'm yours...

...

...

(habang binabasa ito, mabuting makinig sa kantang I’m Yours)

Habang kumakanta ay pasulyap-sulyap naman siya kay Dan. She is so beautiful kahit hindi pa ito magpaganda. She’s sexy kahit parating naka t-shirt at pantalon lang ito. Damn! Mas lalong gumanda at sumeksi si Dan ngayon sa suot nito. Hindi niya maiwasang magalit sa mga lalaking tumitingin kay Dan.

“…..I’m Yours.” Natapos ang kanta ay di na naman niya kayang hindi mapatitig sa dalaga.

“Ang galing mo best.” nangingiting sabi ni Sam ky Dan. “Marunong ka rin palang kumanta ha. And you two are so perfect together” dagdag pa nito.

“Whatever Sam. You owe me a lot, mabuti nalang ay kabisado ko ‘yong kanta ha kundi mapapahiya ‘tong beauty ko.” Biro nito habang namumula ang pisngi.

MAY I dance with you?” yaya sa kanya ni Jacob.

“Are you sure kuya Jacob?” paninigurado niya. “Alam mo namang wala akong talent sa pagsayaw diba?” dagdag pa niya. Kanina pa siya niyayang magsayaw pero tumatanggi siya. “Hmmm, bakit ba hindi mo inayang magsayaw si Sam?” pag-iiba niya kaya naman hindi na siya nito kinukulit.

My Only You sarah geronimo & gerald anderson(ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon