Part 4

28.6K 566 5
                                    

"Find the cunning bitch, Arthuro! And present her to me right away!" Kael's powerful command of his driver and his bodyguard as well. He can't really accept that a poor girl had just deceived him. Thinking of it really pissing him off!

Tinungga niya ang laman ng baso na may lamang mamahaling alak. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang nakatanaw siya sa magandang view na kitang-kita mula sa kanyang opisina. Nasa likuran naman niya si Arthuro na nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Pero, sir, paano ko naman hahanapin 'yon, eh, hindi ko naman nakita ang mukha niya?" Kamot-ulo si Arthuro.

Napaharap siya sa tauhan na tinuturin niya ring kaibigan. Oo nga, 'di niya pala kasama kahapon si Arthuro dahil nag-day off ito. Fortunately, he briefly thought of another way.. "Get the CCTV footage in the department store. You will see her face there. Then ask the manager who assisted her yesterday what her name is. He told me but I forgot. I'm just sure that it starts with letter A."

Tumango-tango si Arthuro. "Areglado, sir, ngayon pa lang hahanapin ko na siya," tapos anito sabay talikod na.

He took a deep breath and tried to control his trembling body because of extreme irritation. The truth is he doesn't really want to see the trash girl's face again, but he needs to. He doesn't want to tolerate the girl's did. He needs to punish her! The scumbag psychopathic annoying girl needs to rot in jail if needed!

"Wait!!" pero saglit ay bigla-bigla niyang pigil kay Arthuro when suddenly he remembered something.

Medyo nagulat pa na muling humarap si Arthuro sa kanya.

"You know her pala. She's the girl at the bus terminal. 'Yung sabi mo ay namamalimos at adik na babae."

"Ta-talaga, sir?!" Nanlaki ang mga mata ni Arthuro. Hindi makapaniwala.

"Yeah.."

"Babaeng 'yon talaga! Adik nga!" napalatak si Arthuro. Nagngitngit ang mga ngipin nito at iiling-iling na umalis na.

Siya naman ay pabagsak na iniupo niya ang sarili sa kanyang wooden office desk. He was so upset still.

Ang kapal ng mukha ng babaeng 'yon. Isang damit lang ang nabuhusan niya ng cokefloat tapos umabot ng one hundred thousand pesos ang kinuha sa kanya! Nakakainit naman talaga ng ulo!

Kailangan niya talagang maparusahan ang makapal na mukha ng dukhang babaing 'yon, para matuto!

Sa ginawa tuloy ng babaeng 'yon ay lalo lang nadagdagan ang inis niya sa mahihirap na babae, kung hindi sila social climber, eh, mga gold digger!

Sa mga nagsasabi na hindi naman lahat, hoaxers!!!

His fingers closed into a furtile fist. Never na mapapatawad niya ang adik na babae na iyon!

"Kuya, can I come in?" suddenly it's Charisse sweet voice came from the door way, his twelve-year-old little sister. Nakasilip sa may pinto ang cute na cute na bata.

His grim look was so fast that he replaced it with a tame smile. Then he action his left hand to tell his little sister to get in, as if he had no problem.

"Hello, kuya!" Nag-kiss sa kanya ang kapatid.

"Hi. How's your school?" tanong niyang ngiting-ngiti. He pushed a strand of hair back behind her ear. Then inayos-ayos niya ang nakusot na school uniform ng kapatid.

"Nothing unusual. Anyway, are you busy, kuya?"

"No. Why?"

"Great then coz I want you to accompany me in my classmate's home, kuya. I have a books that I need to get from her."

"Wait, why me? Where's mom?"

"Mommy is too busy. Idinaan na nga lang ako dito sa office mo, eh. And I also want to be with you because I already miss our bonding na, kuya," paglalambing ni Charisse. "I want you to bring me in our favorite restaurant!"

Kael smiled at the kid and gently ruffled his little sister's hair. Kapag ganitong naglalambing na ang kapatid niya ay hindi na niya talaga mahihindian pa.....

•••


"Eeiiiiihhh!" tili ni Jessy na nakagising kay Alleah mula sa mahimbing na pagkakatulog.

Napalatak si Alleah dahil ang ganda pa naman ng panaginip niya, ang dami daw niyang pera. Akala pa naman niya totoo na. Sayang!

"Ang ingay mo! May natutulog dito, oy!" sigaw niya kay Jessy.

"Insan, bumangon ka muna riyan! Daliiiiiii! May artista yata sa labas!"

Napangiwi siya. Kung si James Reid 'yon, eh, lalabas talaga siya pero kung hindi, deadma.

"Sino ba 'yon?" nakapikit niyang tanong.

"Hindi ko alam, eh, pero mukhang mayaman! Kasi ang gara ng kotse!"

Mayaman?!

Magara na kotse?!

Nanlaki na naman ang nga tainga niya sa word na iyon. Kaya naman biglang dilat ang mga mata niya.

"Ano pang tinatayo mo riyan?! Tara tingnan natin!" At hila niya agad kay Jessy. Hindi na niya tiningnan kung ano'ng hitsura niya kahit bagong gising siya, sure naman niya kasing maganda pa rin siya.

Paglabas nila ay madaming dalaga at bakla na ang rumarampa sa gilid ng kalsada. Sa tapat kasi ng bahay ni Jessy naka-park ang kotse ng tinutukoy nilang guwapong lalaki dahil katapat ng bahay ni Jessy ang bahay na pinuntahan ng guwapo raw.

"Astig!!" namamanghang naibulalas niya sa isip-isip niya habang kinikilatis niya muna ang kotse na iyon. Pero teka parang nakikilala niya ang magarang kotse, ah?

"Ayan na siya! Palabas na yata sila!" yugyog ni Jessy sa kanyang isang balikat, kilig na kilig ito.

Tulad ng iba ay nagkandahaba-haba ang leeg nila na magpinsan sa pagtanaw sa lalaking mayaman. Nakalimutan agad niya ang tungkol sa kotse. Sabagay magkakamukha naman ang mga kotse, eh.

At nakita na nga niya ang likod ng lalaki. Tama si Jessy, guwapo nga yata. At likod palang ay naaamoy na niyang mayaman talaga dahil sa damit nitong magara, pang-opisina.

Atubiling inayos-ayos na niya ang kanyang sarili. Napangiwi na lang siya nang mapansin niyang nakapantulog pala siya na damit, pero okay lang at least siya pa rin naman ang pinakamaganda sa mga naroong kababaihan.

Lumabas na nga ang lalaki kasama ang maganda ring dalagita. Ngunit sa dami ng nagpapa-cute tulad niya ay hindi na siya makita.

"Tabi! Tabi!" Wala siyang nagawa kundi ang makipagsiksikan. Hinawi niya ang humaharang sa kanya.

"Si Alden!!" narinig niyang sigaw ng isang babae. Parang abnormal lang.

"Hindi! Si James 'yan!" sigaw naman ng isa. Na siyang nagpa-eager sa kanya na makita ang lalaki.

Gosh! Kung si James Reid nga ito ay 'di talaga siya magdadalawang isip na i-lips to lips, promise!

"Tumabi kayo kung ayaw niyong pag-uuntugin ko kayo! Ako ang titingin!!" angil na niya sa mga ito sa pagnanais niyang masilayan ang binata. Ayon natakot ang mga bruha, binigyan siya ng way. Pero ano'ng gulat niya naman nang magkasalubong ang tingin nila ng lalaking guwapo na iyon.

Capital O, M at G! Hindi kasi siya si Alden! Hindi rin siya si James! Kundi si Kael!

Woaaaahhhhh!!!

Bigla siyang talikod syempre. Ikinubli niya ang kanyang mukha. Kagat niya ang kanyang hintuturo na sumiksik ulit pabalik. Sana hindi siya nakita! Paktay na!

"Insan, bakit?" takang tanong ni Jessy sa kanya nang makabalik siya kinatatayuan ng pinsan.

"Ah... Eh... Kasi hindi naman siya guwapo! Ang pangit niya!" patiling sabi niya sabay lakad-takbong papasok ng bahay ni Jessy.

Patay talaga siya nito kapag mamukhaan siya. Ngayon siya biglang natakot sa kalokohang kanyang ginawa kahapon. Jusko!!!.......

BIT JOKE OF LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon