Dapit-hapon

11 1 0
                                    


Mainit ang ihip ng hangin na dumadampi sa balat ko sa mga oras na 'to. Hindi naman sobrang init na para bang mapapaso na ako o masa-sunburn ako, pero 'yung temperature, hindi nagbibigay sa akin ng pakiramdam na gugustuhin kong maghanap ng makakayakap. Tanggap ko naman na maalinsangan na ang panahon ngayon, dalawang linggo na rin kasi ang nakalipas nang magsimula ang April. Iba na nga lang talaga ang init na mararanasan ngayon sa Earth dahil sa global warming.

Binuksan ko ang maliit na zipper ng pulang sling bag na niregalo sa akin ni Mommy noong Pasko. Inilabas ko ang bimpong basta ko lang hinila sa sampayan. Nagmamadali na kasi ako kaninang umalis papunta dito kaya hindi na ako nakapili ng bimpo at hindi ko na rin naplantsa. Pinunasan ko ang namamawis kong noo pati leeg ko, nararamdaman kong basa na rin.

Grabeng perspiration naman para ngayong araw! Kahit yata hindi na ako magwork-out ay maa-achieve ko ang fitness goal ko ngayong bakasyon. Inilagay ko na ulit sa loob ng bag ko 'yung bimpo.

"Huy! Kanina ka pa ba dito?" Kasabay nang pagkalabit sa likuran ko ay matinis na boses para sa isang lalaki ang nagpagulat sa akin.

Hindi matinis na parang boses kiki, pero kung ikukumpara sa boses ng ibang lalaki, 'yung sa kanya hindi nakaka-eargasm.

Nilingon ko siya. Nakatayo pa rin siya sa likuran ko, sinasara ang payong at nang maisara na, inilagay niya sa string bag niyang itim na may white prints ng maliliit na stars and moons. Hindi ko alam kung paborito niya talaga ang bag na 'yon kaya laging 'yun ang ginagamit niya, or wala lang talaga siyang ibang magamit.

"Medyo," sagot ko at binalik ko ang tingin sa blue na langit kung saan maraming maya ang malayang lumilipad. 'Yung iba nga parang nagpapasikat sa akin, mga nage-exhibition pa. Marami sila sa himpapawid, lagpas sa lima pero hindi na ako nag-abala pang alamin ang eksaktong bilang nila. Naduduling lang ako, eh.

Naramdaman kong nagdikit ang mga braso namin, sumampa na rin kasi siya sa mababang concrete barrier kung saan ako nakaupo. Inilawit niya ang paa niya at confident na kumuyakoy, palibhasa nakarubber shoes kaya hindi nag-aalala na baka mahulog ang sapatos sa tubig.

Binunggo niya ang braso ko. "Magkuyakoy ka rin. Try mo, nakaka-relax!" pag-aya niya sa akin at mahinang sinisipa ang binti ko.

"Parang sira! Kita mong naka-sandals 'yung tao. 'Di mo naman ako ibibili kapag nahulog 'to sa tubig." Tinulak ko siya nang mahina palayo sa akin at nag-indian seat na lang ako. Mabuti na lang at nakapantalon ako ngayon, kaya kahit mainit 'yung sementong inuupuan ko, hindi naman ako napapaso. Dapat mas dalasan ko ang pagsunod sa instict ko para nase-save ako. Kung hindi ako nag-jeans ngayon, malamang sunog ang binti ko.

Tinignan ko ang tubig sa ibaba namin, may mga maliliit na bubbles, ibig sabihin may mga humihinga sa ilalim, mga isda. Sabi nila mababaw lang naman daw at kayang languyin pero syempre hindi ko na iririsk ang sarili kong kumuyakoy, kapag nahulog ang sandals ko, ayokong lumusong at mabasa. Aba!

"Talagang hindi kita ibibili. Mas mahirap kaya ako kesa sa 'yo." Ramdam kong nakatingin siya sa akin, at ramdam ko rin ang hininga niya sa pisngi ko. Mas mainit 'yun kumpara sa hangin na nasa paligid. Naaamoy ko rin 'yung toothpaste na lagi niyang ginagamit. Close Up na kulay green.

"Mas mahirap daw," sabi ko sa mababang boses, hindi ko inalis ang tingin sa tubig sa ibaba. Medyo naaaninag ko ang mga isda dahil hindi naman sobrang dumi ng tubig dito pero sa tingin ko, hindi adviceable na ipampaligo.

"Talaga naman," pinababa niya rin ang boses niya pero hindi talaga niya kaya, pumiyok pa tuloy siya.

"Nagbibinata ka na," pang-aasar ko sa kanya sa gitna nang pagtawa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SOLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon