Kamusta ka na?
okay ka lang ba?
masaya ka naman ba sa kanya?
kasi kung hindi babawiin kita.
Pero alam ko masaya ka na, nakakangiti ka na.
Alam mo? nandito pa din ako hinihintay ka, naghihintay na bumalik ka.
Hirap akong mag pretend na hindi ka namimiss, na wala na akong pakialam sayo, na masaya ako para sayo pero t4n6yna ang hirap.
Sobrang hirap ipakita sa iba, na okay lang sakin ang lahat.
Lagi ko sinasabing "Sus, naka move on na ako", "Wala na akong pake no!" pero deep inside ang sakit na.
Sobrang namimiss ko na ang lahat ng sayo, tawa mo, ngiti mo, titig ng mga mata mo, boses mo, buong ikaw. Miss na miss ko na.
Naiinis ako sa sarili ko kung bakit binabaliwala kita noon, kung bakit nawalan ako ng pake sayo noon, kung bakit hinayaan kitang magmahal ng iba na ngayon pinagsisisihan ko na.
Wala akong ibang hiniling kundi ang bumalik ka, araw-araw kong binubulong sa hangin na sana bumalik ka na.
Kasi alam mo? nandito pa din ako.
Kung sakaling iwan ka niya, kung sakaling saktan ka niya, nandito lang ako. Kung sakali mang bumalik ka, babawi ako mahal.
Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko noon. Sana pala naging madamot na lang ako, pero sa ngayon hahayaan muna kita sa kanya.
Maghihintay na lang ako sa pagbabalik mo kahit ilang taon pa 'yan