[HIGHSCHOOL DAYS]
Ngayon second year highschool na kame, hulaan niyo classmates parin kami ni Daphne hindi na atah kami paghihiwalayin pa, hanggang saan ako mapadpad kasama ko parin ang babaeng to.
Si Jane na pinsan ko kaklase ko narin.
At yung lalake na nakatira sa akin ng bola, barkada na namin ngayon. Who would have thought nu?
And what he said before, I thought he really didn't mean it---kaso totoo pala yun. 2 taon na akong nililigawan ni Hiro. Oo, Hiro ang pangalan ng mala Justine Timberlake na kinamuhian ko noon, ngayon barkada ko na.
Dalawang taon niya na akong nililigawan kaso ewan ko 'di ko din alam. Ayoko kase padalos-dalos ako ng desisyon, gusto ko yung pag-isipan ko muna ng mabuti ng hindi ko pagsisihan ito sa huli.
Isa pa, may gusto din sa kaniya ang pinsan ko, hindi ko na alam ang gagawin. I was thorn between the person who loves me and by my cousin who loves the person whose in love with me.
Taray no, haba ng buhok ko.
"Hoy! Mik, tunganga ka dyan. Kanina pa kita kinakausap." Nandito na naman ang kaibigan kong mahilig mang 'hoy' isa pa talaga magiging kahoy na to.
"Sorry naman"
"Ano kase yun?"
"Nagkayayaan kase ang barkada, tambay daw muna tayo dun kina Aling Susan"
"Oo ba, go ako" sagot ko sa kaniya.
Absent ang pinsan ewan ko kung anong nangyari, sina Hiro at kina Matt 'di kami magkaklase. Last section parin ang mga gunggong di na nagtino mula grade 6 last section na.
Pero, kahit naman ganun 'di naman sila yung gago talaga. Isa pa, di ako makikipagkaibigan sa kanila kung masasama sila eh.
Nung uwian, nagpalit lang ako ng uniporme, pinaghugas muna ng pinggan ni Mama saka na pinayagang pumunta sa tindahan nina Aling Susan.
"Mikey!"
Napangiti ako ng mapagtanto na ako na naman ang nahuli.
Okay lagi naman eh.
Umupo ako sa tabi ni Matt, pumagitna ako kina Matt at Jane si Jane nasa tabi ni Hiro. At si Daphne ang nasa unahan ko.
Kinuha ko agad ang 'di pa bukas na chippy saka binuksan ito, di naman kami umiinom ng alak eh, si Matt paminsan oo. Pero kaming apat hindi. Softdrinks lang, kadalasan talaga Coke.
Nakaramdam ako ng ibang atmospera dahil kanina pang walang kibo ang dalawa (Hiro at Jane) kami kami lang ang nag-uusap tatlo. Nababalot na nga kami ng tawanan, sa kanila kahit ngiti man lang di nila magawa.
Pasalamat ako sa kaibigan kong pangit dahil napansin niya
"Aba, kanina pa kayong walang imik ah. Hiro andito na si Mikey o, wala ka paring kibo"
"Puro nalang kayo Mikey!" Nagulat ako ng sumigaw agad si Jane. Saka ba ito umalis.
Ewan ko ba kung nalasing kami dahil sa cola o ano, pinalayo lang kase namin si Jane ng kaunti saka kami nabalot ng tawa muli.
"Hayaan niyo na yung pinsan ko, may saltik talaga yun" natatawa kong wika.
Nabalot kami ng samut-saring kwento, halos maubos ang dala kong pera, wala na kong baon para bukas sa kakabili ng pagkain namin, di lang naman ako, kaming lahat. Patak-patak ganun.
Nang mag-alas nuebe na, napagdesisyunan namin na umuwu na since may klase pa nga bukas.
Magkasabay na umuwi si Matt at Daph, at kami ni Hiro? Nakasanayan niya na akong ihatid pagkatapos ang pagtatambay.
Ngayon ko din sana sasabihin sa kaniya, nakapagdesisyon na ako. Hindi ko na patatagalin pa ito.
"Mikey"
"Hmm"
"Wala ka pang sagot---di sa pinupwersa kita na sagutin mo agad. Pero ibeverify ko lang sana"
Napakamot ito sa ulo, tong lalakeng to pag tungkol talaga sa ganito nawawala ang katukmolan.
"Actually may sagot na ako eh"
"Ano?"
"Sinasagot na kita"
Napakamot sa ulo ulit.
"Oo nga, ano nga ang sagot mo?"
"Sinasagot na nga kita eh"
"Eh oo nga, anong sagot mo?"
"Ay putanginang utak yan Hiro! Oo nga ang sagot ko sa panliligaw mo!"
Hindi ko mabasa hindi ko maipaliwanag kung gaano kasaya ang nararamdaman ko ngayon, ngayon pinakawalan ko na ang dati ko pang gustong aminin sa kaniya. Di ko maipaliwanag ang saya sa mukha ni Hiro nang sabihin ko iyon.
Na...
Hindi ko inakala na ang sayang ito ay hindi pala tatagal habang panahon.