Chapter One

7 0 0
                                    

Atashi's POV

                             Sa buhay ng isang tao, may mga tanong talaga na sobrang hirap hanapan ng sagot. O posibleng alam mo na yung sagot pero hindi mo iyon isinasaalang-alang sa kadahilanang taliwas 'to sa inaasahan o pinaniniwalaan mo. Ako, napakasimple lang naman ng katanungan ko sa sarili ko. Napakatagal ko nang gustong malaman kung bakit hindi ako crush ng crush ko. At gaya ng ibang nagmamatigas sa mga sarili nila, ang obvious lang naman ng sagot sa tanong na 'yon, sadyang hindi ko lang dinadigest sa sistema ko.

                             "Bakit ba hindi ako crush ng kapatid mo??!" sigaw ko habang niyuyugyog ang kaklase ko, si Kean. Bitbit niya ang biniling turon at gulaman sa canteen kaya naman nabuhusan siya ng konti sa suot netong tshirt. Bakas ang inis sa mukha niya kaya naman dumistansiya ako ng kalahating metro.

                              "Aba malay ko do'n." inis na sagot niya saken. Nakakainis. Sa tuwing tinatanong ko si Kean, palaging ganiyan ang sinasagot niya. Kapag naman mga kaklase ko, tinatawanan lang ako. At kapag mga kaibigan ko naman...

                              "Yanna, sa tingin mo, ba't hindi ako gusto ni Arjedo?" tanong ko sa kaniya habang nagsusulat ng notes sa Physical Science.

                                Napatingin siya sakin saka inayos ang uniporme ko. 

                              "Kasi.."

                              "Kasi ano?" dugtong ko.

                              "Wala kang dede," napatawa siya nang napakalakas. Maging mga kaklase ko'ng tulog eh nabulabog niya. Hinampas ko siya sa braso saka tumalikod at anak ng tokwa, napalingon din ako sa dibdib ko. Tanginang standards!

                                 Tuwing 9 am ng Monday, sinasadya kong magpasama kay Yanna sa cr baka sakaling masilayan ko si Arjedo. Sa medjo magulo naming schedule ngayong first sem, malimit ko nalang siyang matyempuhan. Madalas, sa labas ng gate ko nalang siya nakikita kung kailan naman pauwi na.

                                  Dali-dali kaming bumaba mula sa second floor habang wala pa si Ma'am Villa. Isa pa naman 'yon sa mga terror na teacher na may hawak sa amin. Pero, napabagal ang lakad namin nang mapadaan kami sa room ng STEM, kung nasaan si Arjedo.

                                  Sumilip ako sa kinauupuan niya saka nakita ang seryoso ngunit maamo niyang mukha. Bumilis ang pintig ng puso ko at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Malamig ang panahon pero nagmistulang nasa gitna ako ng nakatirik na araw dahil sa presensya niya. Nakangiti ako sa mga sandaling iyon habang pinagmamasdan siya. Parang.. parang gusto ko nalang manatili dito.

                                   "Tashi, bilisan na natin. Akala ko ba naiihi ka?" narinig ko ang boses ni Yanna saka ako nagising mula sa pagpapantasya. Akmang lilingon na si Arjedo nang bigla kong hinatak si Yanna pabalik sa hagdan saka humawak sa kamay niya nang napakahigpit.

                                  "Umurong na ihi ko. Balik na tayo sa room," medyo natatawa kong pag-aya sa kaniya. Minura niya ako nang minura hanggang sa makarating kami sa room. Medyo nakonsensya ako kasi inabala ko panonood niya ng BL Series para lang samahan ako na mag-cr. Nagsorry naman ako pagkatapos.

                                    Dumating na agad si Ma'am Villa. Buti nalang, hindi na kami dumiretso sa cr para lang makapagkunware ako na umiihi.

                                   "So, this is 11 ABM-A, right?" pambungad na tanong niya. Tumango na lamang kaming lahat kahit na medyo natatawa kami kasi panglimang beses ng klase samin dito ni Ma'am.

                                    "Okay. I'm just still confused kasi with the sched. Minsan, napagpapalit ko kayo ng 11 STEM. And ayon so.. anyway, would you mind if iaassign ko kayo by group today para sa upcoming activity natin?" Nag-umpisa na sa pag aassign si Ma'am.

                                    "Del Valle, Reyes, Urdaneta, and Salema"

                                   "Gedenio, Imperial,"

                                   Nang matawag ang apelyido ko, inisip ko na agad kung sino makakagrupo ko. Sana hindi pabuhat. O kaya sana naman may printer, wifi at welcome ang bahay para sa group activities *crossed fingers*

                                   "Paviana, and Dizon,"

                                   Napatayo ako nang bigkasin ni Ma'am ang magiging kagrupo ko.

                                 "Is there any problem, Ms. Imperial?" tanong sakin ni Ma'am. Tumanggi nalang ako saka napabalik sa pagkakaupo. Shit, kagrupo si Kean. Mukhang hindi ata kami magkakasundo sa magiging group activity namin since lagi ko siyang inaabala tungkol sa kapatid niya at naiinis na rin siya siguro. Pero di bale, atleast malakas wifi nila tyaka may printer din. Di na masama.

                                    Hindi pa sinabi ni Ma'am kung ano ang ipapagawa niya sa amin. Pero sabi niya, binigay niya na 'to sa STEM noong Thursday kaya naman kung may koneksyon kami doon ay pwede naman daw kami magtanong.

                                    Tinawag ko ang atensiyon ni Kean saka sinabihan siya tungkol sa magiging takbo ng group activity namin.

                                    "Kean, ayos naman tayo diba? Sana maging maayos ang kalalabasan ng activity natin ," sambit ko sa kaniya na gumuhit naman ng ngiti sa labi niya.

                                     "Yup, wala naman tayong problema. Alam ko namang patay na patay ka sa kapatid ko, susuportahan kita" kumindat siya sakin saka agad na sinuot agad ang earphones na palagi niyang suot.

                                       Naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang nagrireplay yung sinabi niya. "..susuportahan kita,"

                                        Agad kong hinabol palabas ng room si Kean para linawin sana yung sinabi niya.

                                        "Keannnn!! Pwede—" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko nang lumingon sakin si Kean at si Arjedo na abala sa pag-uusap. Napatigil at mas naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

                                        "Ano 'yon?" tanong niya sakin.

                                        Tatanungin ko ba 'yon? Syempre hindi. Hindi pwedeng malaman ni Arjedo. "Ah ano kasi.." bakit wala akong maitanong?

                                         Hinihintay nila akong matapos sa sasabihin ko.

                                       "Pwede mahingi number mo?," biglang bigkas ko sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Kean samantalang nanatili ang malamig na titig ni Arjedo.

                                        Napatakip nalang ako ng bibig sa naging tanong ko.

                                        TANGINA.


Author's Note: 

Hello. Since quarantine ngayon at medjo miss ko na crush ko, I started writing this story. HAHAHAHAHAHA may pag ka true to life ang magiging takbo neto since yung mga next na scenes ay talagang naexperience ko sa kaniya at medjo nainspired din ako sa A Love So Beautiful.

3 votes = Chapter 2

ENJOY READING AND KEEP SAFE!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Soul Who is Worth The Broken HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon