Nilakbay ko ng tingin ang paligid. Nagkalat ang iba't-ibang bulaklak na tila ba isa itong hardin. Mayroong naglalakihang puno at damo na kay lambot.
"Ang ganda naman dito." Bulong ko sa aking sarili.
Nagsimula akong maglakad at sinundan ang isang daanang bato. Saan kaya ito patungo? Nasaan ba ako? Napahinto ako sa paglalakad at malakas na sinabi, "Teka sino ba ako?"
Ilang sandali matapos ko sabihin iyon, may binatang sumilip mula sa di kalayuan. Siya ay kayumanggi ngunit grabe ang tangkad, matangos ang ilong at mapula ang labi pati na din ang pisngi. Ang kaniyang mata ay titig na titig sa akin.
"A-ako?" Teka bakit ako biglang nauutal? Nakita ko siyang napangiti ng konti dahil sa pagkautal ko, psh ang gwapo.
"Tayo lang naman ang nandito, binibini." Ang boses niya... Grabe, parang bigla kong narinig na umaawit ang mga anghel sa langit. Ito ay malalim at may pagkakisig, ngunit masarap pakinggan.
"Ah, sabi ko nga. Hindi ko kilala kung sino ako ngunit maaari ko bang malaman kung sino ka?" Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya at noong magkaharap na kami, kinailangan ko pang tumingala para tignan siya sa mata.
"Ako si Hades."
"Ako si-" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang sumabat. Aba bastos 'to ah! Kung di lang siya gwapo malamang natamaan na sakin 'to.
"Ayos lamang kung hindi mo pa masabi ang iyong pangalan sa ngayon, ngunit." Nanlaki ang mata ko nang bigla siyang lumuhod sa isang niyang tuhod at may kinuha sa kaniyang bulsa...
SINGSING?!
"Ngunit ikaw ang pinakamagandang babae na nakita ko rito at sa segundo na nakita ko ang taglay mong ganda, alam ko na ikaw ang gusto kong pakasalan at magdala ng aking mga anak." ANAK?! WTF?
Pinanuod ko siyang hawakan ang kamay ko at saka isinuot ang singsing sa isa kong daliri. Teka.. Wala pa nga akong sagot eh!
Tumayo siya at kinabig ang aking bewang palapit sakaniya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at ang kaniyang mata ay nagpalipat-lipat ng tingin sa aking labi at mata. Napangiti siya saglit bago.. BAGO!
HOY ALPHABET PUNYETA KA GISING! HOY ALPHABET PUNYETA KA GISING! HOY ALPHA- Bigla akong napabangon dahil sa alarm. Pucha! Akala ko kung ano na.
"Hayop na alarm yan." Huminga ako ng malalim at saka sinubsob ang mukha ko sa unan.
tsk bakit ba kasi ang sarap matulog? dapat di na ako mag-aral eh.
Napailing ako sa naisip ko pero ilang sandali ay lumabas din ang pilya kong ngiti.
what if.. kumuha ako ng trabaho sa mga sleep experiment? tapos babayaran nila ako para matulog. hays ang galing ko talaga! so smart talaga myself!
Naghikab ako ng konti at maarateng niyakap ang unan ko. Ilang sandali pa ay nakaramdam nanaman ako ng antok.
HAYOP DI KA PA BUMABANGON? GISING NA HO DAKILANG TAMAD! HAYOP DI KA PA BUMABANGON? GISING NA HO DAKILANG TAM-
"AH PUT- dapat talaga palitan na yang alarm na yan pucha!" Padabog akong tumayo at saka dumiretso na sa cr para maligo. Alam ko naman na hindi ko talaga iibahin ang alarm ko dahil ilang taon ko na iyang ginagamit at ilang taon ko na din yang sinasabi. Si Cinth pa nga ang nagrecord niyan dahil alam niya na pag walang gigising sakin, hindi talaga ako magigising.
BINABASA MO ANG
Chasing Butterflies
General FictionMaeveric Abcde Samora always believed in happy endings and fairytales. Eversince she was a kid, she knew that someday, somebody will come into her life and be her knight and shining armor - just like in the stories! That is until.. Augustus Craige...