Part 1

94.5K 1K 27
                                    

"HWAH!" Naghikab at nag-unat si Alleah ng kanyang mga braso pataas upang magising na siya nang tuluyan.

"Cubao! Cubao na!" paulit-ulit na sigaw na kasi ng konduktor ng bus na kanyang sinakyan.

Walong oras din ang naging byahe niya kaya kailangan niyang igalaw-galaw ang kanyang espirito at katawan dahil sa pagkakabagot sa kakaupo. Kinalyo pa nga yata ang puwet niya, eh.

Pagkatapos ay tumayo na rin siya. Nagsibabaan na ang mga kapwa niya pasahero. Bababa na rin siya at baka idiretso pa siya ni Mamang Driver sa Pasay na next na terminal. Malayo na iyon.

At saktong pag-apak niya sa sementong sahig ng terminal ng bus ay tumawag si Jessy sa kanyang cellphone. Pinsang buo niya si Jessy at sa kanya siya makikitira sa kinaroroonang napakalawak na city.

Yes, she was in Manila na. At excited much na siya na maging isang manila girl na rin.

Ngiting-ngiti na inilibot niya ang mga mata sa paligid. Excited na rin siyang magkalat. Ang balak niya kasi ay maghahanap ng mayamang lalaking paiibigin niya. At seryoso siya dahil kung 'yong iba ay trabaho ang hanap kapag lumuluwas ng Maynila, pwes, siya hindi trabaho ang sadya niya rito kundi lalaki. Lalaking mayaman na magiging asawa niya.

Sabi nga nila, aanhin mo ang trabaho kung wala ka namang dyowang mayaman at guwapo. Ops, siya lang pala ang may sabi niyon. Hi-hi.

Basta motto niya ngayon 'yon at wala silang pake.
Malandi na siya kung malandi, pero may dahilan naman kung bakit siya mamimingwit ng mayaman. Pero bago siya magkuwento, sasagutin niya muna ang tawag ni Jessy.

"Hello, insan?"

"Hello, Alleah? 'Asan ka na?"

"Kadarating lang dito sa terminal ng Cubao. Ikaw nasan ka na?"

Susunduin siya ni Jessy. Hindi pa kasi niya kabisado ang tinitirhan ni Jessy kahit pa ilang beses na siyang nakarating doon. Parang maliligaw pa rin siya if siya lang ang pupunta. Ang gulo kasi ng kalsada ng Maynila, eh. Ang daming pasikot-sikot.

"O, sige sige. Wait mo lang ako d'yan, ha? Papunta na ako riyan. Traffic lang kasi. Huwag kang aalis diyan."

"Okay..." At ibinaba na niya ang mumurahin niyang cellphone. Sinilid ulit niya iyon sa kanyang bulsa. Pagkuwa'y tumingin-tingin siya sa paligid. Tinungo niya ang bakanteng upuan na nakita niya. Uupo muna siya habang inaantay ang pinsan kasama ang ibang pasahero ng bus na mga naghihintay rin.

So, 'yon na nga. Ito na ang kuwento niya. Kailangan talaga kasi niyang maghanap ng jowang mayaman dahil wala na siyang magulang bata pa lamang siya. Mga natyugi sa aksidente ng motor. Bwisit kasi ang nag-imbento ng motor na 'yan, eh. Char.

At 'yong lola niya naman na nag-alaga sa kanya ay namatay na rin ilang buwan na ang nakakaraan, kung kaya't sa ngayon ay wala na siyang maasahan. Mahihirap din kasi ang buhay ng nga kamag-anak nila kaya ayaw niyang maging pabigat. Isa pa ay sawang-sawa na rin siya sa hirap ng buhay sa probinsya. Sawang-sawa na siya sa mga raket niya roon para kumita na hindi naman nakakayaman.

Gusto na niyang umasenso. Gusto na niyang matulad sa isang pinsan niya na nakatsamba ng asawang mayaman, kaya ngayon ay balitang nasa Canada na at hindi na nagpaparamdam.

Ambisyosa na kung ambisyosa siya pero gusto niya talagang matulad sa kapalaran ng pinsan niyang iyon. Gustong-gusto niya kaya pursigido siya na nagtungo roon sa Maynila. Kasi kung sa probinsya lang siya, eh, baka kapitbahay lang din nila ang mapapangasawa niya. No way!

Sa tagal ni Jessy. Nauhaw siya kakahintay. Tumayo siya at pakendeng-kendeng na tinungo ang isang convenient store na nakita niya sa malapit. Kaso sa kamalasan ay muntik na siyang mabangga ng isang magarang kotse na kulay itim na palabas sa terminal.

BIT JOKE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon