CHAPTER 3 : VANDERS TERRITORY

72 31 7
                                    


Chapter 3 : Vanders Territory

"We're here," she said at napatayo ako na ako at lumabas ng kotse. It is my first time here sa Athena High School. Nakikita ko lang ito dati sa news paper at sa internet dahil kilala ang school na ito. I took a deep sigh ng makita ko ang kasama ko. "Let the journey begin," she muttered.

Parehas na boarding school ang Athena High at Apollo High, ngunit di hamak na mas malaki at mas sikat ang paaralang ito. Nasa right side ng school ang girls dormitory at nasa left side naman ang boys. Nag usap kami na magkikita na lang kami bukas dahil gabi na ng makarating kami dito. Kapansin pansin ang mga gusali ng Athena High dahil mukha itong bago kahit na matagal na panahon na itong naka tayo. What do I expect? pag mamay ari ito ng pinaka malakas na mafia sa pilipinas.

Habang naglalakad ako papunta sa boys dormitory ay di ko maiwasang tignan malawak na gymnasium. There's something odd about it. Malalaman ko naman bukas kung anong meron sa school na ito.

Andito na ako ngayon sa labas ng boys dormitory it is like Victorian Style building. Kung ang dormitory ng Apollo High ay maihahalintulad sa hotel, ang Athena High dormitory naman ay maihahalintulad sa mansyon.

Nag pakilala ako sa landlady bilang isang exchange student kaya agad niya akong inihatid sa room 309. It was huge room ngunit dalawa lang ang kama na nasa loob. Lucky me dahil wala akong kasama dito o sinadya ito ng aming propesor para mas mapibilis ang pakay namin dito.

Kinabukasan ay maaga akong tinawagan ni Sophie. I was about to take a bath when I received a call.

"Expecting me?" she asked. Ganito talaga ka excited? Hindi naman ako tatakas sa misyon namin dito. "We're not going to school today."

"A-ano?"

"Nag ikot-ikot ako kagabi at may nakita akong lugar na dapat mo ding makita," wika nito.

"Maliligo lang muna ako saglit at ako ang tatawag sayo."

I was about to end the call ng marinig ko ang malakas na pag bukas ng bintana. What the hell? I took a deep sigh ng makita ang pagmumukha niya.

"No need to call me," she said and wink at me. Hindi ko alam kung paano siya naka akyat sa ganitong kataas na gusali, may lahi ata siyang unggoy.

"You're not staying here dahil maliligo pa lang ako," I said and pointed to the door.

Her eyes begin to shine like a star. Puppy eyes huh? "Fine just don't look at my things," she said and nodded

Pumunta na ako sa banyo para maligo at humiga naman siya sa bakanteng higaan. I took half an hour bago lumabas ng CR dahil hindi ako sanay na malagkit ang katawan ko. Nagsuot lang ako ng black t-shirt at dark blue na above the knees short.

Bahagya akong humarap sa kanya dahil napansin ko na antok pa ito. "Nagpuyat ka kagabi."

"Hindi ah!"

"The dark circle around your eyes," I uttered. Agad naman siyang tumayo at pumunta sa CR para tignan sa salamin.

"Hindi naman halata ah!" bulyaw niya
sa akin. Girls tend to be self conscious lalo na pagdating sa katawan o hitsura nila. Kapag sinabihan mo sila ng mataba o nagiging malapad sila ay nagsasalubong na ang dalawang kilay nila. Pftt! What can I say? Babae pa din naman siya kahit na pumapatay siya.

Para namang nabasa niya ang nasa isip ko at naglakad patungo sa hinihigaan nito kanina. He sat on the bed as she speak. "Hindi pa ako nakaka patay ng tao, we're the same kaya wag kang matakot o mandiri sa akin."

"Wala namana akong sinabi ah?"

"Parehas lang tayo, hindi ko din gusto na mag aral sa school nayun. Ayaw ko din pumatay," she said with firm and sweet voice.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project AssassinationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon