1:THE HIDDEN

21 2 0
                                    

-1987-

ALIYA'S POV.

Andito ko sa mansion ng Don Puerte de Lano kung saan ako ang punong tagapagsilbi  dito sa kanilang mansyon at kasalukuyan akong Naglilinis ng kanilang kusina na dapat hindi ko ginagawa ngunit dahil ako ang punong tagapagsilbi ay inako ko na lamang ang dapat gawin ng isang batang katulong ng hindi ito makakilos dahil sa mga sugat na natamo nya sa katawan na nakakabahala at nakakapagtaka ng husto  sapagkat ayaw niyang magsalita kung paano o saan kung sino man lang ang gumawa nun sa kanya ng matapos ako sa aking gawain dito ay agad kong pinuntahan si anrena ang batang tagapagsilbi na nagtamo ng madaming sugat kailangan ko siyang pilitin na magsalita upang maisabi ko man lang kay donya ang nangyari sa kanya upang bigyan din siya ng mahabang pahinga lalo na at malala ang natamo niya lalo na at ayaw ni ya magpadala sa gamutan sapagkat kapos sila sa pera at kulang pa itong sasahudin niya pag kain sa kaniyang ama , ina at sa kanyang mga kapatid na mas nakakabata sa kanya ng makalapit ako sa aming silid ng mga tagapagsilbi

nakita ko ang batang tagapagsilbi na si anrena na nakatitig sa kung saan kaya naman dahan dahan ako kumatok at lumapit sa kanya

"iha ? Mukhang malalim yata ang iyong iniisip maari kobang malaman ang laman ng iyong isipan ?" Tanong kong bungad sa kanya ngunit nakakapagtaka at hindi man lang niya ako nilingon

at bigla nalamang tumayo sa kanyang pagkakaupo sa kanyang higaan ng nakatalikod sakin samantalang kanina ay hindi man lang sya makatayo dahil sa mga sugat na natamo nya at nakakapagtaka dahil nakasuot siya ngayon ng puting bistida na hanggang sa kaniyang tuhod na may mahahabang manggas at ang kanyang buhok na may kaunting pagkakulot ay bandang bewang na niya at may nakita akong mantsa ng dugo sa kanyang bistida sa bandang laylayan.

Dahan dahan siyang humarap sakin at ang waring lalapit pa sana ako ng husto sa kaniya ng
Bigla na lamang humangin ng malakas at napuwing ako kaya naman ay papikit pikit ako ng maayos na ang aking paningin laking gulat ko ng

"Ano kaba iha tila aatakihin yata ako sayo sa puso e jusmiyo" banggit ko.

Nang nasa aking harapan na sya at nakayuko sakin kaya naman hinawakan ko ang kanyang kamay  ngunit bigla akong kinabahan sapagkat itoy puno ng bahid ng dugo ngunit tinatagan ko ang aking loob na wari'y hindi si anrena ang nasa harapan ko.










ANRENA'S POV.

"Ate aliya ?  Natapos nyo na ho ba ang aking gawain ? Ako na ho ang gagawa ng ibang gawain ko at kaya naman na ho ng aking katawan" banggit ko kay ate aliya na nakatalikod sakin habang nag gagayat ng kung ano.

ilang  dangkal lang ang pagitan namin ngunit hindi sya sumasagot nakakapagtaka lamang kaya naman lumapit pako sa kanya ngunit laking gulat ko na ang kanyang tinatadtad ay isang karne ng baboy at nakita ko ang mga sangkap nito at tila ba ito ang aking paboritong kong pagkain.

"Wahh ate aliya ayan ba ang ating tanghalian ? Iyan ata ang aking paboritong pagkain" galak na sambit ko sa kanya at nagagalak ako kahit tila tumatayo ang aking balahibo  sigurado naman ako na hindi nya ako nasundan kagabi at ayoko madamay sila sa akin.

"Oo ito nga iyon anrena " biglang sambit ni ate aliya ng teka saglit iba ang boses na iyon at kilala ko ang boses na iyon hindi maari hindi ito maari sya yung kagabi si-ya y-on.

Dahan dahan ako umatras sa kanya at kailangan ko syang maialis dito hindi maari na maidamay sila ate aliya rito hindi maari kaya naman mas binilisan ko pa ang aking pagatras hanggang sa nakasandal na ako sa pinto ng kusina ngunit tanaw kopa rin sya.

"Magandang tanghali anrena at bakit nariyan ka ? hahahaha" bigla nyang sambit at humarap sa akin na hawak ang kutsilyo na pinanggayat nya sa baboy kanina ngunit hindi lang pala baboy iyon parang may iba pang nasa sangkalan ngunit hindi kona maaninag ng husto lalo't na ngayon ay palapit na sya sa akin ng may bahid pa ng dugo ang kanyang muka may sugat sa pisngi na para bay tinaga ng itak at ang kanyang damit na kanina ay pang silbing kasuotan na katulad sa akin ay bigla  lamang napalitan ng kulay puting blusa na may mahabang manggas at ang kanyang laylayan ay may bahid ng dugo ganon narin .

Dahan dahan kong ipinihit ang bukasan ng pinto ng kusinang ito malapit na sya sa akin kailangan kong makalabas dito sa mansiyon at bumalik sa palaruan kung saan  sya nanggaling kaya naman sa  wakas ay tuluyan ko nang nabuksan ang pinto at nakalabas ng kusina ngu-nit siya ay nasa aking harapan na hindi ito maari.

"Anrena tulungan mo ako " tugon ni  ate aliya na hawak na ng isang babaeng nilalang  na ito habang nakatutok ang kutsilyo sa  kanyang leeg.

Humakbang  ako palapit sa kanya "hindi nako natatakot sa iyo isang demonyong katulad mo pakawalan mo si ate aliya !"ngunit bigla  na lamang ito tumingin sa akin at tumatawa ng tumatawa

"Anrena mayroon  sa iyong likodddddd !" Sigaw bigla ni ate aliya  sa akin kaya naman biglaan  akong napalingon  sa aking likod at laking gulat ko bakit ! Hindi maari ito bakit sila ay dalawa sigaw lumingon ulit ako kay ate aliya ngunit wala na sila  hindi maari   kailangan  kong mabuhay kailangan  ko silang mailigtas laban sa demonyong  ito ngunit  laking gulat ko ng naamba siya na ibabato sa akin ang kutsilyong hawak niya

"Masarap pala makipaglaro    sa inyong lahat ngunit  kayong dalawa palang ang  aking nakikita at mababawasan   nanga lang ng isa hahahahahaha". Tugon  nito

"Wag mo silang  sasaktan   ako nalamang pakiusap  isang demonyo ka! "Sigaw   ko sa kanya habang tumakbo   na ako at  ngunit bigla nalamang  may tumagos  sa akin  na hindi maari to ang kutsilyo  naisaksak  nya sa akin ngunit buong lakas na tumakbo padin  ako hanggang  makalabas ako ng mansiyon.

"Takbo anrena hahahaha takboooo!" Sigaw nya sa akin na wari ito na ang  aking katapusan

Patuloy ako sa pagtakbo kahit may kutsilyo sa aking likuran at panay agos ang aking dugo mula rito hindi kona mawari kung tama  ba ang dinadaanan ko basta ang importante ay ang mailayo sya dito ngunit napahinto  ako sa pagtakbo ng maalala ko si ate aliya at bakit dalawang demonyo ang nakita ko kanina sino ang isang yon.

"Napagod kana ba anrena ? Bakit tila napatigil ka saan kaba paparoroon?" Isang nakakakilabot na boses ang bigla kong narinig at heto na siya sa aking likuran at teka dalawa nga sila hindi ako nagkamali

"Anrena tumakbo kana iwan mona ako bilisan mooooo !" Sigaw ni ate aliya habng hawak padin sya ng isang demonyo na kahawig na kahawig nitong humahabol sa akin na syang nakasugapa ko kagabi

" ayaw mo ba makipaglaro sa aamin anrena ? Sumama na sa amin si aliya ngunit ikaw matigas  kapadin " biglang sabi nito ng pasigaw at parang hangin sa sobrang bilis  nanasa likuran kona siya at binunot ang kutsilyo na nasa likuran ko

Napaupo ako sa sobrang sakit na nadama ko galing sa paghugot nya rito.

"Sabi  ko sayo makikipaglaro lang kami" sambit nya at hinawakan   ang baba ko at pilit na pinapatingin  sa kanyang mata na nakakabighani sa una ngunit isang demonyo pala.

THE HIDDENWhere stories live. Discover now