Chapter 6

18 0 0
                                    

Alas siyete ng umaga ng umalis kami sa bahay, siyempre todo paganda ako. Para naman kapag nakita ako ni Jhackier My Love ay ma-love at first sight siya sa akin, aba hindi malayong mangyari 'yon. Ako kaya si CasilynTheDiyosa. Pero siyempre biro lang, alam ko namang hindi mangyayari 'yon dahil kilala niya ako bilang fan niya hindi bilang future jowabels niya.

Dahil sobrang pinaghandaan ko ang araw na ito ay nagsuot ako ng backless na sandong itim at nagpantalon ako na white. Hindi naman ako nagpapa-sexy dahil sadiyang sexy na ako, hindi naman makapal ang mukha ko, sadiyang nagsasabi lang ako ng totoo.

"Ito 'yon, ito 'yon 'di ba?" tanong ko ng makita ko ang lugar na gustong-gusto kong puntahan noon pa man.

Habang nasabiyahe kami ay kanina ko pa pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin, inaabangan ko kasi ang lugar na gusto kong puntahan noon pa man, at sa wakas na daanan na rin namin.

"Oo, gulat na gulat? Para ka namang taga bundok niyan," umiiling na sabi ni Daira.

"Alam mo naman na ngayon lang ako nakapunta dito sa Manila e, kaya 'wag kang epal," sabi ko at inirapan siya.

Noon ko pang gusto pumunta sa Manila at lalo na sa Baclaran, ang sabi kasi ng mga kakilala ko ay madami raw mabibiling gamit diyan. Marami daw tao doon ngunit sulit naman daw ang pagpunta dahil paniguradong may' mabibili ka, mura raw ang mga tinda at marami pangpagpipilian.

Sa tuwing niyaya ko sila Mama na pumunta kami dito ay sinasabi nilang busy daw sila. Kaya ito, ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako dito sa Manila.

"Pero alam mo ang ganda diyan, marami kang mabibili," saad ni Daira habang nakasilip sa windshield upang makita ang lugar ng Baclaran.

"Punta tayo mamaya 'pag natapos ang meet and greet," nakangiti kong sabi sa kaniya.

"Sabi mo alas siyete pa ang tapos?" naguguluhang tanong ni Daira. Porket ba alas siyete ang tapos ay bawal nang pumunta doon? Loka-loka talaga itong si Daira.

"Puwede namang dumiretso tayo kapag natapos a--" natigil ako sa aking nais sabihin ng magsalita si Papa.

"Dumiretso na kayo agad sa pag-uwi, wala nang gagala pa. Umuwi kayo agad kapag natapos na."

Si Papa naman, ito na nga lang ang unang beses na nakapunta ako dito sa Manila ay ayaw niya pa akong pagbigyan.

"Pero Papa--"

"Wala nang pero pero, Anak." Napanguso na lamang ako na parang isang bata. Kainis naman.

Minsan talaga gulo-gulo rin ng mga magulang natin. Ang sabi niya sa akin kahapon ay ang mapapangasawa ko na lang ang hinihintay niya tapos ngayon parang pinaghihigpitan niya pa rin ako.

"Tito, nagpadala po pala si Mommy ng magsusundo sa amin pauwi. Puwede na po ba kaming dumiretso sa Baclaran pauwi--"

"Hindi pa rin, gabi na 'yon. Delikado na," sinsaryong sabi ni Papa, tinignan ako ni Papa dahilan para iwasan ko siya ng tingin. Sa labas ko na lamang binigay ang aking atensiyon.

Ayan na naman, nakakaramdam na naman ako ng tampo kay Papa. Ayoko pa naman nang ganitong pakiramdam.

"Naiintindihan mo ba ako, Casilyn?" tanong ni Papa. Kahit hindi ako nakatingin kay Papa ay tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

Huminga ako ng malalim upang ikalma ang aking sarili, ayokong makaramdam ng tampo kay Papa, naiintindihan ko kung bakit sila mahigpit sa akin. Ako lang ang nag-iisa nilang anak at babae pa ako, kaya alam ko na 'yan ang dahilan kung bakit nila ako sobrang prinoprotektahan.

Simula nang usapan na iyon ay naging tahimik ang aming biyahe, pati si Daira ay mas pinili na lamang din na tumahimik.

'Fortal's' basa ko sa isang malaking Billboard na nadaanan namin. Ito ay isang brand ng bag na madalas bilhin ng mayayaman, mamahalin kasi ang bag na ito. Nakakaloka nga dahil bag lang naman iyon pero ang presiyo ng mga ito ay may' umaabot ng 500 thousand, ang iba pa nga raw ay nasa Million. Kaloka.

Im just a FanWhere stories live. Discover now