Dedicated to: Happy_Shia and Marieee_rdrgz
Nakasiksik sa pinakagilid ng kwarto, nakayuko habang madilim ang paligid.
Nakapatong ang aking mukha sa aking dalawang basang braso na nakapatong sa mga tuhod ko... nakayuko—ganoon ang posisyon ko ng biglang tumunog ang cellphone kong nasa tabi ko lang at nagliwanag ito.
Pinunasan ko ang aking mukha at sinilip ang dahilan ng pagliwanag ng cellphone ko.
One New Message Received.
From: My Love.
'I'm sorry, I know you're crying right now, but I don't want to be with you anymore... Let's officially end this relationshit.'
Natulala na ako ng tuluyan...
'Anong nangyari sa hindi mo ako iiwan?'
Tanong ng utak ko sa sarili ko.
And really? RelationSHIT? Ganun ba ang tingin niya sa relasyong meron kaming dalawa?
Ilang beses na ba niya akong iniwanan? Maraming beses na rin pero paulit ulit niya rin akong binabalikan...
A-Ano bang meron sa iba na wala ako? Bakit pakiramdam ko, kapag wala na siyang mapagpipilian dun niya lang naiisip na nandito ako?
Ganun ba talaga yun?
Nung una, iniwan niya ako dahil sa bestfriend kong iniwanan din naman siya.. napatawad ko siya—unang minahal e... pinayagan ko siya makabalik sa sistema ko nung nakipagbalikan siya. Kasi sabi niya, hindi na niya uulitin.
Sumunod naman yung may bagong transferee sa school. Na-love at first sight yata siya dun sa babae na yun, tapos umamin yung babae na may gusto sakanya kaso may sabit kaya iniwanan din niya ako.
Nung iniwan niya ako, pinagtawanan siya nung babae dahil sinabing pinagkatuwaan lang siya—naawa ako nuon... kaya nung bumalik siya—tinanggap ko ulet.. kasi, duon, sabi niya hindi na niya ako iiwanan.
Meron pa ngang umabot sa puntong... hindi na ako yung nagiging priority niya.. dati rati sabi niya—pagkatapos ni god at ng pamilya niya, ako ang susunod na prayoridad niya.. pero nung tumagal kami ng mga ilang buwan.. ako yung huling taong naaalala niya at inaalala niya.
Pero pinilit ko paring intindihin.. kase di lang naman saakin dapat umiikot ang mundo niya e...
Tuwing nag-aaway—nakakayanan niyang matulog ng mahimbing—nakakayanan niya akong tiisin—wag kausapin o kamustahin man lang... yung tipong ako pa yung mag gagawa ng unang hakbang para magkaayos kami.. kasi ayokong mawala siya saakin e—ako na lang yung magbababa ng pride wag lang siya mawala.
Hindi pabor ang pamilya at mga magulang ko sa relasyong pinasok ko... sabi nila ay masyado pa daw akong bata para makipagrelasyon..
I'm already 16 years old and I understand my parents.. pero.. hindi ko kasi mapipigilan yung nararamdaman ko e.
Kapag minahal ko ang isang tao, mahirap na para saaking tanggalin ang pagmamahal na meron ako—kahit anong gawin ko.. nakakayanan kong isakripisyo ang lahat lahat.. para lang sa taong iyon.
Sinuway ko ang mga magulang ko dahil sa lintek na akala kong tama..
Ilang beses nagkaroon ng third party, pangloloko, pangbabalewala... hindi pagkakaintindihan... pagtitiis... sakit.. pag-iyak.. pero dahil nga ako itong si tatanga tanga, binabalik balikan ko parin kahit ang sakit sakit na...
BINABASA MO ANG
Mahal Kita (A One-Shot Story)
Short StoryNaranasan niyo na bang magmahal? Naranasan niyo na bang magpatawad? ... magbigay ng tyansa? Paulit ulit na tyansa? Napakaraming pag-asa-sa iisang tao? Umiyak ng gabi-gabi, oras oras, dahil sa sakit? Para sa mga taong nagmamahal ngunit paulit ulit ku...