CHAPTER 59:RAIN

1.8K 50 0
                                    

RAIN POINT OF VIEW

Minulat ko ang mata ko at tinitignan kung nasan ako

"Rain gising kana" Ang sabi ni snow sakin

"Ano nang yari?" Tanong ko

"Nabunggo ka kanina tapos tumama ka sa pader at nagkadugo yang ulo mo" Ang paliwanag ni snow

Sinubukan ko umupo at naramdaman ko sumasakit yung sugat ko sa ulo

"Aray" Ang reklamo ko

"Rain wag ka muna kase umupo" Ang kaagad na sabi ni gab

"Ayos lng ako" Ang sabi ko

"Hindi ka ayus rain" Ang sabi ni gab

Bumuntong hininga ako biglang bumukas yung pinto at nakita ko sila mama at papa

"Rain anak ayos kalang ba?" Tanong ni mama

"Opo ma" Ang sagot ko

"Hay nako anak mag ingat ingat ka kase" Ang sabi ni papa

"Ayos nga lng po ako" Ang sabi ko

"Anak may dala kaming pagkain kumain kana" Ang sabi ni mama

Tumango nalang ako pinakain ako at pagkatapos ko kumain

"Anak alam na pala namin bat kayo nag break ni kesha" Ang sabi ni papa

Napatingin ako kay papa

"Nalaman kase namin na mag fiancee na sila" Ang sabi ni papa

Napayuko ako at naalala ko yung nangyari kanina sa empty room

"Anak nandito lng kame para sayo" Ang sabi ni papa

"Ayos lng ako" Ang sabi ko sakanila

"Alam naming mahal mo si kesha" Ang sabi ni mama

"Wala na akong magagawa ma" Ang sabi ko

" I know"ang sabi ni mama

Ilang oras sila mama at papa don at gusto na nila ako ilabas at lumabas na sila at inaayus ang mga kaylangan para makalabas ako kaagad sa ospital nagpalit na ako nang damit at nag hoodie ako kase makulimlim nag hood ako

"Anak tara na makakalabas kana daw" Ang sabi ni mama

Tumango ako at si gab nag dala nang bag ko at umalis na kami sa room habang nag lalakad kami inaalalayan ako ni snow at nang makalbas kami nang ospital

"Wait lng po kukuhanin ko muna yung sasakyan" Ang sabi ni gab

Tumakbo sya at kinuha yung sasakyan habang kami nasa may entrance nang ospital at biglang pumatak yung ambot yung kamay ko pinaulanan ko at tinitignan may biglang pumasok sa isip ko

FLASHBACK

Kasama ko ngayon si shasha sa tagpuan namin at makulimlim na

"Pano tayo makakauwi nito?" Tanong ko

"Edi dito muna tayo habang hindi pa tumitigil ang ulan" Ang sabi nya

"Bakit baka hinahanap na ako" Ang sabi ko

"Hindi yan kase umuulan maiintindihan ka nila" Ang sabi ni shasha sabag ngumiti sakin

Haysss mayayari ako nito at hindi ako ngayon mapakali sa kinauupuan ko at umulan na nga

"Hoy! Tara" Ang sabi sakin ni shasha napatingin ako

"Ano?"tanong ko

Hinila nya ako at pinaulanan nya yung kamay nya

" Kita mo yan? Nakakarelax tignan yan "ang sabi ni shasha

" Bakit naman?"pag tataka ko

"Ang ulan kase minsan sumasabay sa lungkot natin dinadamayan tayo kaya minsan pag nalulungkot ako ganito lng ginagaw ako nakakalimutan ko na yung lungkot ko dahil sa ulan" Ang sabi ni shasha

Napatingin ako sakanya at ngiti sya sakin bigla nyang hinablot kamay ko at ginaya nya sa kamay ko yung ginagawa nya sa kamay nya sinasalo nang kamay namin ang ulan na pumapatak

Mga oras na un naging relaxing dahil kasama ko sya at unti unting tumitibay ang feelings ko sakanya

END FLASHBACK

"Shasha" Ang mahinang sabi ko habang tinitignan ko ang pag patak nang ulan sa kamay ko

KESHA POINT OF VIEW

Entrance ako nang room para pumunta nang parking lot nang bigla akong naabotan nang ulan so dito muna ako sa may entrance may bubung naman na masisilungan

Inilagay ko sa labas na hindi masisilungan at unti unting tumutulo ang ulan sa kamay ko

Naalala ko ang ngiti ni lee nung mga araw na kasama ko sya dati

FLASHBACK

Kasama ko sya habang ang kamay namin basang basa

"Oh diba? Nakaka relax" Ang sabi ko

"Oo nga haha" Ang sabi nya first time kong makita sya na ngumiti nang ganito

"Cute mo ngumiti" Ang sabi ko at ngumiti ako

"Mas cute ka kaya" Ang sabi nya

"Hindi ah!" Ang sabi ko

Biglang lumapit yung mukha nya

"Cute mo" Ang sabi nya

Bumilis tibok nang puso ko at namula ako

"Are you blushing" Ang sabi nya

"Hindi ah" Ang sabi ko sabay iwas tingin

"Ok" Ang sabi nya sakin

Nakatingin na ako sa may kamay ko at akmang hahalikan nya sa pisnge saktong tumingin ako sakanya at bigla May dumampi sa labi ko na malambot nakita ko kaagad labi nya mag kadikit labi namin mas lalo akong namula at bumilis tibok nang puso ko

END FLASHBACK

Ngumisi ako nang naalala ko yun at naramdaman ko tumigil na pala yung ulan kaylangan ko na umuwi

Tumakbo na ako papuntang sasakyan ko at pumasok bigla kong naalala kamusta na kaya si rain sana ok na sya
____________
Thanks for reading pls vote

I'm inlove with a mystery girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon